EPISODE TWENTY EIGHT

10 1 0
                                    

KLARE'S SCENE

Naghiwalay kami ni Chyne matapos ang mahabang usapan sa coffee shop na andito sa hotel.  Nalaman kong may malaking negosyo din siya dito sa Pinas at sa ibang bansa kaya andito siya ngayon sa hotel para umattend. 

Pinilit ko siyang samahan ako sa pananatili dito sa kwarto dito sa hotel,  buti nalang pumayag siya. Gusto niya daw makatabi ang mayaman na may-ari ng hotel na di niya inaasahang kapatid niya din.  Kahit mayaman na, mukha pa din siyang pera! 

Kailangan na naming magbihis dalawa para sa event kaya nagsibalikan muna kami sa mga kwarto namin dito sa hotel para makapaghanda. Dadalhin niya din daw ang mga gamit niya sa kwarto ko pagkatapos ng event. 

Habang sinusuot ko ang kwentas ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. 

"Miss, tinatanong po ng host kung ano ang itatawag sa'yo? Real name or code name?" tanong ni Angelika. 

Nakabihis ito ng simpleng blue dress na nagpalabas ng maputi niyang balat.  Bumagay din sa suot niyang dress ang suot niyang high heels.

"Alam na naman ng lahat ang totoong pagkatao ko so it's better to use my real name," nakangiti kong sagot sa kanya. 

"Sige miss, sasabihin ko sa kanya." Nakangiti niyang saad.  "By the way,  ang ganda mo sa suot mo," dagdag na sabi niya at tuluyang umalis.

Hindi ko alam, may bolero pala akong empleyado. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Masasabi ko ngang maganda ako at di ko ikakaila iyon sa nakakarami. Maganda ako!

Natawa ako sa sarili ko. Ang laki na nga talaga ng pinag bago ko. Physically, mentally and emotionally. I am proud for who I am before but prouder for who I am now. 

Napatingin ako sa pintuan dahil sa katok. Gusto ko sanang tumayo para pagbuksan kung sino man ang kumatok,  pero mas pinili kong manatili sa pagkakaupo at hayaan siyang pumasok.

"Pasok,  bukas 'yan," sabi ko.

Pinagpatuloy ko lang ang pag aayos sa sarili ko at hinintay kung sino man ang papasok. 

Pumasok ang babaeng nakasuot ng backless dress na may dalang chanel bag.  Pinarisan niya ang suot niyang dress ng 5 inches high heels. Hindi ba siya mahihirapan sa suot niyang 'yan?

"We're really sisters!" masayang saad ni Chyne pagkatapos tingnan ang kabuhuang ayos ko. 

"No doubt! Look at you you're great with that dress."

"You too. May ari ka nga ng fashion world! You're goddess," komento niya.

Napangiti lang ako sa sinabi niya. Akala mo naman ngayon niya lang nakita ang kagandahan ko. 

"You know what, sabay tayong lumabas and I will introduce you as my sister. Para naman malaman ng buong mundo na may maganda akong kapatid,  mas maganda nga lang ako." Sabi ko tsaka tumawa ng malakas. 

Tumawa lang din ito at lumapit sa akin para yakapin ako. 

"Hindi ka naman pala talaga maldita.  Medyo lang." Pigil na tawa niyang sabi habang nakayakap sa'kin.  "Thank you for accepting me as your sister."

Pinutol ko ang yakap at tiningnan siya sa mata. 

"We have the same attitude and I like you more than ate Blare.  I am thankful that you're my sister." Nakangiti din ako sa kanya.  Pinunasan niya ang maliit na luhang dumaloy sa mata niya.  "I will do my best to protect you in any cost. I will be your best friend, sister, designer, teacher and lawyer."

Mahina siyang tumawa sa gitna ng pag-iyak niya. Para siyang baliw na kakagaling lang umiyak at bigla na namang tatawa. Hindi naman ako nagbibiro, bakit natawa ang gaga?

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now