EPISODE EIGHT

19 1 0
                                    

KLARE'S SCENE

Naghahanda na ako para pumasok sa opisina. Kailangan ko pang pirmahan ang mga documents na matagal natingga. Habang abala sa pag hahanda, may biglang kumatok sa pinto ko.

"Eunnyce?! Eunnyce?!" kahit hindi ko pa buksan ang pinto alam ko ng si Ayesha ang kumakatok at tumawag sa akin. Pababa na ako ng hagdan ng maalala ko na alam niya pala ang passcode ng pinto ko. "Wag ka ng bumaba nabuksan ko na!" muling sigaw nito.

Pagkatapos kong gawin ang mga kailangang gawin sa kwarto ko, bumaba na ako para i-tanong ang pakay ng maagang dumalaw. Pagkababa ko nakita kong binubuksan niya ang refrigerator ko. "Don't tell me you don't have food on your mansion Aye?" may pagdududang tono kong sabi.

Kuhumuha muna ito ng ice cream for one person at sinarado ang refrigerator bago tumingin sa akin. "Meron naman, hindi lang ako nakabili ng mga andito sa refrigerator mo," tumatawang sagot niya.

"Ano ang meron sa refrigerator ko at wala sa'yo?"

"Yung pagiging organize ng refrigerator mo, wala din akong madaming chocolates and ice creams na may iba't ibang flavor."

Napailing ako dahil sa sinabi niya, gagawa na nga lang ng rason di pa inayos. Mas malaki ang refrigerator niya kesa sa akin, mas madami din itong laman and sa kanya ko nakuha ang paglalagay ng sweets sa refrigerator ko.

Habang tinitingnan ang oras narealize kong maaga pa pala, napaaga ata ako ng gising. Gaya ng ginawa ni Ayesha, kumuha din ako ng chocolate ice cream at umupo sa breakfast table ko.

"Aye, 'yung totoo, anong rason ng pagpunta mo dito?" tanong ko bago sinubo ang ice cream.

"Naisip ko lang, what if magpahinga muna tayo. We've been working too much, I am sure we have the right to take a break."

Pagkatapos kong marinig ang sinabi niya agad akong napatingin sa kanya, "You're not fine, what's going on Aye?"

Pinagpatuloy niya lang ang pagsubo ng ice cream sa bibig niya at 'di agad sinagot ang tanong ko, mukhang malaki ang problema na nasa isip ng babae na 'to.

"I'm fine Eunnyce, naalala mo ba ang resort na binili ko last year sa Palawan?" tanong nito sa'kin.

Naalala ko ang resort na sinabi ni Ayesha, ang resort na wala sa plano na bibilhin niya.

"Yes, ang resort na binili mo dahil nalugi tapos pina-ayos mo pa."

"Let's have our break there, free ka naman siguro bukas since tomorrow is Saturday."

Kahit kakabalik ko lang sa trabaho, umayon na rin ako sa plano niya. I'm sure it's not about rest, there's more deeper reason why she wants us to stay outdoor, and whatever her reasons, I will respect and support her.

"Sure, dadalhin ba natin ang sarili nating mga sasakyan or we will just bring my Audi?" tanong ko sa kanya.

"Maybe oras na para magamit ko ang Audi mo."

Natawa ako dahil sa sagot niya, ilang beses na kaming dalawa na magkasama sa mga lakad pero 'di ko ginagamit ang Audi ko. Mainly because it cost too much at takot akong masira 'to. Mahirap na baka mas doble pa ang magagastos ko sa pagpapaayos. 

Gusto ko pa sanang makipag-usap sa kaniya ngunit oras na para pumasok sa kompanya.

"Aye, I need to go na, alam mo naman madami pa akong kailangan permahan. Paki-lock nalang ng bahay kung aalis ka na," paalam ko sa kanya. 

Tinapon ko na sa basurahan ang plastic na lalagyan ng ice cream at kumuha ng tissue para ipunas sa mukha.

"Go now, drive safely. Tsaka Eunnyce dito ako matutulog mamaya ha. Umuwi ka ng maaga," sambit nito sa akin bago ako tuluyang makalabas sa pintoan.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now