EPISODE TWO

62 5 0
                                    

KLARE'S SCENE

Agad kong pinagmasdan ang bahay na nabili ko 3 years ago, hindi ko sinabi kay ate o kahit kay mommy ang tungkol sa bahay na ito. Well, alam ko dati pa na darating ang araw na aalis ako sa poder ni mommy, sa bahay kung saan ako lumaki and I promised to myself na kapag aalis ako di na ako babalik para humingi ng tawad o tulong mula sa kanila.

Nagsikap ako sa pagtatrabaho at sa tulong ni Ayesha naging CEO ako ng Fashion World, mula sa pera ng pagiging CEO pinatayo ko ang Sakura Hotels at si Ayesha din ang ka partner ko sa pagpapalakad ng mga ito with the assigned managers of each hotels also.

This is what they don't know about me.

Sa pagpapatakbo ng mga negosyo 'di ko ginamit ang totoo kong pangalan, ayaw kong may maka-alam ng tunay kong pagkatao except for my trusted employees. Which I don't have much. Kagaya ni Ayesha na kilala sa business world bilang Miss A, Queen and Angel ako naman kilala bilang Miss K.

"Kumusta ang bahay na nabili mo? Sa wakas at nagamit mo na din, hinintay ka ng bahay na ito ng ilang taon!"

Tiningnan ko ang buong kabuuan ng bahay, kung titingnan ng mabuti sobrang laki nito para sa isang tao lang pero dahil nag-iisang bahay lamang ito na malapit kay Ayesha wala akong ibang choice kung hindi bilhin nalang. 

"Malaki pa ito sa bahay namin at pag ito malaman nila mommy at ate, they would ask for sure where I got the money to buy this freaking huge house," sabi ko.

"Hayaan mo silang mamatay sa selos Eunnyce and besides di mo naman ninakaw ang pera na pinambili mo sa bahay na ito, pera mo ang ginamit mo sa pagbili ng bahay na ito, dahil sa pinaghirapan mo. Wala silang karapatan para husgahan ka, pag ginawa nila yan ako ang makakalaban nila," nakangiti nitong saad. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na totoo, kaibigan na handa akong damayan at alalayan. I am so blessed to have Ayesha Fleir in my life.

Sa kabila ng sinabi ni Ayesha, napabuntong hininga pa din ako habang nililibot ang bahay at muling bumalik sa alaala ko kung paano ako umalis sa bahay naming, na ngayon ay bahay nalang ni mommy at ate, kasabay ng pag-alis ko ay ang pag-alis ng karapatan kong bumalik at humingi ng tulong mula sa kanila. Maybe I'm still their family pero sa papel nalang.

"Do you want me to help on arranging your things?" tanong ni Ayesha habang tinitingnan ang mga gamit na dala ko.

"Nah no need, di naman madami ang gamit na dinala ko tsaka personal things ko lang naman ang mga ito, the things I don't want ate Blare to take from me," tanging sagot ko at binuksan ang box na naglalaman ng mga gamit na kinuha ko mula sa dati kong kwarto. "By the way Ayesha, ikaw na ang gumamit ng isang kwarto sa itaas katabi ng kwartong gagamitin ko, maglagay ka nalang ng mga gamit mo doon para anytime pwede kang matulog dito. I am expecting na mas madalas tayo magsasama and you know since I am a kind friend I can let you borrow my things, but you don't want to use the things of others kaya my plan is the best for us. "

Nakita kong napalingo ito pagkatapos marinig ang sinabi ko. "Edi sana sa iisang bahay nalang tayo tumira, but I like that idea at least you know what kind of woman I am," natatawang sagot nito.

"Tell me, paano kita 'di makilala ng lubusan? Baka nakalimutan mong ilang taon na tayong nagsama, actually minsan naisip kong nakakasawa kana kaso na alala kong wala nga pala akong isip kaya di ako nagsawa," tumawa ako ng malakas pagkatapos sabihin kay Ayesha ang biro ko. Natahimik ito kaya akala ko ay nagalit dahil sa biro ko akmang manghihingi na ako ng sorry ng tumawa ito ng malakas. "Delikado ka kasama, baka mahawa ako sa kabaliwan mo," sabi ko habang pinapakinggan ang malakas na tawa nito.

Di nagtagal at natapos ko na din ang pag-aayos ng mga gamit at nalagay na sa dapat kalagyan ang mga ito. Sabay kaming naghaponan ni Ayesha at dahil busy ako sa pag-aayos siya na ang nag luto ng makakain namin. Adobo ang napag desisyonan niyang lutuin dahil pareho namin itong paborito, buti nalang nakapag grocery ako bago pumunta dito.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now