Chapter 16: Shattered

27 5 0
                                    

***

Chapter 16: Shattered

"The old Kristan, the old Andrei. The real name of Kristan. Totoong Andrei ang tunay niyang pangalan. Andrei Martinez."

Papunta na kami ni Jun ngayon sa sinasabi niyang kulungan. It's already 3:30 in the morning at medyo marami-rami na rin ang bumabiyahe.

Mamayang gabi pa naman dadating sila Min. I can still find for Tan's real family.

Agad kong pinindot ang location ng sinasabing kulungan ni Jun sa may gilid ng sasakyan.

"Tresor Private Jail. Go drive left."

Agad naman akong nagdrive pakaliwa.

"Duri. Hindi ba magagalit si Ki sa ginagawa natin?"

"Why would he? Alam ko namang naghahanap rin siya sa tunay na pamilya ni Tan, ni Andrei."

"Fine. Kapag talaga sisigawan tayo non kung malalaman niya, susuntukin kita."

"Do whatever you want."

"Hoy! Narinig ko yon Duri! Magdadasal na ako na malalaman to ni Ki, hahaha."

"Tsk. Kahit hindi mo sabihin sa kanya, malalaman pa rin niya. Sino bang sasakyan ito, Jun? There is a bug in the car."

Nanlaki naman ang kanyang mata at napalingon sa may front mirror ng sasakyan.

"The heck?! Paano mo nalaman? Bakit ngayon ko lang napansin?"

Napatawa naman ako.

"Because you are not that good."

"Tsk!"

Hindi ko na lang siya pinansin, at mas binilisan ko pa ang pagdadrive.

"Duri, mamaya na ang dating nila."

Napahinga naman ako ng malalim.

"Go drive right."

"I know." tugon ko at lumiko sa kanan.

"Bwisit talaga. Kinakabahan ako kung ano ang sasabihin ni Gyeong sa akin!"

"Bakit ka naman kinakabahan? Diba wala naman kayong label?"

Sinipa naman niya ako sa paa kaya muntik ko na akong nakabreak.

"The heck Jun?!"

"Anong walang label kami?!"

"Wala naman talaga kayong label ni Gyeong."

Tumawa naman siya.

"At least Duri, alam kong may gusto siya sa akin. Eh ikaw?"

Tinignan ko naman siya ng masama.

"Wag na nga natin silang pag-usapan. Tsk."

Muli naman siyang napatawa. Crazy.

I look at the front pace of the jail. Kulay blue at white. Parang sinlaki rin ito ng Welbourne Jail sa Pilipinas.

"Maraming pulis na nakabantay sa main gate. Paano tayo papasok?"

Hinawakan ko sa balikat si Jun sabay tingin sa buong paligid ng kulungan na nakikita lang ng aking mata.

My gaze turns to the main gate. There are more than six police. Habang sa gilid na sa tingin ko ang 2nd gate ng kulungang ito, tatlo lang ang nakabantay.

DENUDE (Book III of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon