EPISODE TWENTY FIVE

8 1 0
                                    

KLARE'S SCENE

Nagising ako dahil sa ingay mula sa sala.  Tiningnan ko ang oras at mag aala-una na ng hapon.  Ang haba pala ng naging tulog ko.  Nabawi ko ata ang oras na natulog ako,  umaga na natulog kaya hapon na nagising.

Lumingon ako sa gilid ng kama kung saan natulog ang katabi ko at wala na si Ayesha.  Ibig sabihin nagising na ito at mukhang kanina pa.

Inayos ko muna ang kama at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay nagmadali akong nagbihis ng simpleng suot at para matingnan kung sino ang mga maingay sa ibaba na nagpagising sa akin. 

Lumabas ako sa banyo na may tuwulya pa na nakabalot sa buhok ko.  Hindi pa man ako tuluyang nakahakbang papalabas sa kwarto ay nakita ko si Ayesha na may kausap na lalaki.

Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking kausap ni Ayesha dahil nakatalikod ito. Ngunit nalaman kong mas mataas ito kesa kay Ayesha at may malaking katawan halatang pangalawang bahay ang gym.

Pinilit kong makita ang kausap ni Ayesha dahil sa pagiging pamilyar nito sa akin. 

"Kanina ka pa naghihintay.  Umalis ka muna, tiyak mamayang gabi pa 'yon gigising, " rinig kong sabi ni Ayesha sa kausap niya. 

"Kahit anong oras siya magising ayos lang,  hihintayin ko siya.  Gusto ko siyang makausap kaya sana hayaan mo ako," sagot nito. 

Kahit hindi ko na pala tingnan kong sino ang kausap ni Ayesha ay kilala ko na dahil sa boses nito.

Ilang minuto akong nanatiling nakatayo habang pinapanood silang dalawa. 

"Bahala ka, umupo ka muna diyan at kukuha muna ako ng maiinom mo," sagot ni Ayesha at umalis na sa harap ng lalaki.

Tiningnan ko ang lalaki at nakasuot lang ito ng simpleng jeans at gray V-neck shirt. 

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.  Sobrang saya at lakas ng pintig ng puso ko ng tuluyan kong makita ang mukha niya.

Nabaling ang tingin niya sa kwarto ko kaya nagmadali akong pumasok para magtago. Nang makita kong wala na ang paningin nito sa kwarto ay inilabas ko ulit ang ulo ko sa pintuan para tingnan ang mga nangyayari sa labas.

Napalingon si Ayesha sa pwesto ko kaya'y nakita niyang gising na ako.  Nagmadali siyang umakyat papunta sa'kin at dinala ako papasok sa kwarto.

"Mabuti naman gising kana.  Kanina pa 'yan naghihintay," sabi niya sabay tingin sa pwesto ng lalaki. "In all fairness ang gwapo niya,  kaya ayos lang kahit hindi na siya umalis," dagdag na sabi nito at parang kinikilig pa.

"Paano niya nalaman na dito ako nakatira?" mahina kong sabi.

"Ewan ko, hindi ko naman kilala ang lalaking 'yan.  Mukhang kilala mo naman, sino ba 'yan?"

"Prince Clent Tan Morales," mahina kong sagot.  "Matagal din siyang hindi nagpapakita sa kahit sino sa amin."

"Pinsan mo?" puno ng pagtataka niyang tanong. 

Palipat-lipat ang tingin ni Ayesha sa aming dalawa ni Clent,  parang hindi makapaniwala na mag pinsa kami. 

"Yes,  he's my closest male cousin," sabi ko habang may malaking ngiti sa labi.

"If that's the case,  bumaba kana diyan at puntahan mo na.  Kukuha muna ako ng maiinom niyo," sabi niya sabay lingon ulit kay Clent na nakaupo sa sofa.  "Puntahan muna,  baka mangalay na'yan sa sobrang paghihintay. Maghahanda lang ako ng meryenda," dagdag na sabi ni Ayesha at tuluyang umalis para pumunta sa kusina.

Inayos ko muna ang sarili ko at inalis ang tuwalya na nakabalot sa buhok ko tsaka nagmadaling sinuklayan ang buhok ko. Ng nasiguro kong maayos na ang hitsura ko,  ay agad kong tinahak ang hagdanan papunta sa sala ng bahay kung saan naghihintay ang pinsan ko.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now