EPISODE THIRTY

8 1 0
                                    

KLARE'S SCENE

Nagising dahil sa biglang pagyakap ng katabi ko sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Matatawa o maiinis dahil, ang galaw matulog ni Chyne. 

Gaya ng napagkasunduan, pagkatapos ng event sinamahan ko siya sa hotel room niya para kunin ang mga gamit niya at inilipat dito sa kwarto ko.  Para siyang bata kagabi na ayaw umalis sa tabi ng nanay,  sa dami ng bisita na gusto siyang kausapin. 

Maingat akong bumangon sa kama para umimom ng tubig. Tiningnan ko ang mga malalaking maleta na dala niya, parang ayaw ng bumalik sa Manila kung makadala ng mga gamit. 

Pagkatapos uminom ng tubig, kinuha ko ang cell phone ko. 

3 messages from Cleny

From: Cleny
Papunta na kami ni Ayesha diyan sa Cebu.

From: Cleny
Hintayin mo kami diyan sa hotel.

From: Cleny
Andito na kami sa Airport. Hours from now andiyan na kami. 

Napangiti ako dahil sa mga messages niya. Para siyang jowa kung umasta.  Gusto updated ang girlfriend niya. 

Inilagay ko muna ang cellphone ko sa kama at pumunta sa banyo para manghilamos at mag toothbrush.

Kahit madaling araw na kaming nakatulog ni Chyne dahil sa dami ng kwento niya hindi na ako binisita ng antok. 

Tiningnan ko ang kabuhuang hitsura ko sa salamin na andito sa banyo. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Abot hanggang utak ang saya ko ngayon. Kasama ko na ang kapatid ko, habang papunta naman ang dalawang tao na mahalaga sa'kin. 

Nagmadali ako sa pagpunas ng mukha ko ng marinig ang pagtunog ng cellphone ko. 

Pagkalabas ko ng banyo, hawak na ni Chyne ang cell phone ko. Hindi ko agad natanggap ang pag-abot niya sa cell phone ko dahil kumuha ng atensyon ko ang bagong gising na mukha ng kapatid ko.

"Ate, nakakangalay. Kunin mo na 'tong phone mo." Agad ko namang kinuha ang cellphone ko na nasa kamay niya. 

Hanggang ngayon naninibago pa din ako sa pagtawag niya ng ate. Hindi ako sanay na may tumawag na ate sa'kin lalo na't ako lang ang tumatawag no'n kay ate Blare. 

Pagkatapos kung kunin ang cellphone ko,  bumalik sa pagkakahiga si Chyne.  Hindi pa ata nawala ng tuluyan ang antok niya. 

Tiningnan ko kung sino ang tumawag.  Si Ayesha lang pala. 

"Dumating na ba kayo?" bungad na tanong ko. 

"Andito na kami ngayon sa Cebu.  Favor naman Eun,  ikaw ang pumunta sa client natin.  Hindi pa kasi ako makakapunta,  ayaw ko namang sabihin na malalate ako. " Napaisip ako sa sinabi niya.  First time humingi ng favor si Ayesha about sa pagharap ng clients.  Kasi usually siya talaga humaharap sa kanila. 

"Sige, saan ba kayo magkikita?  Ako na ang pupunta para sa'yo."

Tiningnan ko si Chyne at nakatingin din pala ito sa'kin. 

"I will message the address after these call, Eun."

"Okay. I'll prepare now."

"Thank you, and send my regards to Chyne."

Hindi ko na naitanong paano niya nalaman na kasama ko si Chyne ngayon.  Siguro may nagpost sa social medias sa mga nangyayari sa event kagabi. 

"Sino ang tumawag, ate?" tanong ni Chyne.

"Ayesha Fleir,  my long time best friend and business partner." Sagot ko pagkatapos ibalik ang cellphone sa kama. "Pupunta sila dito sa Cebu kaya ipapakilala kita. She knows your name already and our relationship but she didn't saw your face."

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now