Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko ano pa nga ba haaay. Medyo tinatamad pa ako bumangon kaya naka idlip na naman ako . RIINNNGGG ! RIIINNGGG! RIIINGGGGG ! Letse sino ba tong natawag na to kainis naman oh (--__--)"Hello ?"
"Be Miyaaaa ?"
"Letse ikaw pala Razzel bakit ba ?"
"Anong bakit ba ? Tanga tanghali kana anong oras kaba papasok ha mag papasa na tayo nung mga cinomfile natin kaya pasok na girl wait ka namin ni Malen at Mich sa Canteen mwuaah"
"Haay sige sige babangon nako"Tsaka pinatay yung tawag at kumilos na ako naligo at kumain. Antok pa ako ano ba naman yan . Tumingin ako sa orasan at 9:00 am na pala hahaha late na nga talaga ako . Buti na lang ako lang tao dito at nasa trabaho si Mudra . Dahil kung andito yun e baka bingi na naman ako sa rap nya hahaha . Nag diretso na ako sa garahe at buti hindi ako naka uniform ginamit ko yung Ducati ni bebe kim haha. Di nya ginamit e so ako muna . While driving e kala ko naman e artista ako sa school ngayon ko lang kasi naisipang gamitin to dito sa school hahaha ako lang babaeng naka motor kaya ganyan sila maka react. Dedma na lang nag diretso nako sa canteen. At ayun na nakita ko na sila Razzel na kumakain sa table namin.
"Dipa ba kayo tapos dyan?" Tanong ko sa kanila .. "bat ba nag mamadali ka e kakadating mo lang naman ah" sagot ni Mich sa akin "hahaha masama na palang mag tanong sa inyo ngayon " i answer . "Hay nako be maupo ka muna at patapos na naman kaming kumain kaya wag kang ano dyan porket pa astig ka ngayon at naka motor ka haha" pabirong sabi ni Razzel sakin, so ano pa nga ba inantay ko na lang sila na makatapos at saka kami umakyat sa room at iniwan ang bag namin . Papunta na kami ngayon sa Faculty para mag submmit nitong mga cinomfile na activity .Pag katapos naming mag pasa ng requirements e nag punta na kami sa mga kasamahan naming kaklase at nag simula na ding mag practice . Buti na lang friday ngayon last day na at walang pasok bukas hahaha . Habang nasa practice e tuwang tuwa kami at malapit na kaming makapag tapos ng senior high hihi parang kelan lang e nag loloko pa ako sa school hanggang sa ito na makaka graduate nako . Patapos na ang practice namin .
"Guys tara mag meryenda!" Pag aaya ni Malen na halatang pagod na din at gutom na gutom na. " oo nga miya , mich tara gutom na din ako" tumango na lang kami ni Mich bilang pag sang ayon sa dalawang to mukhang gutom na nga talaga at dali dali sa pag lalakad . Sa labas kami ng school bumilli . " 4 nga pong Large fries at 4 ding chicken burger and drinks " yan ang inorder namin na si Malen na lang nag punta sa counter at kami ay nag hanap ng mauupuan naming apat .
"Grabe no kakapagod ngayong araw super practice talaga tayo eh" si Razzel
"Kaya nga paulit ulit lang naman ginagawa e saulong saulo na yung gagawin for graduation no" pag sagot ni Mich na medyo may inis . " hay nako yaan nyo na konti nalang graduate na tayo" pag sabat ko sa kanila . Sa wakas nandyan na si Malen at yung order namin . Medyo galit galit muns kami ngayon hahaha gutom eh. Halos wala talagang naimik samin at focus na pag kain . Mamimiss ko tong mga lukang to pag di kami parehas ng school na papasukan haaaay . Nakatapos na kaming kumain tumambay muna kami sa kabilang tindahan kung saan andun sila Kon . Nag yosi nadin kami ni Mich kasi kami lang namang dalawa ang may ganitong bisyo sa aming apat .Pumasok na ulit kami sa school at di rin nag tagal at dismiss na uwian na haha. Nag vibrate phone ko aba nga naman sino kaya to kaya tiningnan ko may nag chat sakin .
Khate
My , bisita ka naman dine sa bahay sama mo si Christine. Miss ko na kayo eh hihi na message ko na din sya seeyouuu mameee . 😘
Christine
Mareee ? Nag chat sa akin si khate bisita daw tayo sa kanya at miss na dae tayo. So ano punta ba tayo ? Pm moko kung kelan and what time . Sige seeyou
Tingnan mo nga naman itong mga kaibigan ko nag paparamdam hahaha. Mamaya ko na sila rereplyan pag ka uwi ko sa bahay . Habang nag lalakad kami e may tumawag pa kay Razzel siguro kaibigan nya kaya nag paalam na ako sa kanya ma uuwi na ako . Nag lakad ako papunta sa motor na dala ko ."wow ang astig mo yata ngayon ah" namamanghang sabi ni Palmes "sira ! Hahaha astig na ako matagal na hahaha" sabay kaming tumawa "una na ako sayo at uwing uwi na ako" sabi ko sa kanya at saka sumakay sa motor at pina start ko na pina init ko muna makina saka umalis na. Bumusina naman ako sa kanya upang hudyat na aalis na ako . Buti na lang ito ang naisipan kong gamitin at traffic ngayon madaling makasingit agad haha . Dumaan muna akong Mall bago umuwi . Nag libot muna ako sa Mall at tingnan mo nga naman dito pala nag tatrabaho ang kaibigan ko sa Downtown na si Taira . "Sis ? Dito kapala nag wowork" sabi ko sa kanya na mukhang nagulat sa presensya ko . "Oo ako ang nag mamanage nito sis , napadaan ka ?" Sagot nya sa akin . Ngumiti ako sa kanya " nag libot lang ako diko akalain na makikita kita dito , nga pala I saw Vergel yesterday sa convinient store."
"Eh .. ? Kamusta pala kayo hahaha pinansin ka ? You know naman chickboy na yan ngayon haha" sagot nya sakin " oo sya pa nga ang tumawag sa akin e hahaha sya pano mag iikot ikot pa ako hahanap ako ng pasalubong kayla mama e bondsoon sis " sabi ko at saka bumeso sa kanya "sige sis ingat ka si Lester pala may botique din dyan baka makita mo sya haha " tumango lang ako at nag lakad na paalis napapunta ako sa bilihan ng doughnut gustong gusto pa naman to ni bebe kim . I decide to buy 2boxes at iba't ibang flavor to hihi YUMMY ! Pag kabili ko nun e nag lakad na ako palabas ng Mall at pumunta na sa motor ko medyo madilim na pala i check the time at 6:30pm na pala . Kaya sumakay na sa motor at pinaandar ko na ito at diretsong pauwi na sa amin .Nakarating nako sa bahay at pinark ko ng ayos mag Ducati ni bebe Kim . Baka kasi umatungal yun pag di ayos ang pag papark ng motor nya . Binuksan ko ang pinto at nakita kong nanunuod ng T.V si Kim at si Mama . So I clear my throat kaya napatingin sila sa akin . "May pasalubong ako" I said with a big smile . Lumapit naman agad si Kim ay inabot ang dala ko . Pinag saluhan namin yung doughnut na binili ko . "Salamat ate ang sarap hihi " imik ni Kim at may kayat pa sa labi ng icing nung doughnut hahaha kakatuwa talaga to.
Umakyat nako sa kwarto at nag puntang bathroom para mag halfbath . Ng makapatapos ako e nag lakad ako papunta sa closet ko para mag hanap ng damit . Pag kabihis ko e humiga na agad ako katabi yung teddy bear na bigay ni Vergel sa akin noon . At diko namalayang naka tulog na ako .
______________________________________♡
END OF THE CHAPTER
♡♡♡♡♡♡♡♡
YOU ARE READING
The Mr. Right For Her Is Her Ex
Teen Fictionpossesive | tagalog love story | Dramatic | spg |