EPISODE SEVEN

23 2 0
                                    

KLARE'S SCENE

Kahit maaga pa naisipan ko ng pumunta sa kompanya, ayaw ko man pumasok ng maaga kailangan para matapos na ang mga kailangan kong taposin. I'm still a boss afterall, and it's my duty to work my ass inorder to be a good influence to my employees. Baka sabihin nilang sila lang ang kumikilos samantalang batugan ang boss nila.

Habang nagmamaniho tumunog ang cellphone ko, si Ayesha pala ang tumawag. Agad kong sinagot ang tawag.

 "Good morning, napatawag ka?" tanong ko dito. Rinig ko ang ingay sa kabilang linya, mukhang naghahanda na din ito para pumasok.

"Asan ka? Nasa bahay ka pa ba?" tanong nito.

"Wala na, papunta na ako sa kompanya bakit?"

"May sasabihin ako, may bagong assistant ang ate mo sa pagpapatakbo ng restaurant," seryosong sabi nito.

"Mabuti nga kung gano'n baka matulungan siya ng assistant niya na 'yan. Anong meron sa assistant niya?" maintriga kong tanong.

"Dumaan ka muna sa restaurant niyo, you need to meet the new assistant of your ate."

Pagkatapos sabihin iyon ay pinatay na ni Ayesha ang tawag, mukhang nagmamadali itong umalis. Habang iniisip ang sinabi ni Ayesha sa tawag mas lalo akong naintriga, sino na naman ang pinalit sa akin at kailangan kong puntahan. Sana naman hindi aksaya ng oras ko kung sino man ang taong 'yon.

Agad kong tinungo ang restaurant para makita ang sinasabi ni Ayesha na bagong assistant ni ate Blare.

Pagkarating na pagkarating ko sa restaurant bumungad sa akin ang pagmumukha ng babaeng minsan ko ng nakasagutan. "Di ka ba nakakain sa bahay mo miss at sinadya mo pa na dito kumain?" pagmamaldita na tanong ni Sheena.

I roamed my eyes in the restaurant. Wala naman akong bagong mukha na nakikita maliban kay Sheena na bago ko lang inalis sa kompanya ko. Mukhang ang babaeng 'to ang sinasabi ni Ayesha. Psh! akala ko kung sino para pag aksayahan ng oras.

Isang malupit na ngiti lang ang binigay ko sa kanya. "Pumunta ako dito bilang costumer, sana naman gandahan mo ang pakikitungo mo."

Kita ko ang pag-iiba ng timpa ng mukha nito, ang kaninang galit na mukha mas lalong naging galit. "Kahit dito umakto kang reyna. Wala ka sa kompanya kaya hindi mo na ako pwedeng utusan, 'di ikaw ang amo ko dito."

"Hanggang dito umaakto ka pa rin aso. Palagi kang umaakto na 'di nababagay sa position mo, hindi nga ako ang amo mo dito costumer ako and remember costumer's always right at bilang costumer dapat pinagsisilbihan mo ako," hindi pagpapatalo na sagot ko.

Sasagot pa sana si Sheena ngunit di natuloy dahil sa paglabas ni ate Blare mula sa kusina ng restaurant. May pa bisita pa ng kusina, hindi naman alam kung ano ang dapat gawin.

"Naparaan ka ata Klare? Akala ko ba di ka na magpapakita sa amin."

"Actually, ayaw ko na talagang magpakita, tsaka ganyan ba kalaki ang galit mo na halos isumpa mo na ako?" kunwari nagtatampo kong tanong.

"Noon pa man ayaw kong nakikita ang pagmumukha mo," puno ng galit na sagot nito.

Ngumiti ako sa kanya, "isa lang naman ang solusyon diyan, pagkaharap o nakikita mo ako pumikit ka. Viola! Problem solved! Minsan kasi utak gamitin. H'wag masaydong ipahalata na bobo ka."

Akmang sasampalin niya ako dahil sa sinagot ko, hinintay kong dumapo ang palad niya sa pisngi ko pero walang palad na dumapo. 

Ngumiti ako nang makita na hawak ni Ayesha ang kamay ni ate Blare. Isang matalim na tingin ang ginawad sa kaniya ng maganda kong kaibigan. Tingin na nagpapatunayng maling tao ang binangga ng kapatid ko.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now