EPISODE TWENTY ONE

6 2 0
                                    

KLARE'S SCENE

Hindi ko inaakalang magtatagal at mabubusog ako ng husto sa restaurant na pinuntahan naming ni Kernel. Pagkatapos namin mag-usap ni Kernel sa isang restaurant gamit ang sarili naming mga sasakyan, nagpaalam na kami sa isa't isa.

Nalaman kong nag-away pala sila ng girlfriend niya kaya hindi kagandahan ang mukha niya ng pumunta siya sa opisina para makita ako. Natawa ako dahil sa mukha niya habang sinasabi ang problema niya, para itong maiiyak dahil hindi sinasagot ng girlfriend niya ang tawag niya. Para siyang batang nawalan ng candy.

May kailangan pa daw siyang puntahan dahil may inutos si mami sa kanya. Nagmaktol pa siya habang palabas sa restaurant, wala siyang ibang choice kundi sundin si mami kung ayaw niyang mamatay ng maaga.

Habang nagmamaneho, hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Kernel sa pag-uusap namin tungkol sa problema niya sa girlfriend niya.

"Baka nalaman na ni Azra ang tungkol sa amin ni Sandra, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko Nyce."

Sa pagbigkas niya ng pangalan na Azra, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang iisang tao lang ang babae na nasa isip ko pagkatapos marinig iyon at ang babaeng mahal ng best friend ko.

Imbes na bumalik sa kompanya, pinili kong pumunta muna sa hotel. Naging busy ako kaya hindi ko nakumusta ang hotel at natanong kung ano ang nangyari sa lakad nila ni Khobe sa Baguio.

Pagdating ko sa hotel, hindi na busy ang mga staff kesa noong bagong dating sina Vougn at Brent sa hotel. Kakaiba din ang dalawang lalaki na 'yon, ginawa pa talagang bongga ang pagdating nila.

Muling bumalik sa ala-ala ko ang huling sinabi ni Rheajeil noong pumunta ako ditto at abala silang lahat dahil sa pagpunta ng isang big time guest.

"Di namin alam ang tunay na pangalan miss dahil secretary niya lang ang nag booked dito sa hotel, ang ginagamit niya na pangalan ay Mister Blue. Kilala siya bilang isa sa pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas at sa ibang bansa miss, ang alam ko kakabalik niya lang dito sa Pinas after 3 years of staying at Los Angeles."

Ibig sabihin hindi alam ni Rheajeil o ng ibang staff dito ang totoong pangalan ni Vougn maliban sa mister blue na code name niya. Bakit mas pinili niyang itago ang totoo niyang pangalan? Sino ang tinataguan niya? Kabaliktaran ng ginawa ni Vougn natitiyak kong pinakilala ni Brent ang totoo niyang pangalan, hindi na ako magtataka kung 'yon ang ginawa ni Brent dahil madaldal siyang lalaki.

Agad na napapangiti ang mga staff na nakakasalubong ko. Dati kapag pumupunta ako ay wala sa kanila ang nakaka-alam na ako ang may-ari ng hotel na'to. Ang alam lang nila bumibisita ang may-ari sa hotel ngunit hindi nila alam kung sino. Ngayong alam na ng nakakarami ang katauhan ko, hindi na maiiwasan ang mga tingin nila kapag nakikita ako.

Nagmadali akong pumasok sa elevator para pumunta sa opisina namin ni Rheajeil. Wala pang tao pagkapasok ko sa elevator kaya pinili kong manatili sa pinakalikuran.

May pumasok na dalawang babae kaya agad kong kinuha ang shades ko mula sa bag at isinuot ito para hindi nila ako makilala.

"Hindi mo agad masasabi na may-ari siya ng hotel na'to dahil sa pagiging simple niya," rinig kong sabi ng isang babae sa katabi niya.

"Kaya nga eh. Hindi din kita sa mukha niya ang pagiging mayaman. Pero sabi ni Chyne, nakasagutan niya daw 'yon sa isang coffee shop at sobra daw ang pagiging maldita nito," sagot ng isa pang babae na kung makalagay ng lipstick ubos ang isang buong lipstick sa isang gamit dahil sa kapal.

Inalala ko kung sino ang Chyne na sinasabi nilang nakasagutan ko sa coffee shop. Isa lang naman ang naka-away ko sa isang coffee shop dahil madalas sa isang restaurant, yung babaeng gustong kunin ang upuan ko. Siya lang ang babaeng nakasugatn ko, mukhang siya ang babaeng sinasabi nilang Chyne.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now