EPISODE TWENTY

8 1 0
                                    

DARYLL'S SCENE

Habang papasok sa opisina hindi ko pa din makalimutan ang nangyari sa opening ng Bar ni Hailie kagabi.

"My business partner is, Eunnyce Klare Tan known as Miss K in business world, CEO of Fashion World and the owner of Sakura Hotels, the one and only youngest woman in business world ranking."

The mysterious owner of Sakura Hotels and the CEO of fashion world is the woman I knew for so long. Hindi ko inaakala na ang taas na ng narating niya. I don't have doubt on what she can do, but I did not expect that she reach so much at her young age.

"Bro? Are you alright? Ang lalim ng iniisip mo, nasa Bermuda triangle kana ata."

Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa biglaang pagsasalita ni Brent. Kahit kailan ang loko parang kabote na biglang susulpot. Tiningnan ko siya, may hawak itong mga folders na sigurado akong kailangan niyang basahin ng paulit-ulit bago permahan kung kailangan.

"Binalikan ko lang ang nangyari kagabi sa opening ng bar ni Hailie."

"Saan banda ang binalikan mo? Ang part ba na pinsan ko si Hailie o sa part na sobrang ganda ng business partner niya?" pabiro nitong tanong.

Napahawak ako sa sentido ko dahil sa pinagsasabi niya. Hindi ko pa rin lubusan na naintindihan bakit naging pinsan niya sa Hailie na magkaiba ang katangian ng dalawa. Malas si Hailie at nagkaroon siya ng pinsan na timang.

"Nagtaka ako sa part na magpinsan kayo pero magkaiba ang katangian niyo. Maganda, mabait, mahinhin, palaban, sexy at matalino si Hailie, while you, tao lang 'di pa sure kung ano ang mga katangian ang meron sa'yo o kung meron ba talaga," tudyo ko rito tsaka tinalikuran siya.

"You're so mean! Pag 'yong Eunnyce magiging girlfriend ko who you ka talaga."

Napatlingon ako sa kaniya pabalik dahil sa sinabi nito. "I love you brother but if you'll try to touch her, even one strand of her hair trust me I will kill you, or before I will kill you she will kill you first for calling her Eunnyce. She warned you last night with that." seryoso kong saad.

"Now I know! She's the one you love. Kaya iba ka makatingin sa kanya kagabi kahit katabi mo na ang fiancée mo," natatawa nitong sabi. He's right, she's the person I love. I still love, kahit ilang taon na ang lumipas. "Don't worry I love her best friend so much, you can have her if that's your will and if she wanted, and I won't allow her to kill me, I still have a lot of plans for my life," nakangisi pa din ito.

"Oh right! That Ayesha last night and the Ayesha we met at the mall with Klare is the girl on the picture right last time you're holding? So she's the girl you're talking whom you love so much."

"Yes, that's her. Bye! I need to work for our future." Halata sa sagot niya ang pag-iwas na pag-usapan si Ayesha at nagmadaling pumasok sa opisina niya.

Kailangan kong mapuntahan at makausap si Klare. Maybe this is the right time mom's talking to. Kailangan niya'ng malaman ang totoo kaya kailangan ko ng sabihin ang totoong nangyari 3 years ago.

Hindi pa ako nakaupo sa swivel chair ng opisina ko ay lumabas na ako at pumunta sa opisina ni Brent na kasalukuyang sinisimulan ng basahin ang mga laman ng folders na dala niya.

"Bro, I'll go somewhere. I'll be back as early as I can," paalam ko sa kaniya.

"Go ahead, take your time."

Wala pang masyadong mga sasakyan sa parking lot ng dumating ako sa building ng Fashion World kaya natitiyak kong hindi pa dumating lahat ang mga empleyado.

"Kuya Guard? Andiyan na ba si Miss K?" tanong ko sa guard na abala sa pag babasa ng newspaper.

"Wala pa sir, baka maya-maya ay dadating na din 'yon," pormal na sagot nito.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now