Serene's POVIt's been a month ever since Minjae left the country. But we still communicate, only a few times since he's busy. Also a few weeks past, the police contacted me that they have found Lawrence's family.
As I heard the news, We immediately went to the station along with my friend, Jiara.
Flashback...
Nasa harap na kami ngayon ng station. Kinakabahan ako ngayon, hindi ko alam kung bakit. Tinignan ko si Lawrence na natutulog sa bisig ko. Hinalikan ko ang noo nya bago ako tuluyang pumasok sa station.
"Good afternoon ma'am. Sila ho nga pala ang lolo at lola ng bata." bati ng police officer. Tinignan ko lang sya dahil di ko padin nakakalimutan kung paano nya kami trinato. Napatingin nalang ito sa baba kaya naman nilingon ko na ang matandang magasawa na nakaupo sa harap ng table.
"Good afternoon ho." sabi ko at umupo sa tapat nila. Nagulat naman sila pareho bago napagpasyahang ngumiti sakin.
"Magandang hapon din iha." sabi nito at nagmano naman ako sakanilang dalawa.
"Bebs! Sorry nalate" sambit ni Jia na kakapasok lang sa loob at umupo agad sa tabi ko bago bumati at nagmano sa magasawang kaharap namin.
Nagusap at nagkalinawan na sa presinto. Matapos nito ay ginising ko na si Lawrence na agad tumakbo sa magasawa nang makita nya sila.
Napangiti nalang ako at pinigilang umiyak. Inalalayan na ako ni Jia palabas ng presinto at sumunod naman samin ang lolo at lola ni Lawrence.
"Iha, pasensya talaga kung nangyari ito ah? Salamat din at inalagaan mo si Lawrence." tawag samin ng lolo na buhat buhat si Lawrence
"Pwede bang maimbita muna namin kayo sa bahay namin para magmiryenda? Dun na natin ituloy ang kwentuhan natin" dagdag pa ng lola nito. Nagtinginan kami ni bebs bago ako tumango. Napangiti naman agad si Lawrence at bumaba para yakapin ako.
"Thank you so much mommy!" nakatingala na sabi nito kaya umupo ako para pumantay sakanya.
"Tara na apo. Iha? Sundan nyo nalang yung tricycle na sasakyan namin ah" tapik ng lolo ni Lawrence.
"Ay, sumabay nalang po kayo samin" suhestyon ko naman. Iisa lang ng naman ang sasakyan na dala namin. Nalate lang talaga si Jia kanina dahil may tumawag sakanya.
"Nako nakakahiya naman"
"Ayos lang po, para di na kayo mahirapan lalo na may mga gamit din po si Lawrence dito." tumango naman ang magasawa at inalalayan na namin sila ni Jia.
Nagsimula na akong magdrive habang tinuturo ni Lolo ang daan pauwi sakanila.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa tapat ng isang malaki pero mukhang luma nang bahay.
Sa kabila ng kalumaan nito, makikita mong napangalagaan ito ng mabuti. Panahon ng español ang istraktura ng bahay na ito kaya talaga mahahalata mong matagal na ito.
Bumaba na kami sa sasakyan habang buhat ko si Lawrence at masayang inimbita ng magasawa papasok sa bahay. May babaeng nagbukas ng pinto papasok sa bahay. Tinignan ko sya ng mabuti pero di sya makatingin sakin.
Di ko nalang siya pinansin at sinundan nalang sila lolo at lola palabas sa hardin nila.
"Mga iha, umupo muna kayo dito at kukunin ko lang ang miryenda" sabi ni lola bago pumasok muli sa loob ng bahay.
Pinagmasdan ko ang paligid ko at hindi ko napigilang mamangha sa dami ng bulaklak na nakatanim sa hardin nila. Bumaba naman agad si Lawrence at naglaro sa sandbox na nakalagay sa gilid ng isang maliit na silid. Stock room nila siguro ito.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Randomwhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If