Nakadating na ako sa bahay . Dali dali kong pinark sa garahe ang kotse ko at kinuha ang pouch ko para hanapin ang susi ng bahay . Pag kabukas ko ay patay na ilaw sa sala yung mga side lights na lang ang bukas . Tatakbo na akong paakyat sa hagdan at binuksan ko ang ilaw sa kwarto ko . Pinatong ko ang poch ko sa side table . Tumingin ako sa kama pero wala ang cp ko . San ko ba nailagay yun kasi . Biglang may narinig akong nag ring hinanap ko ito at nakita kong nasa may drawer pala . Pag kakuha ko ng cp ay natawag na si Vergel sakto hahaha ."Hello bhie "
"Hi bhie"
"Nandito na ako sa canada bhie "
"Buti naman at safe kang naka dating dyan"
"Oo ako paba ? , hindi ko naman pababayaan ang sarili ko para sayo"
"How sweet iloveyouu "
" iloveyouu more bhie , sya bhie matulog kana bukas na lang tayo mag usap "
"Okay po bhie tutulog na ako ha mwuaah "At pinatay ko na ang tawag . Nag halfbath muna ako at nag palit ng pantulog na damit . Tapos na akong mag bihis at humiga na ako sa kama dahil antok na talaga ako tas naka inom pa . Zzzzzzz Zzzzzzz Zzzzzzz ..
Kinabukasan ..
Ang sakit ng ulo ko haaay kahit talaga hindi ka mag pakalasing basta uminom ka ng alak ay sasakit ang ulo mo. Bumangon ako at kumuha ng tubig sa mini ref ko. Dahil ang kailangan ko talaga ngayon ay malamig na tubig . Pag kainom ko ay medyo umayos ayos na ang pakiramdam ko . Pero dipadin ako satisfied kaya naligo na ako total alas dose na naman eh . Nag diretso na ako ng bathroom at naligo . After makaligo ay nag bihis na ako at lumabas na ng kwarto . Pag baba ko ng hagdan wala akong nakitang tao sa sala kaya nag diretso na ako ng kusina at ayun andun na sila nakain na ng lunch. "Gising kana pala kain na" sabi ni Mama kaya umupo na ako at nag sandok na nag kanin . Sakto naman kailangan ko ng mainit na sabaw hihi . After kong kumain ay nag diretso ako ng veranda at doon na ako tumambay . Kinuha ko cp ko at nag open ng facebook . Gaya ng dati scroll scroll lang at tamang shared post lang . Tiningnan ko din kung online na si Vergel at ayun online nga chinat ko sya .
** Bhie ?
*yes bhie ? Nag lunch kana ba ?
* Opo bhie kanina pa .
* Mabuti kung ganun , Imissyouu na
* I missyouu na din bhie
M
ahaba pa ang naging convo namin ni Vergel . At miss ko na talaga sya haaay . Kung hindi lang sya busy makakapag video call pa sana kami haaay . Ngayon ay tatayo na sana ako ng veranda ng dumating ang dalawa kong kapatid may dalang meryenda . "Ate meryenda na " alok sa akin ni kim . "Sige salamat tatayo na sana ako eh buti dumating kayo " sabi ko at kumuha ng tinapay . "Sis tara mag swimming " wika ni zay habang umiinom ng juice . Parang masarap ngang mag swimming ngayon "tara tara mag papalit lang ako mg panligo . Masarap ngang mag babad ngayon " sagot ko naman sa kanya at tumayo na at nag palit ng damit.
Nakapag palit na kami ng panligo at dumiretso na kaming tatlo sa pool . Sabay sabay na tumalon . Haaay sarap mag babad talaga . Nag basaan kaming tatlo parang mga bata lang . Nag tagal din kami ng ilang oras doon at ng dumilim na ay umahon na kami at nag banlaw na . Nang makapag bihis na ako ay nag stay muna ako sa kwarto para mag basa ng wattpad ito ang bagong libangan ko ngayon . He's into Her yan ang title ng story na binabasa ko ngayon sa wattpad . Sobrang ganda lang ng kwento nito hihi . Ilang oras din akong nag babasa at diko namalayan ang oras. May kumatok sa pinto ko at si zay lang pala . "Sis tara na sa baba kakain na daw tayo ng dinner " sabi nya sa akin "sige mauna kana susunod na lamang ako" sagot ko sa kanya . Kaya pag kasarado nya ng pinto ay tumayo na ako at nag suklay ng buhok at saka ito pinuyod . Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na . Nag diretso na agad ako sa dinning . Nakita ko naman sila na nag uumpisa ng kumain kaya umupo na ako at sinimulan ko na ding kumain . After kong kumain ay nag yosi muna ako sa veranda at saka umakyat papunta sa aking kwarto . Napaka boring ng araw ko kung hindi ako niyaya ng kapatid ko . Nag lakad ako papunta minni ref ko at kumuha ng ice cream . Para dessert habang kumakain ako ay kinuha ko ang cp ko at chinat ko si Vergel .
** Hi Bhie iloveyouu and imissyouu
Pag ka send ko ay kumain na ulit ako ng ice cream . Sinimulan ko na din mag basa ng wattpad . Nang maubos ang ice cream ay humiga na ako sa kama at nag basa muna ulit ng wattpad . Hanggang sa naisipan kong mag online para tingnan kung may reply na si Vergel pero wala padi maski seen hindi padin talaga. Kaya nag scroll scroll lang ako and shared post again . Haaay bat kaya hindi ako nirereplayan ni Vergel . Baka siguro busy lang sya talaga . Kaya ayun bumalik na ulit ako sa pag babasa ko . Ilang oras din akong nag babasa ng wattpad nag mukhang baliw na ako kasi minsan tatawa ako at minsan iiyak . Dahil kasi nitong binabasa ko hahaha . Naisipan ko ng tumayo muna at mag tootbrush . Pag katapos kong mag toothbrush ay nag diretso na ulit ako sa kama para mag basa ulit . Ilang oras pa akong nag basa at kinuha ko ulit ang phone ko at tiningnan ko kung nag reply na si vergel pero bigo ako. Dahil wala padin syang reply pero 2minutes . Kakaofline nya lang . Medyo nainis ako dahil nag online na sya pero hindi nya padin ako narereplyan . Miski iseen hindi eh inbox zone lang talaga ako ng lintek na yon . Medyo inis talaga ako sobrang inis pala . Kaya inilagay ko na ang cp ko sa may side table . Nag basa na lang ako pero di ako makapag focus na pag babasa gawa ni Vergel naiinis talaga ako sa kanya . Pero pinilit ko pading mag basa hanggang sa hindi talaga ako makapag focus . Kaya nilapag ko na yung Ipad ko sa side table katabi ng cp ko . Humiga na ako sa kama at nag iisip kung bakit ganun sya . Haaay hanggang sa makatulugan ko na ang pag iisip sa kanya .
____________________________________
End of the chapter
YOU ARE READING
The Mr. Right For Her Is Her Ex
Teen Fictionpossesive | tagalog love story | Dramatic | spg |