EPISODE FOURTEEN

11 2 0
                                    

KLARE'S SCENE

Pagkatapos kausapin si Ericka pumunta na ako sa hotel. "Good afternoon, can I have the key of Rheajeils office," nakangiti kong saad sa staff ng informations desk.

"Here miss," nakangiti nitong sabi sabay abot ng susi.

"Thank you."

Agad akong pumasok sa elevator para pumunta ng fifteenth floor kung asan ang magkahiwalay na opisina namin ni Rheajeil.

Sandaling tumigil ang elevator sa tenth floor, kasabay ng pagtunong ng cell phone ko. Si Rheajeil pala ang tumawag.

"Yes? What's the problem?" bungad na tanong ko.

"Miss, bukas pa kami makakauwi diyan sa Manila."

"Why? Nasiraan ba kayo ng sasakyan?"

"No miss, unlike before two days ang program this year. Ngayon ay ang pagpapakilala sa bawat isa and tomorrow is the awarding. "

"Well, if that's the case it's fine."

"Nasa hotel ka na ba miss? Tinawagan ko kasi si Zia, she said hindi ka pa daw pumunta," Anito.

"Yes, nasa elevator na ako paakyat. Papatayin ko na ang tawag nasa fourteenth floor na ako."

"Wait miss sshskshsishs."

Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni Rhea dahil pinatay ko agad ang tawag ng tumunog na ang elevator na nasa fifteenth floor na ako. Kailangan kong magmadali para makapunta sa sinasabing bagong bukas na coffee shop malapit sa hotel.

Hindi pa man nakakapasok ng tuluyan sa opisna bumungad na sa akin si Zia, ang assistant ni Rheajeil.

"You need assistance miss?" pormal na tanong nito.

"No, I'll be fine. Just continue on what you're doing," nakangiti kong sagot.

Sumunod naman ito at bumalik sa ginagawa niya. Pumasok agad ako sa opisina ni Rheajeil gamit ang susing iniwan niya sa informations desk.

Binuksan ko ang drawer ng office table ni Rheajeil para kunin ang mga folders na kailangan ko. Bago tuluyang masirado ang drawer, kumuha ng atensyon ko ang wallet size picture. Natabunan ang kalahati nito kaya mukha lang ni Rheajeil ang nakita ko. Kahit gusto kong tingnan kung sino ang kasama niya sa litrarto ay hindi ko ginawa, tuluyan ko ng sinarado ang drawer at lumabas na.

Nakita kong abala si Zia sa pagbabasa ng business reports. "Zia, aalis na ako. Just inform Rheajeil na nakuha ko na ang kailangan kong kunin."

"I will miss, ingat po kayo."

Tanging ngiti lang ang ginawa ko bilang sagot.

Sumakay ako agad sa sasakyan ko pagdating sa parking lot pagkatapos ilagay ang mga folders sa passenger seat.

Pagdating sa coffee shop, agad akong umorder ng Frappe at egg pie. Natandaan ko ang sinabi ng isang empleyado sa kompanya. "Masarap ang pies nila do'n miss, lalo na ang egg pie." Pagkatapos magbayad ay tumingin ako kung saan may bakante na mauupuan, masarap nga talaga siguro ang mga pagkain na binbenta ng coffee shop na 'to dahil sa dami ng mga costumers.

Habang naghahanap ng magandang pwesto dala ang inorder ko, tiningnan ko ang pangalan ng coffee shop. Azraville Coffee shop, you eat and drink something you won't forget ang sabi ng quotation na nasa ibaba ng name nitong coffee shop. Sana mapatunayan nila na hindi malilmutan ang mga pagkain at inumin na andito. Maganda ang coffee shop, kahit madaming costumers ay hindi magulo tingnan dahil sa arrangements ng tables and chairs at halatang pinagplanohan ng maigi ang pagpapatayo nito.

The Antagonist Side |Soon To Be Publish In Grenieriell️y Publishing|Where stories live. Discover now