EPISODE TWELVE

9 1 0
                                    

DARYLL'S SCENE

Alas-singko na ng umaga ng dumating kami ni Brent sa Angels Resort dito sa Palawan. Napansin kong kakaiba sa Resort na 'to, we need to write our names sa information desk and they didn't allow to use codenames or fake identities for security reason the reason why I failed to use my codename. Ang rule ng resort kung dalawa o higit ka-tao kayong pumunta sa resort isang pangalan lang ang isusulat sa log book nila. Dahil magkasama naman kami ni Brent at pangalan ko na ang nakalagay sa log book hindi niya na kailangan isulat pa ang name niya.

Pagkatapos isulat ang pangalan ko, tinanong kami ng staff kung saan namin gusto mag stay sa hotel ba or sa cabin na pinaparentahan. Pinili namin mag rent sa isa sa mga cabin dahil ayaw na namin pati sa resort sa hotel na naman kami mamalagi.

Dahil sa mahabang byahe, pagkatapos namin ayusin ang mga dalang damit nagpahinga agad si Brent. Ilang minuto pa lang siyang nakahiga ay nakatulog din agad. Tumingin ako sa kabuuan ng resort, kahit umaga na ay hindi pa din lumabas ng tuluyan si haring araw. Dahil gusto kong nagpapahangin kapag wala pang masyadong tao, napagdesisyonan ko ang lumabas muna sa cabin namin dahil gusto kong magpahangin sa may dalampasigan.

Bago tuluyang lumabas nagsuot muna ako ng jacket at tiniyak na nakasarado ng maayos ang cabin. Habang naglalakad sa tabing dagat dama ng balat ko ang malamig na hangin. Sa gitna ng paglalakad tumunog bigla ang cell phone ko, tiningnan ko kung sino ngunit unregistered number ito.

"Hello, who's this please?" pormal na tanong ko.

"Son, it's your beautiful mommy."

"Hey mom, good morning. Napatawag ka ata?"

"I just want to congratulate you, Brent informed me that Mr. Chu already decided to sign the contract," masaya nitong sabi.

Napahawak ako sa sentido ko dahil sa narinig ko kay mommy. "Yes mom. Actually, I am planning to surprise you about the contract signing but this crazy friend of mine destroyed my plan."

Narinig kong tumawa ito dahil sa sinabi ko. "Its fine, I will just pretend that I didn't know about contract signing. Just call me again and say your achievement."

Napailing ako sa naisip niya, kahit kailan magka-ugali si Brent at mommy. Sila ata ang tunay na mag-ina.

"Nah, why would I do your plan mom, it makes us crazy."

"Fine I'm sorry if your plan failed." Tudyo nito. "By the way where are you?" tanong nito.

Tumigil ako sa isang pwesto na hindi masyadong makikita, hinubad ko ang suot kong tsinelas at hinayaang madama ng paa ko ang buhangin. "I'm here at Angels Resort sa Palawan."

"How's the resort then?"

Bago ko nasagot ang tanong ni mommy, tiningnan ko ang paligid ko dahil ramdam kong may paparating na malapit sa akin. Hindi kalayuan sa pwesto ko, may nakita akong anino at dahil sa mahabang buhok ay nalaman kong babae ito. Kahit hindi ko nakita ang mukha nito, ramdam kong nakamasid ito sa pwesto ko.

"Son? Still there?" biglang tanong ni mommy sa kabilang linya.

Inalis ko ang tingin ko sa pwesto ng babae, dahil hindi pa tuluyang maliwanag hindi ko maaninag ang mukha niya.

"Well, the resort is great. Tahimik, maganda at maraming mapupuntahan na restaurants and bars of course. I'm sure you will love this resort same as how much you love me," nakangiti kong sagot kay mommy.

"Is that so? Well, samahan mo akong pumunta riyan pag makaka-uwi na ako. You should rest now son, may meeting ka pa naman."

Tama si mommy, kailangan ko ng magpahinga at maghanda dahil sa lunch time ang meeting namin ni Mr. Chu. "I need to go, sana sa pagbalik ko malaman na natin ang mysterious owner of Sakura Hotel. I love you, so much."

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now