FINAL EPISODE

28 1 0
                                    

DARRYL'S SCENE

Pagkatapos tawagan si Brent ay tiningnan ko ulit ang mga hinanda ko. Alam kong nag panic na si Klare, ayon sa message ni Ayesha sa'kin.

Kinakabahan ako sa magiging reaction niya. Alam kong puno ng pagtataka ang isip niya kung ano talaga ang totoong nangyari. This plan isn't the great one, but we don't have another choices.  This is better than not having a plan at all.

Napalingon ako sa bagong dating na Brent Hernandez, kasabay ang pinsan niyang si Hailie. Mukhang naisahan ng dalawang 'to si Klare.

"Where are they?" agad na tanong ko.

"On the way, buti nalang naalala kong may shortcut papunta dito. Baka mauna pa siya bago kami. Ang bilis niyang magpatakbo grabe!" sagot ni Brent.

"Let's be ready, any moment from now darating na sila."

Napatingin ako sa mga taong andito. I smiled to all of them. They all supported me with my plan. Lalo na si Ayesha at Brent. Pangalawang beses na ng madawit sila sa aming dalawa ni Klare.

The first one is yung meeting, akala ko kung sino ang makakameeting ko. It was Klare. Sinabi sa'kin ni Brent, na ginawa nilang dalawa ni Ayesha ang plano para makapag usap kaming dalawa. Until now, I'm thankful for what they did. Hindi ko alam kung dadating kami sa puntong 'to kung wala ang tulong nilang dalawa.

Nang marinig naming lahat ang ingay ng sasakyan mula sa labas. Agad nag transform ang mga taong andito.

Kanya kanya na silang pwesto, dala ang flashcards na may mga letters na bumubuo ng 'CAN YOU BE MY GIRLFRIEND AGAIN?'

Nagtago ako sa likuran para hindi ako agad ang makita niya.

Buti nalang kakilala ko ang may ari nitong hospital kaya napakiusapan na dito ko gagawin ang plano ko. Tito Ken was a good friend of mom and dad, which is the owner of this hospital kaya madaling napapayag. Iba talaga kapag lakas ka.

Sabay-sabay na nagsisigaw ang mga andito nang may pumasok. Agad naman akong lumabas para magpakita.

Laking gulat ko nalang ng hindi pala si Klare ang pumasok. Gano'n din ang gulat ng mga taong andito.

Fucking shit! Fucking ruined.

"Sabi mo we're done? But what's this Daryll?" tanong ni Sandra.

Sandra. Yes, it's Sandra and not Klare. Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa kapalpakan na nagawa namin.

"Umalis ka diyan sa harap, harang ka masyado!" biglang sabi ng isang boses.

Malapad na nakangiti si Sandra at nilingon kung sino ang nagsalita. Ang gulat namin kanina dahil kay Sandra ay domoble ng makita namin ang galit na mukha ni Klare.

"Nangangamoy palpak," bulong sa'kin ni Brent.

"Tigilan mo'ko. Hindi 'to papalpak."

Hindi 'to palpak dahil nangangamoy gyera.

Binalingan ko ng tingin si Sandra at Klare na matalas ang tingin sa isa't isa. Mukhang mas mahirap ang gagawin ko ngayon.

"What brings you here Klare? Hindi mo ba nakita, sinosorpresa ako ni Daryll," nakangiting saad ni Sandra.

Lumingon si Klare sa pwesto naming lahat at ibinalik ang tingin kay Sandra. "Mata mo ata ang sira, hindi mo ba nakita? Kapamilya ko ang mga andito. Wala kang kahit kasambahay na andito. Kaya tigil-tigilan mo'ko baka mapatay kita ng wala sa oras."

Nanindig ang balahibo ko dahil sa paraan ng pagsagot ni Klare kay Sandra. Kahit hindi malakas ang pagkakasabi nito, dama mo ang sobrang galit habang binibigkas ang mga salita. Klare on his badass mode.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now