EPISODE NINE

20 2 0
                                    

KLARE'S SCENE

Hapon na nang dumating kami ni Ayesha sa resort niya dito sa Palawan.Pagdating namin napagdesisyonan kong maglibot muna, hindi na sumama si Ayesha at dumiretso sa pina reserved namin na room sa isang hotel para magpahinga. Habang naglalakad ako at tinitingnan ang mga cottages sa resort ni Ayesha, hindi ko inaasahan na mabangga sa isang babaeng nakasuot ng two piece swimsuit.

"Pwede ba next time, mag ingat ka at tumingin ka nang maayos sa dinadaanan mo!" Galit na sabi nito.

"Mali ata ang sinabihan mo na mag-ingat, hindi mo dapat sa akin sinasabi 'yan dapat sa sarili mo! Sa ating dalawa ikaw yung ayaw ng nababangga diba?" tudyo ko.

Tatalikod na sana ako para ipagpatuloy ang paglilibot ng bigla niyang hilain ang kamay ko. Namimihasa na ata sila sa paghila ng kamay ko. First si ate ngayon naman ang babae na ngayon ko lang nakikita, anong meron na espesyal sa kamay ko? Bakit mukhang sobrang gusto nilang hinihila ito. Fuck this bitches!

Dahil sa paghila na ginawa niya sa kamay ko napaharap ako sa kanya. 

"Hindi mo kilala ang kaharap mo, bitch!"

Napaigting ang tenga ko dahil sa huling salita na binigkas nito, ako pa ang bitch sa aming dalawa. Seriously ako ba talaga? Ako ba ang unang nagmaldita? Sa aming dalawa hindi ako ang dapat sabihan ng bitch kundi ang babaeng hilaw na'to.

Seryoso ko siyang tiningnan. "Hindi ka naman mukhang artista na nakikita ko sa mga teleserye para agad makilala. Di din kita kaibigan para kilalanin, I only waste my precious time to precious persons at di ka kasali sa kanila," sagot ko habang nakataas ang isa kong kilay. "Also, for your own information babaeng hilaw at singkit, di natin kilala ang isa't isa! Hindi kita kilala kaya I know for sure di mo din ako kilala kaya pantay lang. Wag mo ulit akong pagsalitaan ng masama, hindi talaga ako mag aaksaya ng oras para kilalanin ka pag gumanti ako sa'yo."

Pagkatapos sabihin iyon ay agad kong hinila ang kamay ko na hawak niya. Bago pa siya makasagot ay tumalikod na ako at mabilis na naglakad papalayo. Malayo na sana ang narating ko kung hindi lang umeksena ang babaeng hilaw at singkit na 'yon. Sayang lang sa oras at laway 'yon!

Gusto ko pa sana na libutin ang resort, dahil sa pagkasira ng mood ko nawalan na ako ng gana. Habang pabalik na sa hotel hindi pa din lubusan na naalis sa akin ang nangyari. Akala ko naiwan ko sa bahay ang malas nadala pala hanggang dito.

Dahil sa padabog kong paglalakad papasok sa kwarto agad kong nakuha ang atensyon ni Ayesha. "Anong nangyari sa paglilibot mo? Mukhang nasira ah," pabirong sabi nito.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi nito. Isa pa ang babaeng 'to. Ang saya niyang nabuwesit ako. 

"Saan ang lakad mo? Mukhang may kikitain kang espesyal na tao dahil d'yan sa suot mo," sabi ko habang tinitingnan siya. Aligaga ito sa pag-aayos ng mukha niya, hindi niya naman kailangan na mag-ayos ng sobra dahil maganda na ito.

"May kikitain akong tao," sabi nito habang pinagpatuloy ang pag-aayos.

"Well what you have said is new to my ear, who's that special person?" 

"Wag mo'kong tingnan ng ganyan Eunnyce! Kikitain ko si Hailie, the one I told you before na gusto akong maging business partner, sabi niya andito daw siya kaya sabi dito nalang kami mag meeting . Sana naman naalala mo ang pangalan niya?"

I rolled my eyes. Defensive si manang. "Yes, hindi ko pa nga lang nakikita sa personal. Palagi ko lang naririnig ang pangalan niya mula sa'yo," sabi ko at humiga sa kama.

"Tama pala, this is the right time for you to finally meet her. Maghanda ka na at isasama kita sa business meeting namin."

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nito, di pa ako naka move-on sa nangyari kanina ayaw kong madagdagan na naman ang kamalasan ko. Baka pati ang pagpapakita ko sa kung sino man ang Hailie na 'yan ay hindi maganda. Mukhang dala ko talaga si kamalasan ngayong araw. 

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now