EPISODE SIXTEEN

10 2 0
                                    

KLARE'S SCENE

Pagkatapos ang eksena sa coffee shop ni Azrael, tumuloy muna ako sa bahay ni Ayesha. kailangan ko ng malalabasan ng frustration ko.

"Anong nangyari? Mas mabilis ka pang magpatakbo sa akin ngayon ah!" bungad ni Ayesha pagkalabas ko ng kotse.

"Mahina lang 'yon. Inaantok ka lang kaya mo nasabing mabilis."

Dinaanan ko lang siya at pumasok sa kusina niya. Agad akong pumunta sa refrigerator niya. Binuksan lahat ng may bukasan para hanapin kong saan niya nilagay ang mga sweets niya.

"Asan mga sweets mo? bakit puro matitinong pagkain ang andito?"

"Kung gusto mong kumain, doon tayo sa taas sa kwarto ko. Do'n ko nilagay ang mga sweets ko," sabi nito at agad umalis sa kusina.

Kumuha ako ng bottled water at dinala sa pagsunod sa kaniya. "Bakit mo nilagay sa kwarto mo?"

"Bumili kasi ako ng mini fridge kaya sa kwarto ko nilagay, para maiwasan ang pagkakagulo ng ref ko sa kusina, nilipat ko ang chocolates, ice creams at ibang sweets sa mini ref."

Tanging tango lang ang ginawa ko pagkatapos marinig ang explanation niya. Pagdating sa kwarto niya agad kong nakita ang sinasabi niyang mini ref niya 'daw' na kasing lang naman ng normal refrigerator, katabi ng flat screen television sa harap ng queen bed niya.

"Kumuha ka ng gusto mong kainin diyan, itapon mo ang kalat sa basurahan," sabi nito at humiga sa kama niya.

"Pwede dalhin 'tong fridge mo?" sabi ko pagkatapos makita ang ref niya na puno ng mga matatamis na pagkain.

"Kung kaya mo sure!"

Napailing ako at muling bumaling sa mga pagkain na nasa ref, kinuha ko ang isang mango float at isang ice cream cake na nakalagay sa transparent food box.

"So anong nangyari? Kanina ang bilis ng patakbo mo sa sasakyan mo hindi naman sports car ang dala mo and then now you want to eat that sweet foods alone. Sinong nakaaway mo this time?"

"Babae sa coffee shop ni Azrael."

Hindi ko man lingunin si Ayesha, alam kong napatingin ito sa akin.

"Nagpatayo siya ng coffee shop dito? Saan naman nakapwesto?"

"Di kalauyan sa hotel, bagong bukas pa lang daw 'yon pero madami na siyang costumers."

"Bakit hindi mo ako binilhan? Natikman ko na sana ang mga pagkain o kahit ang kape na binebenta niya."

"Hindi nga ako nakakain, pagkatapos makasagutan ang isang babae pumasok na naman sa eksena si Azrael kaya nawalan na ako ng gana."

Hindi makikita sa mukha ni Ayesha ang pagkabigla sa mga nangyayari sa buhay ko. Simula no'ng nagkakilala kami at naging matalik na kaibigan alam niya na ang bawat detalye ng mga nangyayari sa buhay ko. Isa sa mga maswerteng nangyari sa buhay ko ang makilala siya sa Tagaytay sa panahon na lugmok ako.

"Diba ngayon ang family dinner niyo? Anong oras ka pupunta?" tanong niya habang inaayos ang pagkapwesto ng unan niya.

"Mamaya pa naman 'yon. Pupunta ako do'n pag feel ko na," sagot ko habang inuubos ang mango float.

"Gusto mo samahan kita? Para naman makilala na ako ng mommy mo."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Kung umakto parang nobyo ko, tengene!

"Bakit natatawa ka?" seryosong tanong nito.

"Akala ko kasi jowa kita, para ipakilala kay mommy." Natatawa pa din ako habang sinasabi 'yon.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now