Chapter 12

53 40 0
                                    


Serene's POV

Pumunta agad ako sa taas papunta sa kwarto ko para tignan si Lawrence. Pumasok naman ako at nadatnan na nagtitiktok at si Lawrence naman ay tulog na sa kama ko at yakap yakap ang isang damit ko.

"Oh nandito ka na pala" sabi niya at tinago ang phone nya sa bulsa ng shorts nya bago tumayo.

"Bakit yakap nya damit ko?"

"Ah ganyan kasi yung kapatid ko kapag wala si mama, hinahanap nya yung amoy mo parang ganon" sabi nya at ngumiti naman. Holoo ang hinhin talaga ni bebe Claire. Ay char mas matanda pala sya kesa saken.

"Ah kaya nakatulog. Osige salamat Claire!" sabi ko at niyakap sya

"Wala lang yon" she hugged me back.

"Magprepare ka na Claire, dadating si Minjae" i told her ar nagulat sya ay ngumiti naman.

"Hala hehehe mamamanhikan na ba??" pati ba naman ikaw mangaasar? Ahuhuhuhu

"Kakabasa mo yan ng wattpad nako! Dito nalang sya magdidinner para sabay na kaming babalik sa okada"

"Ayieeee! Parang family lang kayo!"

"Hay nako, Magkaibigan lang kami. Osige na paganda ka na! Baka mamaya ikaw type nun!" malay mo lang diba? Mamaya magkanda hiya hiya pa yon si Minjae dahil puro sila babae, tsk.

"Ehh wala MiRene shipper ako eh!" nanlaki mata ko sa sinabi nya at talagang di ako nakasagot don. Kaya tumawa naman sya

"WAHAHAHA sigeee tulungan ko nalang sila!" sabi nya at binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Hmm sige! Bababa din ako mamaya para tumulo--"

"Anuba kami na bahala, bantayan mo nalang si Lawrence"

"Wokeyyy" matapos yan ay lumabas na sya at ako naman tinabihan na si Lawrence. Nagcellphone lang ako at pumunta sa twitter. Nakita ko namang nagtweet si Edward at nakalagay don ay 'Half Okay'. Hindi na ako nagtaka don kasi hindi pa kami totally okay. Pero magkaibigan padin kami kaso di pa bati. Napalingon naman ako sa tabi ko dahil may naririnig akong umiiyak at si Lawrence iyon.

"Lawrence?" tapik ko sakanya pero di padin sya tumitigil sa pagiyak.

"Mommy! Daddy! Don't leave me. Nooo mommy please" sabi nya at nagpatuloy sya sa pagiyak. Binuhat ko naman sya agad at hinele pero patuloy padin sya sa pagiyak. Pinipilit ko syang patahanin kaso hindi talaga sya magising.

Nagulat naman ako nang may nagbukas bigla ng pinto ko kaya napalingon ako at nakita ko si Minjae na pumunta agad sa pwesto namin at kinuha si Lawrence mula sakin kaso hindi padin sya tumigil sa kakaiyak. Hinawakan ko ang noo ni Lawrence at napagtanto kong nilalagnat sya kaya naman bumaba ako agad at nakita ko ang mga kaibigan ko na nakaabang sa baba ng hagdan kaya naman tumabi agad sila nang makita ako.

Pumunta ako sa ref namin at kinuha ko yung cool fever na nandon. Natira yon nung time na nagkasakit ako at wala nang available na pangadult na size. Nagmamadali naman akong pumunta muli sa hagdanan.

"Pwede padalhan ako ng pampupunas ko kay Lawrence? Ang taas ng lagnat. Kung sino pwede sainyo pabili nalang ako ng gamot, babayaran ko nalang" hindi ko na inintay ang sagot nila at umakyat na ako agad pabalik sa kwarto ko dahil hindi padin sya tumitigil sa kakaiyak. Nilagay ko na yung cool fever sa noo nya pero wala pading tigil kakaiyak

"Wifey, kunin mo muna si Lawrence, pawis na pawis sya. Kukuhanan ko lang ng damit." tumango naman ako at kinuha si Lawrence.

"Shh baby? Baby ko nandito na si Mommy...gising ka na" sabi ko at niyakap talaga sya ng mahigpit habang hinahaplos ang buhok nya. Napatigil naman sya sa pagiyak at nakarinig ako ng mga hikbi

Unexpectedly YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon