EPISODE FIFTEEN

12 2 0
                                    

DARYLL'S SCENE

Habang tinitingnan ang mga litrato na nakuha ko sa resort sa Palawan, hindi ko maiwasan ang mapangiti. The view there was great! So great para puntahan at gawing pahingahan. Sa gitna nag pagtingin ay nakita ko ang kinunan kong pagkain sa isa sa mga restaurant sa resort. Mukhang pati ang litrato gusto na akong pakainin.

Nagmdali akong lumabas sa opisina ko para bumili ng makakain.

"Saan ang punta mo?" tanong sa akin ni Brent habang iniinom ang kaniyang biniling kape.

Ang loko bumili ng sariling kape. Hindi man lang naisip na bilhan din ako! Nagsisisi na talaga akong sinama ko ang mokong na 'to sa pag-uwi ko dito sa Pinas.

"Bibili ng kape ko! Nahiya kasi ako sa 'yo, bumili ka lang para sa sarili mo."

Malakas itong tumawa dahil sa sinabi ko. Kahit kailan baliw talaga.

"Bibilhan naman kita kung ako bumili nito, but no. binigay 'to ng isa sa mga secret admirer ko." May nakakalokong ngiti niyang sabi sabay pakita sa kape na bilini umano ng secret admirer niya.

Umakto akong nasusuka dahil sa sinabi niya. "Yaks! Admirer or basher mong depungal ka? Malay mo may lason pala ang kape na 'yan!"

Pinagpatuloy lang nito ang pagtawa. Mabilaukan ka sanang lalaki ka.

"By the way, Azrael ang owner ng bagong bukas na coffee shop malapit sa hotel. Her name is familiar, parang narinig ko na and I think from you." Sabi niya habang pinipigilan ang huwag matawa.

Azrael Rhianne Villaverde is back. I'm sure she's back because she's doing something here, maybe that coffee shop is her new business.

"Bye. Ubusin mo na 'yang kape mo. Pinagdasal ko pa naman na mabila-ukan ka."

Napahalakhak ako ng mabilaukan nga ito. "Fuck! This coffee is freaking hot!" reklamo niya habang pinapaypayan ang napasong dila.

"'Yan ang bagay sa 'yo at walang kape na malamig! Wag bobo!"

Patakbo akong umalisa palayo sa harapan ni Brent para hindi niya maabutan. Mahilig pa naman maghiganti ang lalaking 'yon. Hindi ko pa din mapigilan ang pagtawa hanggang naka abot ako sa parking lot dahil sa mukha ni Brent.

Delikado na pala dila ko ngayon, mukhang nagkakaroon na ng sumpa. Papaandarin ko na sana ang sasakyan ko ng may nag text.

From: Brent

Go as fast as you can at the coffee shop of that Azrael. There's a great scene there. By the way I want to say you're such an asshole for laughing while I was in pain. Tsaka hindi ako bobo, tanga lang!

Napailing lang ako dahil sa huling linya ng sinabi niya. Alangan naman lawayan ko dila niya!

Sinunod ko ang sinabi nito kahit hindi naman ako tsismoso, nagmadali akong pumunta sa sinabi niyang coffee shop. Dahil hindi naman ito kalayuan sa opisina narating ko agad ang Azraville Coffee shop.

Nasa labas pa lang ako ng coffee shop ay pansin ko na ang tension sa loob, hindi man nagkumpulan ang mga tao gaya ng madalas ginagawa kapag may gulo, hawak nila ang mga sariling cell phones para kunan ng video ang nangyayari.

Pumasok ako sa coffee shop at pumunta sa counter area. Umorder ako ng isang mango cake at brewed coffee.

Tiningnan ko kung sino ang nasa eksena, puro babae ang nagkasagutan at ang babae nakatalikod sa pwesto ko ay sobrang pamilyar sa akin. Kahit sa pwesto ko na medyo kalayuan ay rinig ang sagutan ng dalawang.

"Aalis? Sinong aalis? Itatapon ko lang itong inorder ko. Sumama kasi ang lasa ng matalsikan ng laway mo! Hindi ko na din kailangan ng atensyon ng iba, enough na ang libo-libong atensyon na nakukuha ko araw-araw. Marunong naman akong makuntento sa buhay" giit na sabi ng babaeng nakatalikod sa kaaway niya.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now