EPISODE TWENTY NINE

7 2 0
                                    

DARYLL'S SCENE

Madaling araw na natapos ang event. Puro congratulations lang naman ang natanggap ko mula sa mga kilalang tao. Pagkatapos ng event, nagmadali kami sa pag-alis ni Brent. 

Kahit nakabalik na kami sa kwarto namin ni Brent dito sa hotel. Hindi pa din nawala sa isip ko ang mga pangyayari. 

Hindi ko inaakala na napabilang ako sa business world ranking habang nanguguna naman ang babaeng mahal ko. Hindi pa din talaga ako makapaniwala. Kung dati ay napabilang lang siya, ngayon ay siya na ang nangunguna. Patunay na magaling siya sa pagpapatakbo ng negosyo.

Binuksan ko ang refrigerator na andito sa kwarto para maghanap ng tubig o kahit anong maiinom.  May nakalagay na bottled waters dito kaya kumuha ako ng isa para inumin. 

Kailangan kong uminom ng tubig at baka ma-dehydrate ako sa kakaisip ng mga nangyayari. Tuyo na ang lalamunan ko, ayaw kong pati utak ko matuyo.

Kumuha ako ng isa pang bottled water at pinasalo kay Brent. Pagkatapos saluhin ay ininom niya naman agad ang binigay ko.

"Bro," pagtawag sa'kin ni Brent pagkatapos itapon ang walang laman na bote ng tubig. 

Lumingon ako sa kanya na kasalukuyan ng nakahiga sa kama.

"Bakit?"

"Anong nararamdaman mo ngayong kasali ka na sa ranking? Matagal mo na itong pangarap. Kaya nga umuwi ka dito sa Pinas para dito."

Napangiti matapos marinig ang tanong niya. Hindi ko talaga lubos maisip na mangyayari ang nagyayari ngayon. 

"Masaya syempre. Sabi mo nga matagal ko na 'tong pangarap. Ngayong natupad na, nasuklian na ang mga nagawa ko para sa kompanya."

"I am so proud of you brother! Akala ko next year mo pa makakamit ang titulo,  pero ngayon ayan na," sabi niya sabay turo sa plaque na natanggap ko kanina. "Pinakamagandang regalo na mabibigay sa mommy at daddy mo."

"Tama ka. Gusto din nila na mapabilang ako para mas makilala ang kompanya.  Now I  made it! Thank you for your help also. Partners nga tayo kaya para sa'tin at dahil sa'tin ang mga mararating pa natin na magkasama."

Ngumiti lang si Brent dahil sa mga sinabi ko. Hindi niya siguro inaakalang magiging madrama ako ngayon. 

"By the way,  hindi mo pa ba nakakausap si Klare about sa past niyo? Hindi mo pa ba nasasabi ang totoo sa kanya?" sunod-sunod na tanong niya habang hawak pa din ang cell phone niya. "We all know na matagal na kayong wala, but we also both know that you still love her. So what's your plan? Lalo na't andito siya ngayon kung saan din tayo."

"Hindi pa,  hindi nagkaroon ng tyempo," sagot ko habang hinuhubad ang suot kong business coat. Tiningnan ko ang pwesto niya sa salamin. "Hihintayin ko ang tamang oras para sa'ming dalawa."

Isinabit ko ang coat sa lalagyan at hinubad ang relong suot ko. Inilagay ko ang relo sa lalagyan nito para hindi masira.  Regalo pa naman sa'kin ni mommy ang relong 'to.  Inaantok na ako, gusto ko mang maligo pero tinatamad na ako. 

"Alam mo ikaw, kapag maunahan ka bahala ka." Sagot niya. 

"Bakit mo naman natanong ang tungkol sa'min ni Klare ha? May balak ka bang ligawan siya?"

Nakangisi ito nang malaki habang nakatingin sa'kin. Parang may alam ang mokong na ayaw sabihin sa'kin. 

"Wala naman, pero siya kasi ang ka text ko ngayon. Malay mo baka sa'kin siya mahulog," may pang-iinis na sabi niya.  "Kaya gumalaw-galaw kana diyan. Bahala ka, baka isang araw makita mo siyang may kasamang iba at maging huli ka sa puso niya."

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now