EPISODE TWENTY TWO

4 1 0
                                    

KLARE'S SCENE

Pagdating ko sa bahay, agad akong pumasok sa banyo para maligo. Ibinalik ko sa lalagyan ang dala kong bag at isinabit ang suot kong coat.

Paglabas ko mula banyo, tumunog ang cell phone ko. Mom's calling. Hinayaan ko munang tumunog ito ng paulit-ulit at nagmadaling magbihis. Hindi siya tumigil sa kakatawag at hindi siya titigil hanggat hindi ko sasagutin.

Sasagutin ko na sana ang tawag niya nang tumigil na ito. Habang hawak ang cell phone ay umupo ako sa gilid ng kama para hintayin ang pagtawag niya ulit.

Naghintay ako na tumawag siya ulit, humiga ako sa kama habang hinihintay na tumunog ulit ang cell phone ko. Eksaktong alas-singko ng gabi ay tumawag ulit si mommy. Sinagot ko na nag tawag niya para marinig ang gusto niyang sabihin.

"Anong kailangan niyo?" tanong ko.

"Can we meet? I need to talk to you," mahina niyang sabi.

"Why? What do you need?"

Sumakit ang tenga ko dahil sa pag hinga ni mommy nang malalim sa kabilang linya.

"I want to talk to you and tell you the truth."

Napabangon ako sa paghiga dahil sa huling salitang sinabi niya.

"May totoo pala sa buhay ko? Puro kasi kasinunggalingan ang alam kong nagpapatakbo sa buhay ko. Mukhang kasinunggalingan nga ang mga tunay kong magulang."

"Just meet me. I'll tell you the whole truth."

"Sabihin mo sa'kin saan mo gustong makipag-usap, pupunta ako."

"Andito ako ngayon sa coffee shop ng kaibigan mo, hihintayin kita dito."

Pinatay niya agad ang tawag, hindi ko pa natanong kung saan ang mismong coffee shop na sinasabi niya. Walang coffee shop na pag mamay-ari si Ayesha, si Kernel or kahit si Hailie. Sila lang naman ang naging kaibigan ko.

Tatawagan ko sana si mommy para tanongin kung asan siya, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.

"Andito ako ngayon sa coffee shop ng kaibigan mo, hihintayin kita dito." Dalawang tao lang ang nakilala ni mommy bilang kaibigan ko, si Azrael at si Kernel. Ibig sabihin nasa coffee shop ni Azrael ngayon si mommy.

Pumasok ako sa walk-in closet ko para maghanap ng masusuot. Pinili kong suotin ang white crap-top na makikita ang abs ko at fitted jeans. Sinuot ko din ang caramel color block heels.

Pagkatapos magbihis ay kinuha ko na ang cellphone, susi ng audi at wallet ko tsaka umalis ng matiyak na naka lock na ang bahay.

Madali ko lang nakita ang pwesto ni mommy, hindi kalayuan ang pwesto nito sa entrance door ng coffee shop. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuhan ng coffee shop, kahit mag gagabi na ay marami pa din ang mga costumers.

Napatingin ako sa uupuan ko sana noong una kong punta dito, ngunit imbes na makakain ng tahimik ay may naka sagutan pa ako. Natawa ako dahil sa nangyari.

"Klare, here!" sigaw ni mommy habang winawagayway ang kamay niya.

Naglakad ako papunta sa pwesto niya. "Sorry kung medyo natagalan," sabi ko tsaka umupo sa bakanteng upuan sa harap niya.

"No, it's okay. Nag order na ako, ikaw umorder kana," nakangiti niyang saad. Her smile creeps me out!

"No, I'm good. Andito naman ako para pakinggan ang sasabihin mo, so spill it. What do you want to say?"

Hindi ko mapigilan ang pagiging maldita sa harap niya. Nasanay na kasi ako na ganito ang pananalita ko sa kanya, kay ate Blare o kahit sino ang makakasagutan ko.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now