EPISODE TWENTY SIX

5 1 0
                                    

KLARE'S SCENE

Pagkatapos ng kaguluhang ginawa naming tatlo sa kwarto na gagamitin ni Clent, lumabas na kami ni Ayesha at hinayaang ayusin ni Clent ang mga gamit niya.

"Kung hindi ako nagkakamali, ngayon ang event sa Cebu diba? Bakit hindi ka pumunta? " tanong ni Ayesha pag sating naming dalawa sa kwarto ko.

Umupo sa kama at muling sinuklayan ang buhok ko. "Paano naman ako makaka-alis kung andito ang mokong na 'yan? Para ko ng tunay kapatid yan kaya hindi ko pwedeng iwan dito mag isa, kahit malaki na ang mokong na 'yan para pa din siyang bata kung umasta minsan."

"Paano naman ang event? Sayang naman kung hindi ka makakadalo."

"Pwede pa naman bukas, hahabol nalang ako. Hahayaan ko munang makapagpahinga si Clent at tatanongin ko siya bukas ng umaga kung gusto niyang sumama sa akin sa Cebu total hapon pa naman flight ko," sabi ko habang nakatingin sa salamin.

"Mabuti naman kung gano'n. Kailangan mo din namang bisitahin ang hotel mo sa Cebu, matagal na din ng mapuntahan at mabisita 'yon."

"Kaya nga eh. Tatawagan ko nalang din si Angge na hindi ako makakapunta ngayon, late na din naman ako kaya tamang bukas na ako pumunta."

"Si Angge pa din pala ang manager ng hotel mo sa Cebu? Mabuti naman at hindi mo napalitan."

Napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi ni Ayesha. Matagal ng manager si Angge sa hotel ko sa Cebu at gaya ni Rheajeil siya ang inaasahan ko sa hotel.

"Hindi naman siya kaagad mapapalitan, gusto ko nga siya bilang manager at kaibigan. Palakaibigan kasi kaya madali niyang nakukuha ang loob ng mga empleyado at guest ng hotel."

Di nakayanan ni Ayesha ang pagtayo sa may pintuan kaya tumabi na din ito sa pagkakaupo ko sa kama. "Sabi ng mga matatanda, dapat marunong ka kung sino ang pakikisamahan mo. Bilib din naman ako sa'yo kasi tama naman ang mga taong nakuha mo at binigyan ng tiwala para sa pagpapatakbo ng mga pinaghirapan mo." Para siyang matanda kung magsalita.

"Kailangan kong magtiwala sa kanila, mahirap man gawin pero kailangan. Kung wala akong tiwala sa kanila, gano'n din ang mararamdaman nila sa akin. And besides, I trust them because they are good persons and good in business. Minsan lang naman ako nagtitiwala at hindi basta basta nawawala 'yon."

Magsasalita na sana si Ayesha ng biglang tumabi sa kanya si Clent. "Narinig ko ang salitang Cebu, may lakad ka Klarita?"

"Ibang klase tenga mo Clenny! Ang daling makarinig kahit nasa kabilang kwarto ka," tudyo ko. Napahawak lang ito sa ulo niya. "May lakad sana ako ngayon papuntang Cebu. Sana. Kaso dumating ka kaya baka ipagbukas ko na."

Para siyang sinaksak ng ilang beses dahil sa mga sinabi ko. "Kaya ko na naman sarilli ko, akala mo naman high school pa ako na hindi pwedeng iwan mag-isa, " sandali siyang huminto sa pagsasalita at hinanap kung saan nakalagay ang orasan ko. "Mag aalas-kwatro pa naman pala, pumunta kana do'n. Hindi naman matagal ang byahe kaya maaga kang makakarating sa pupuntahan mo."

Tumayo si Ayesha mula sa kama at kinuha ang maliit kong maleta. "Ayan naman pala. Maaga pa tapos kaya na ng pinsan mo ang sarili niya. Malaki na 'yan, kaya 'wag mo ng alalahanin." Pumasok si Ayesha sa walk-in closet ko at kumuha ng mga damit ko tsaka inilagay sa maleta. "Bilisan mo na, kumuha ka na ng mga undies mo at kunin mo ang mga kailangan dalhin. Ihahatid ka na namin ni Clent sa airport."

Hindi ko namalayan na sinunod ko na pala ang mga sinabi ni Ayesha. Pati si Clent tumulong na sa paglagay ng mga gamit ko. Inilagay niya din ang mga kailangan ko na pampaganda tsaka sapatos with labels para hindi daw ako malito.

Pagkatapos ilagay lahat ng gamit, itinulak ako ni Ayesha papasok sa walk-in closet para kumuha ng susuotin tsaka itinulak ulit papasok sa banyo para magbihis.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now