EPISODE ONE

163 10 8
                                    

EUNNYCE KLARE TAN'S SCENE

"Eunnyce Klare ano na naman ang ginawa mo kay Blare at nagkulong yun sa kwarto niya?!" galit na bungad ni mommy pagdating ko sa bahay galing trabaho. Nagdrama na naman ata ang prinsesa at ako na naman ang napagbibintangan na salarin. "Eunnyce alam mo naman na mahina ang puso ng kapatid mo, kaya sana wag mo siyang pagsasalitaan ng mga masasakit na salita," dagdag pa na sermon niya. 

"May pera naman kayo ipacheck-up mo sa pinakamagaling na doctor puso niya at ipachek-up mo na din ng utak niya," mahinang sagot ko pero rinig pa din ng makapangyarihang tenga ni mommy. Akmang sasampalin ako ni mommy dahil sa pagsagot ko, hinintay ko lang na dumapo sa mukha ko ang palad niya. Ngumiti ako ng makitang binaba niya ang kamay niya, naalala niya atang anak niya din ako. "Aakyat na ako sa kwarto, naghintay lang pala ako sa wala," saad ko at tinalikuran siya.

"You've changed Eunnyce, simula ng umalis ang daddy niyo nag iba na ang ugali mo, di kita pinalaking ganyan, stop acting like a child" pag-uulit niya sa signature sermon niya na ilang taon ko nang narinig. Di niya nga ako pinalaking masama ang ugali, pero ganoon ako lumaki dahil din sa kagagawan niya.

"I will, if you stop yourself from talking to me harshly without knowing what I really do," mahinahong  sagot ko habang plastic na ngumiti. Bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko nakita kong nakangiti si Eunna Blare, she's 3 years older than me but she acted like a child. Simula umalis si dad nawalan na ako ng kakampi kaya nilabas niya ang masama niyang ugali. Hindi ako ang umaaktong bata kagaya ng palaging sinasabi ni mommy, umakto lang ako kung ano ang nararapat. Muli akong humarap kay mommy, "Tsaka mommy mabait po ako di mo lang nakikita kabaitan ko at wala na akong planong ipakita yun."

Kahit 26 na nagsusumbong parin si ate kay mommy or maybe siya ang palaging nakikitang agrabyado sa sarili niyang kagagawan. Before when I was still a child, I cried everytime inaaway ako ni ate at pinapagalitan ako ni mommy, at laging ando'n si dad para patahanin ako. As we grow older binago ko ang sarili ko, dahil na din sa pag alis ni dad, too different on how they knew me before. Mas pinatatag ko ang sarili ko at ang di lumalaban na klare noon ay naging palaban, thanks to their help.

"Klare bumaba kana diyan kakain na!" sigaw ni mommy mula sa ibaba. Ayaw ko man bumaba kailangan at gagamitin niya naman ang second signature speech niya. It's already 9 PM it's time to eat dinner at makipagsagutan sa ate kong pinaglihi sa umuulan na selos

"Nagpatawag na naman ang mahal na reyna," pagmamalditang saad ni ate. Ngumiti lang ako sa sinabi niya, at least alam niyang ako ang Reyna. "Klare bilisan mo nga gutom na ako!" dagdag na sigaw nito. Akala mo naman di kayang kumain pag wala ako, bumaba ako agad para tingnan ang nanggigigil niyang pagmumukha.

Di nga ako nadismaya dahil magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa pagbaba ko. "Umupo ka Klare para makakain na ang ate mo," utos ni mommy na naging dahilan ng pagkahinto sa masamang tingin ni ate sa akin. Akmang kukuha na ako ng kanin ng kunin ni ate ang pinaglagyan nito, "Ate mo muna paunahin mo Klare, dapat nauuna ang mas nakakatanda," napatigil ako at tiningnan silang dalawa ng seryoso.

Di ko ata alam na pati sa pagkain age does matter, di pala uso sa bahay ang first come first serve policy. "Ate ibigay mo kay mommy ang kanin, siya mas nakakatanda sa ating tatlo kaya dapat siya ang mauna," nakangisi kong saad. Nakita ko ang pandidilim ng mukha nito dahil sa sinabi ko. "Mom kumuha kana ng kanin para makakuha na din kami," may nakakalokong saad ko habang nakangiti kay mommy.

Akmang kukunin na ni mommy ang sandok na nasa kanin ng kunin iyon ni ate at nilagyan ng kanin ang plato ni mommy. "Tama na po ba ang dami niyan mom o dadagdagan ko pa?" kunwaring bait-baitan na tanong ni ate. Tumango lang si mommy bilang sagot sa tanong ni ate. Trying to act as kind daughter pala trip niya ngayon. Tsk. She's too bad at acting. "Klare you want me to serve you too?" nakangiti nitong tanong sa akin, kapatid ko nga siya pareho kaming magaling mag panggap. Nakita kong ngumiti si mommy habang pinanonood ang kabaitan act ni ate Blare, akala niya siguro totoo ang inaakto ng panganay niya.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now