Kakagising ko lang pero agad na akong bumangon dahil hindi pala ako nakapag shower kagabi at hindi ako nag palit ng damit . Pumasok na ako sa bathroom at nag hubad na . Malamig ang laguslos ng tubig sa shower kaya naman mabilis lang akong naligo . Pag labas ko ng bathroom ay nag diretso na ako ng closet . Nag sando na lang ako at short pag kabihis ko ay umupo muna ako sa kama dahil maaga pa naman . Kinuha ko ang cp ko naka kita ako ng text 3 messages galing kay Vergel .** naka uwi na ako thankyou pala sa dinner
**hey ? Gising kapa ba bakit hindi ka nag rereply ?
** sige goodnight na my princess bukas na lang iloveyou 😘
Yan yung mga message nya sa akin . Kaya naisipan kong replyan sya .
**Goodmorning , sorry nakatulog na ako kagabi kaya diko na nabasa yung message mo . Mag breakfast kana pag gising mo .
Pag ka reply ko sa kanya ay bababa na sana ako pero isinuot ko muna yung necklace na bigay ni Vergel sa akin . Ang ganda ganda kaya nito . Kinuha ko muna yung pag kain na binili ko para sa kanila at yung mga wallet at keychain para kay mama , kim at zay .
Pag kababa ko ay ako palang ang gising at saka si Mama . Ipinatong ko sa lamesa yung ibibigay ko sa kanila . Naka supot naman yun kaya di nila mahahalata kung ano yun haha . "Ang aga mo atang maligo at ang aga mong magising " sabi ni Mama sa akin "hindi kasi ako nakapag shower kagabi kaya ngayon naligo " sagot ko habang nag titimpla ng kape sakto naman na nag luluto si Mama ng pancake . "Maa .. pahingi akong pancake" pag papa alam ko sa kanya "sige kumuha ka dyan " nung sinabe yun ni mama kumuha lang ako ng dalawang piraso at umupo na . Habang nakain ay naalala kong may ibibigay nga pala ako kay mama . "Ma may bibigay pala ako sayo are oh " sabay abot nung pasalubong ko sa kanya . Mukha namang nagustuhan nya haha "aba ay kaganda nito , salamat anak " at saka yumakap sa akin . Nang matapos akong kumain ay nag diretso na muna ako sa sala doon ako tumambay at binuhay ko ang t.v at nanuod . Habang nanunuod ay bumaba na si Kim "mag almusal ka muna mamaya kana manuod" utos ko sa kanya at sumunod naman sya kala ko ay pag dadabugan pa ako eh . Sumunod naman na bumaba si Zay "goodmorning sis" sabi ni nya sa akin "goodmorning din mag breakfast kana " sagot ko sa kanya at dumiretso na din sya sa dinning area para mag almusal . Ilang oras din akong nanunuod ng tv ng biglang nag vibrate ang cp ko . Nag text na si Vergel .
**Goodmorning din , kakagising ko lang kumain kana din iloveyou .
** Sige kumain na ako kanina pa iloveyoumore .
Pag kareply ko sa kanya ay bumalik na ulit ako sa panunuod . "ate , manunuod na ako tapos na ako kumain" Sabi ni kim sa akin kaya tumango ako sa kanya . "May ibibigay ako sayo " sambit ko habang nanunuod . "Ano yun ? Pasalubong mo naba yan haha " kahit kailan talaga hahaha "oo are oh magustuhan mo sana" at tuwang tuwa naman sya at kinuha yung pasalubong ko . "Ganda ate at may pag kain pa haha sakto pang himagas ko" sabi nya at saka kumukutib na nung pag kain na pasalubong ko sa kanya. Medyo natatamad na akong manuod kaya naisipan ko umakyat na at habang paalis na ako sa sala ay inabot ko na kay Zay yung para sa kanya "wow meron dib pala ako salamat sis" niyakap nya ako "sige na aakyat muna ako" pag papaalam ko. Ngayon nasa kwarto na ako at humiga ako sa kama . RIIIIINNGGG !! RIIINNG ! RIIIIINGG !!
"Hello ?"
"Bhie may gagawin kaba ngayon ?"
"Wala naman actually nakahiga nga lang ako dito sa kwarto"
"Ah sunduin kita dyan papasama ako sayo"
"Okay sige what time ba ? "
"Mga 2pm pa naman"
"Ah sige makaka idlip pa ako , bye "
"Sige bye iloveyou"
"Iloveyoumore"At pinatay ko na ang tawag san naman kaya kami pupunta ngayong araw . Ilang oras pa ay naisipan ko ng matulog . Naalipungatan ako dahil may humahaplos sa mga pisnge ko at pag mulat ko si Vergel lang pala . Napabangon naman ako "sorry nakatulog ako , maliligo lang muna ako ha " sabi ko sa kanya at saka kumilos na "take your time 1pm palang naman" sabi nya sa akin kaya medyo naka hinga naman ako akala ko kasi alasdos na . "Labas muna ako antayin na lang kita sa sala nyo " pag kasabi nya noon ay nag diretso na ako ng bathroom para maligo ulit kahit nakaligo na naman ako kanina . After ko maligo ay nag bihis na ako ng madali white oversized shirt at black shorts at snickers kinuha ko din ang belt bag ko para ootd . Isinuot ko din naman ulit yung necklace na bigay ni vergel . Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na nag diretso na ako ng sala . "Tara na bhie " sabi ko sa kanya "sige tara na , bye kim mamaya na lang ulit " paalam naman ni vergel kay kim . "Sige ate at kuya ingat kayo ako na mag sasabi kay mama" sabi ni kim at lumabas na kami nadiretso na sa kotse ni Vergel . As usual pinag buksan nya ako ng pinto at sumakay naman ako . Sumakay na din sya at pinaandar na ito.
Habang nasa byahe diko maiwasang hindi mag tanong "saan tayo pupunta ?" Tanong ko sa kanya "yung binili kong Mustang kukunin na natin " wika nya habang nakatingin sa daan . Ay wow naman ang ganda na nga nitong sportscar nya talagang bumili pa sya ng mustang . "Bagong kotse na naman ? Dami mo na atang kotse " komento ko tumawa lang sya kaya hindi na ulit ako umimik . Nakarating na kami dun sa binilhan nya at wow ang ganda . "Bhie ikaw muna mag drive nyang sports car at ako dine sa mustang iuuwe muna natin sa bahay " sabi nya sa akin at pumayag naman kaya pala isinama nya ako dito haha . "Sige sige sa inyo ga sa downtown ? " pag kaklaro ko at tumango naman sya sa akin . Kaya naman pag katapos nilang mag usap eh nalaman kong sa ibang bansa pala to galing wow ha . "Sir alis na kami" sabi ni Vergel doon sa lalaking kausap nya at hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming nag lakad "bhie tara na mauuna ako sayo kaya dapat kasunod lang kita ha" sabi nya sakin at humalik sa noo ko "sige bhie " pag kasabi ko ay sumakay na ako sa sportscar nya at inistart na ito inantay ko muna syang makasakay sa bago nyang kotse at nung nag simula na syang mag maneho bumusina sya at sumunod na ako sa kanya . Gaya ng sabi nya nasa likuran nya lang ako at naka sunod lang sa kanya . Habang nasa daan kami ay namamangha ako sa kanya kasi diko naman inakalang magiging succesfull sya na ganito . Dahil siguro matagal din kaming hindi nag kita kaya ganun .
Ngayon ay nakarating na kami sa bahay nya dito sa downtown . Iginarahe ko naman agad yung kotse nya . "Wow ang dami mong sasakyan " namamahang sambit ko kasi naman meron pa sya ditong ibat ibang klaseng motor at may CBR , harley davidson at ducati bukod sa mga sasakyan nya . "Naging collection ko na kasi yan" wika nya sa akin at nilapitan ako . "Tara sa loob andyan ang mga Mame " kaya medyo kinabahan ako at may kaunting hiya din. Nag lakad na kami sa loob at pag pasok ko nagulat ako kasi may tatlong bata dito 2 batang lalake yung isa ay parang 4years old at yung isa ay para 3yrs old palang at may isang batang babae na parang 4yrs old din . "Vergel nandyan kana pala" sabi nung isang babae na nakaupo sa may sofa at muntik ko ng di makilala si Ate Charlotte lang pala. "Kakarating ko lang kasama ko pala si Miya" pag kasabi ni Vergel noon ay tumayo naman ang ate Charlotte "aba miya napabisita ka upo ikaw andiyan ang mame sa kusina" sabi ng ate sa akin kaya umupo ako "ah sige ate salamat , parang tumaba ka ata " nahihiyang sagot ko sa kanya . "Masarap kumain kaya ganyan" sabay tawa nya hahaha sabagay masarap nga namang kumain . "Dyan ka muna ikukuha kita ng meryenda alam kong gutom kana" Sabi ni Vergel sa akin at dumiretso sya sa kusina nila .
"Oh mag juice ka at itong brownies kainin mo" at inabot sakin ni Vergel kaya kinuha ko naman yun . Nang maubos ko na ay biglang sumulpot ang Mommy ni Vergel . "Aba miyang nandito ka pala ay kamusta kana ?" Nagagalak na wika sa akin ng Mame Nerry "ayos lang naman po kayo po kamusta na" sagot ko naman sa Mame "ayos lang naman din ako , sya dito kana kumain ng hapunan mag luluto ako" wika naman ulit ng Mame "sige po mame salamat po" at oag kasabi ko nun ay dumiretso na sya ng kusina baka mag luluto na . Habang nasa sala kami natutuwa naman akong panuodin ang mga pamangkin ni Vergel at akalain mo nga naman kapatid nya pala yung isang batang lalaki parehas silang gwapo ng kuya nya . Ilang oras din kaming nasa sala at diko na malayan na gumagabi na . Tinawag na kami ng Mame nerry para kumain .
Habang kumakain ay nag kamustahan kami , tawanan at masayang kainan lang nawala ang pag kailang ko sa kanila at nag eenjoy lang ako na kasabay sila ..._____________________________________
End of the Chapter
YOU ARE READING
The Mr. Right For Her Is Her Ex
Teen Fictionpossesive | tagalog love story | Dramatic | spg |