EPISODE FIVE

30 4 0
                                    

DARYLL'S SCENE

Sa hinaba-haba ng byahe finally dumating na rin sa patutunguhan. We're finally at Philippines airport. Tiningnan ko ang kasama ko at masaya ito habang naglalakad. Iba pa din talaga ang amoy ng Pilipinas.

"Antagal na ko na din pala na nawala sa Pinas, sure akong andaming naghahanap sa akin, lalo na ang mga babaeng baliw na baliw sa kagwapohan ko," pagmamataas ni Brent.

Napailing ako dahil sa sinabi nito. "Hindi mo naman sinabi sa akin na dinala mo ang pagiging hambog mo dito!"

Kung ibang tao ang nakarinig sa mga pinagsasabi niya baka masuntok siya. Mas mataas pa sa great wall of China ang kayabangan ng isang 'to.

"Tigilan mo 'yang kayabangan mo dito, bro. Ayaw kong ibalita kay tita na nasapak ka dahil sa kahanginan mo."

Napakamot lang ito sa ulo niya habang mahinang tumatawa. Baliw pa rin talaga.

Hinanap ng mata ko ang assistant kong si Luchi. Siya ang pinagkatiwalaan ko sa negosyong itinayo ko dito. Luchi didn't let my company face too serious problems. Tama lang talagang sa kaniya ko inasa ang kompanyang pinaghirapan ko.

Dahil inanunsyo ko sa kanila na uuwi ako rito sa bansa, alam kong inasahan na nila ang pagbabalik ko. Medyo matagal na rin pala ang pagkawala ko. It's been 3 years and now I'm totally back.

I saw a woman standing straight, wearing black corporate attire and waving her hands to us but she's emotionless.

It's Luchi with her signature look. The emotionless look of her is the most recognizable of being her.

"Welcome back sir," bungad ni Luchi.

"Thank you, by the way I am Brent Hernandez," pangugunang sagot ni Brent at nag bigay pa ng sweet smile ang loko.

Pinigilan kong 'wag matawa dahil sa hindi pagpansin ni Luchi sa sinabi ni Brent. Hindi man lang din napalitan ang expresyon nito.

Imbes na sabayan ang pakulo ni Brent. Tumingin ito sa akin, "Sir, sa Sakura Hotel po kayo mananatili gaya ng request niyo."

"Great, where's our sports car?" tanong ko kay Luchi.

"Nasa hotel po, for now sumabay po muna kayo sa van na sinakyan namin. The staffs of the hotel are expecting mister blue," nakangiti nitong sabi.

"You used your code name here?" sabat ni Brent sa usapan namin ni Luchi.

"Yes, for some reason and don't waste your saliva to ask." Diretso kong sabi.

Napasimangot si Brent dahil sa sinabi ko, hindi lang pala kahambogan ang dinala niya galing L.A hanggang Pinas pati din pala pagiging childish.

Pagkatapos ilagay ng driver ang mga bagahe namin ni Brent, sumakay agad kaming dalawa sa back seats. Dahil sa pagod mas pinili namin ang umidlip muna, kailangan kong magpahinga para sa bagong mga trabaho na haharapin sa bansang minsan ko ng iniwan.

"Sir andito na tayo," yugyog ni Luchi.

Nilingon ko ang katabi ko at tulog pa din ito. Binatukan ko siya ng mahina para magising.

"The fuck! Nasa Pinas na tayo nambabatok ka pa din," galit na reklamo niya.

"Nasa Pinas ka na tulog mantika ka pa rin! Bilisan mo diyan, andito na tayo."

Sasagot pa sana si Brent nang buksan ni Luchi ang pinto ng sasakyan. Minadali naming sinuot ang mga shades namin para hindi makilala ng mga masasalubong namin. Habang papasok pansin agad ang pagiging aligaga ng mga staffs, gumawa ang mga ito ng kaniya-kaniyang trabaho.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now