EPISODE TWENTY FOUR

5 1 0
                                    

KLARE'S SCENE

Mag aalas-singko ng ng umaga pero mulat pa rin ang mata ko. Dalawang oras na ang lumipas ng makau-uwi ako dito sa bahay pero hindi pa din talaga ako binisita ng antok. Uminom na ako ng isang boteng beer pero walang epekto sa'kin.

Hindi pa din naalis sa utak ko ang mga sinabi ni Brent at hindi ko inaakalang siya ang taong pumunta sa roof top. Ang babaeng sinasabi niya sa hinanakit niya ay si Ayesha, ang babaeng sumalo sa akin tatlong taon ang nakaraan. Akala ko ako lang ang lugmok sa taong 'yon, pati din pala ang tumulong sa'kin.

Bumalik sa isipan ko ang huling sinabi ni Brent bago kami maghiwalay ng landas, "I know him very well and I'm sure he still love you. Kaya nga niya gustong mapapirma si Mr. Chu para hindi na matuloy ang kasal nila ni Sandra. Hindi niya naman minahal ang babaeng 'yon kahit minsan, wala lang siyang ibang pagpipilian para sa kompanya nila. At ngayong napapirma niya si Mr. Chu siguradong tinigil niya na ang kung ano man ang meron sa kanila ni Sandra."

Napahinto ako sa pag-iisip at napatingin sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko at pumasok ang nag-iisang babae na nasa utak ko. "Gising ka na ba or hindi ka pa natutulog?"

"Hindi pa ako binisita ng antok. Ikaw wala ka bang hangover? Limang bote ng beer din ang naubos mo. Ayos ka lang ba?"

Walang salita ang lumabas sa bibig niya, kaya nanatili lang din akong tahimik. Naglakad lang ito papunta sa kama at tumabi sa pagkakahiga ko.

"I'm fine, na bored lang ako kakahintay sa'yo. Buti nga limang bote lang 'yon, kung hindi kita tinawagan baka ubos lahat ng beer na andiyan sa refrigerator mo."

Napailing lang ako. Alam kong nagsisinungaling siya, hindi lang naman kasi ako ang magaling magpanggap sa aming dalawa, siya ang pinakamagaling dahil nakayanan niyang maging masaya sa harap ko ng tatlong taon. Hindi niya hilig ang uminom ng alak lalo na ang beer, kung uminom man siya ay may mahalagang okasyon lang. Kahit isang bote hindi niya halos maubos.

Isang beses ko lang siya nakitang umiyak ng sobra, ang araw na 'yon ay ang pagkamatay ng pinakamamahal niyang mommy. Noong nakita ko ang pag-iyak niya ng todo, nangako ako sa sarili ko na hindi ko ulit hahayaan na umiyak siya.

Inayos ko ang pakakakumot niya at niyakap siya ng mahigpit. "Huwag kang mag-atubili na sabihin sa akin ang problema mo. Handa akong making kahit hanggang umaga ka magsalita."

Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko. "Sa ating dalawa ikaw ata ang may problema, bakit mag-uumaga kana umuwi at hanggang ngayon hindi ka pa din natutulog?"

Muling bumalik sa akin ang mga pinag-usapan namin simula kay mommy hanggang kay Brent. Andami kong nalaman at pati utak ko nalilito na kung ano ang gagawin.

"Pagdating ko dito sa bahay, naligo ako at tumawag si mommy. Sabi niya gusto niya akong maka-usap kaya pinuntahan ko siya kung saan siya naghihintay. Akala ko kung kaninong coffee shop siya naghintay, ang sabi niya sa coffee shop daw ng kaibigan ko. Wala naman akong kaibigan na may coffee shop, maliban kay Azrael." Tiningnan ko si Ayesha at nanatili lang itong tahimik habang nakikinig. "Pagkatapos niyang humingi ng tawad, sinabi sa akin ni mommy ang totoo, nag away sila ni daddy dahil nalaman niyang may kapatid ako na kapatid ni ate Blare sa ama. Ilang taon ding tinago ni daddy ang tungkol sa kapatid namin."

"Saan na ngayon ang daddy at kapatid mo?" tanong niya.

"Ang alam ko nasa ibang bansa si daddy, samantalang andito sa Pinas ang kapatid namin. Sinabi ni mommy ang pangalan niya, Chyne Genyl Lei." I paused, "Naalala ko noong pumunta ako sa hotel, may dalawang babae akong nakasabay sa elevator at ang pinag-usapan nilang pangalan ay Chyne at ako."

"Bakit ka naman nasali sa usapan?"

"Naalala mo noong umuwi ako sa bahay mo na bad mood bago pumunta sa family dinner namin. Sabi ko may nakasagutan ako sa coffee shop ni Azrael na babae, at ang babaeng 'yon ang sinasabi nilang Chyne."

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now