EPISODE THIRTEEN

15 2 0
                                    

KLARE'S SCENE

Mag aalas-tres pa lang ng madaling araw ngnuit napagdesisyonan na namin ni Ayesha na umuwi sa Manila, Lunes na kaya kailangan na naming bumalik sa mga trabaho namin.

"Aye, umuwi na rin ba si Haile?" tanong ko kay Ayesha habang inaayos ang mga gamit.

"Umuwi na 'yon, kahapon pa. Busy din kasi si hailie, mag bubukas na ang pinatayo niyang Bar," anito.

"Pinatayong bar? Ano ang trabaho ng bruha?"

Natawa ito dahil sa pagsabi ko ng bruha. "Remember the Quick foundation? Ang partner ng One hand foundation," tanong nito at tumingin sa akin. "Siya ang founder ng foundation na 'yon, isa din siyang doctor gaya ng mommy niya."

"Doctor pala 'yon? Hindi naman halata."

"Actually, sobrang busy niyang doctor, si tita Yen Manuel ang mommy niya."

"Si Doctora Yen na bestfriend ni tita Monicka?"

"Oo siya nga, si tita Yen na Doctora ko. Sumunod sa yapak niya si Hailie."

"Wow, kakaiba rin pala talaga ang bruha na 'yon. Kung siya ang founder ng Quick, bakit ngayon ko lang nakita si Hailie? Ilang beses na naman akong nakapunta sa event ng mga foundations."

"Kakauwi niya lang kasi galing California, nagpatayo siya ng pinoy restaurant kaya nag stay siya do'n ng ilang buwan para asikasuhin."

Natawa ako dahil sa sinabi ni Aye, hindi ko akalain na founder, business woman at doctor pala ang maldita na 'yon. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ayesha, pinagpatuloy na namin ang pag-aayos ng mga gamit na dala namin.

"Mahilig din pala magluto 'yon?" tanong ko dahil sa narinig kong restaurant ang pinatayo ni Hailie sa ibang bansa.

"Hindi masyado, mas hilig niya ang kumain."

Naalala ko ang katawan ni Hailie sa unang pagkikita namin habang suot ang two-piece swimsuit, sobrang payat niya para mahilig sa pagkain. Gano'n ka liit na beywang? mahilig kumain? hindi halata ang hilig nito!

Mapakla akong natawa dahil sa nalaman ko, "Ibang klase na babae, ang payat para humilig sa pagkain."

"Magkatulad lang naman kayo, magkakambal nga ata kayong dalawa. Hindi 'yon tumataba kasi halos sa gym na din tumatambay," sabi ni Ayesha habang tumatawa. "Sino ang magmamaneho sa atin?" dagdag na tanong niya.

"Ako na, ikaw naman ang nag drive papunta dito," sabi ko rito.

Pagkatapos ayusin ang mga gamit, sinout naming dalawa ang mga jackets na dinala namin at lumabas na sa kwarto dala ang mga bag. Habang naglalakad papunta sa parking lot napangiwi ako dahil sa nakita kong dalawang tao na sobrang sweet habang naglalakad.

"By the way Eunnyce, uuwi na ako sa bahay mamayang gabi," sabi ni Ayesha habang nilalagay ang mga bag niya sa sasakyan.

"Ayos lang, pupunta din ako sa bahay ni mommy para mag dinner."

"Haharapin mo na naman ang dalawa. By the way anong plano mo sa restaurant niyo? Ako na kaya ang bumili tapos co-owner ka," sabi nito habang nakatingin sa akin ng seryoso.

Dahil sa sinabi ni Ayesha ay naalala kong binenta ni ate ang restaurant dahil nalugi ito, "Wag na, ako na ang bibili ng Restaurant," sagot ko habang nilalagay din ang bag sa sasakyan.

Sumandal ito sa pintuan ng kotse, "Magkano ang benta ng kapatid mo?"

"Five million lang naman."

Napailing si Ayesha dahil sa sinagot ko. "Kaloka ate mo! Five million para sa restaurant? Sinayang lang talaga ng ate mo ang negosyo niyo."

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now