EPISODE SIX

24 3 1
                                    

KLARE'S SCENE

Habang tinitingnan ang bagong release na mga magazine na naglalaman ng mga best-selling products ng company, nakita ko ang isang pamilyar na damit at sapatos. Habang tinitingnan nang maigi naalala ko na iyon pala ang mga suot ni Azrael nang magkita kami, isang linggo na ang nakalipas mula nang nangyari iyon. Hindi ako muling nakapunta sa hotel dahil sa daming dapat gawin dito sa kompanya, palagi namang sinasabi ni Rheijeil sa akin ang mga nangyayari sa hotel.

Napahinto ako sa ginagawa ko dahil may biglang kumatok. "Who are you?" tamad na tanong ko.

"Miss si Khobe po ito may ibibigay lang po ako," sabi niya habang hinihintay ang sagot ko.

"Come in," ang tanging sabi ko dito.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay pumasok ang matangkad, maputi at medyo chinitong lalaki, ngumiti ito sa akin bago binigay ang folder na hawak nito. Hindi ko alam na may Khobe palang nagtatrabaho sa kompanya, maaring dahil hindi ko kilala ang mga mukha ng mga employees ko pati mga pangalan ng mga ito lalo na kung walang nagawang kasalanan sa akin.

"Diyan po nakalagay ang list ng mga madalas bilhin ng mga costumer miss, andiyan din po ang ratings ng mga product from the month of January to March."

Agad kong binuksan ang folder na binigay niya at kagaya ng sinabi niya ay nakalagay ang ratings ng bawat products from January to March. "As what you see miss hindi po bumaba ang ratings natin, from January we've gained high ratings up to March," dagdag na sabi nito.

Pagkatapos marinig ang mga sinabi niya ay napahanga ako, para itong nag present ng ratings sa madaming tao. It's obvious that he's knowledgeable. Kung ang iba pumasok lang para magkaroon ng sweldo, ang lalaking 'to pumasok na may alam sa pinasukan niya.

"Anong pangalan mo at gaano ka na katagal na nagtatrabaho sa kompanya?" tanong ko habang tiningnan siya ng seryoso. I want to start knowing my employees; they are working for the betterment of the company like me.

"My name is Khobe Lim miss, bago pa lang po ako," pormal na sagot nito.

"Single?" kita ko ang pagkabigla niya dahil sa tanong ko at tela may ibang kahulugan para sa kanya ang sinabi ko. "I am asking not because I like you as a man, I just want to know if the handsome guy like you is still single," nakangiti kong sabi.

Mukhang nakahinga ito dahil sa paliwanag na sinabi ko, "I am currently seeing someone miss."

"Well, Good to know," nakangiti kong sabi.

"Mauna na po ako miss, may date po kasi kami ngayon." Kita sa mata nito ang pagiging masaya, by just looking at his eyes I already knew he is so in love with someone.

Tumago lamang ako bilang sagot, tiningnan ko ang oras and its already 6:24 in the evening, sobrang late na pala. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at hinanda ang mga dadalhin pauwi para makauwi na din ako, kailangan ko pang dumaan sa grocery store.

Bago tuluyang maka sakay sa sasakyan ko nakita ko ang inaantok na mukha ng bagong guard, dahil wala akong dalang kape nag order ako ng kape sa online store at pinadeliver sa guard house para mainom ni kuya guard at mabawasan ang antok nito.

Habang papalabas sa parking lot may dumaan na dalawang taong magkahawak ang kamay. Napapreno ako ng wala sa oras dahil sa paghinto ng babae sa gitna ng daanan, dahil sa pagbusina ko mabilis na bumalik ang lalaki at inalalayan ang babae papunta sa gilid.

Bumaba ako para tingnan ang kalagayan ng babae, "Are you alright?" puno ng pag-aalala kong tanong.

"I'm fine, sorry for causing a trouble to you, nahulog kasi ang singsing ko sa gitna kaya pinulot ko," sabi nito. Nakita kong hawak nito ang singsing dahil kumuha ng tubig ang lalaki sa sasakyan naiwan kaming dalawa, maganda siya at halatang may dugong banyaga.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now