Chapter 18

228 1 0
                                    


Ngayong na ang araw , ng pag uwi namin . Gumising talaga ako ng maaga kasi ayokong mag pagising sa kanila . Naligo na ako agad at pag tapos ko mag shower ay nag bihis na ako nag shorts na lang ako oversized shirt lang . Inayos ko ang mga gamit ko para mamaya ay hindi na ako aligaga . Lumabas na ako ng kwarto tulog pa silang lahat . Mga napuyat sa panonood kagabi haha ala syete palang naman ng umaga kaya mga borlogs pa sila .

Nag timpla ako ng kape ko at kumuha ng bread at dumiretso sa favorite spot ko sa veranda . Ang presko ng hangin ngayong ganito kaaga . Hinipan ko ang kape at ininom yun ng unti unti baka kasi mapaso ako hihi . "Goodmorning" wika ni Vergel lintek hilig mang gulat nito pero ayos lang ang pogi nya padin talaga kahit bagong gising . "Goodmorning din" sagot ko at kumagat ng tinapay . Nag lakad sya dun sa may kusina at nag timpla ng kape nya . Pag katimpla nya ay lumapit naman sya sa akin at umupo sa may katapat ko . "Hey lovebirds goodmorning" sabi ni Eisen sa amin at ayun sunod sunod na silang nag si gisingan . Mga bandang 9am eh kumain na kami ng breakfast at naligo na sila at ako naman inilabas ko na yung mga gamit ko baka kasi malimutan ko pa . "Yan na ga lahat ang gamit mo" sabi ni Vergel sa akin . Tumango naman ako at saka kinuha nya ang gamit ko "guys sa baba na lang tayo mag kita kita " paalam ko sa kanila at saka bumaba na kami patungo sa sasakyan namin .

Hindi rin naman nag tagal eh bumaba na mga kaibigan namin . Nag pasalamat kami sa mga taong nandun at saka nag si sakayan na sa mga sasakyan namin . At ako eto kay vergel na sasakyan padin hahaha. Ngayon nag simula na syang mag maneho . Nag sounds sya at 10 thousand hours ang kanta at sinasabayan ko naman haha . " I'd spend 10 thousand hours 10 thousand more Oh, if thats what it takes to learn  that sweetheart of yours and I might never get there but I'm gonna try if its 10 thousand hours or the rest of my life I'm gonna love you " kanta ko wala ay ganda ng kanta kasi . Tinawanan lang ako ni Vergel . Habang nasa byahe nakaramdam ako ng antok kaya umidlip muna ako . Nagising ako at sa tingin ko medyo malapit na kami pero nagugutom na naman ako ano ba yan kaya ayun naka simangot ako . "Ayos kalang ba ? May gusto kaba sabihin mo lang sa akin" tanong ni Vergel at ayun nahalata nya haha galing talaga "ano kasi ahmm .. ano gutom na ako eh " nahihiyang usal ko sa kanya buti may convinient store kaming nadaanan . Umuna na yung mga kaibigan namin kasi mga uwing uwi na ata haha . Bumaba kami ni Vergel sa may 7eleven . Pag pasok namin eh nag hanap ako ng kakainin at yung bigbite na lang at dougnut ang pinili ko kumuha din ako ng Sprite at isang tubig . "Ikaw may gusto kaba ? " tanong ko sa kanya "wala na ikaw lang naman ang gusto ko"  ay talagang may pag banat pa ng ganun eh . "Ano nga kasi "  kuyaring naiinis na sabi ko kumuha din sya ng bigbite . Babayadan ko na sana sa counter ng pinigilan nya ako "miss eto na ang bayad " sabi ni Vergel . "Hindi ako na ako na ang mag babayad miss" pag pupumilit ko pero hindi na kinuha nung babae kasi nga nabigyan nya na ng sukli si Vergel . Kaya wala na akong nagawa . Dumiretso na ako sa kotse at inantay na lang si Vergel . Habang kumakain ako naalala ko yung ibibigay ko kay Vergel . Kaya hinanap ko yun sa bag ko kasi diko sya nilagay kasama nung ibibigay kong pasalubong para sa mga barkada ko . Sadyang naka hiwalay para di ako mahirapan gaya ngayon . Good timming traffic hihi . Habang kumukuha sya ng donut duon sa supot e umimik nako "Vergel may ano .. may bibigay sana ako sayo" usal ko at uminom ng sprite . "Ano naman yun at nag abala kapa talaga" sagot nya habang ngumunguya pa nung donut. "Ito oh . Sana magustuhan mo " nahihiyang sabi ko at inabot ko na sa kanya yung relo at naka box naman yun hihi at saka kumuha na ng donut . "Wow thankyou so much my princess , this is beautiful" sabi nya sa akin at kinuha yung isa kong kamay at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa daan . "Welcome buti nagustuhan mo" sabi ko sa kanya at tumingin sa labas ng bintana . "Syempre basta galing sa iyo gusto ko" sagot nya sa akin .

Ngayon ay malapit na ako sa amin at medyo tahimik na ulit kami . Wala manlang umimik sa amin hanggang sa ngayon ay nasa tapat na kami ng bahay. Hindi ko na hinintay na pag buksan nya ako ng pinto . Kusa na akong bumaba at sya naman kinuha yung gamit ko . " ako na mag dadala nyan" sabi ko sa kanya habang inaagaw yung bag . "Wag na ako na mag dadala kaya ko naman" sabi nya at iminustra pa sa akin. Kaya wala na akong nagawa sabay kami nag lakad papasok sa bahay . Nakita ko sa sala si Kim "ate ! Kuya Vergel !  Baka naman may pasalubong kayo dyan " sigaw nya sa akin "oo meron pero mamaya na lang or baka bukas ko na ibigay " sabi ko sa kanya at bumalik na ulit sya sa panunuod. "Dito kana mag dinner" I said to Vergel . Kinuha nung Nani namin yung bag ni bitbit ni Vergel at gamit ko yon . "Nani palagay na lang po nyan sa kwarto ko salamat" sabi ko doon sa Nani namin . "Sige po mam" sagot nya sakin at binitbit na yung mga bag. "Tara don sa may pool area " yaya ko kay Vergel . "Sige tara mag yoyosi din ako " sagot nya . Parehas kami kasi ako ay yosing yosi na pero habang nag lalakad papuntang pool area naka salubong namin si mama . " naka uwi na pala kayo " wika ni mama "opo tita kakarating lang po namin" sabi ni vergel kay mama . "Sya utoy Vergel dine kana mag dinner , at wag kang tatanggi mag tatampo na ako sa iyo " pag bibirong sabi ni mama "sige po tita niyaya din po ako ni Miya na dito na mag dinner" tatawa tawang sagot ni vergel kay mama. "Oh sya sige maiwan ko muna kayo papatawag ko na lang kayo mamaya pag kakain na" pag kasabi ni mama e umalis na sya at pumasok na sa loob kami naman eh nandito na may pool area at umupo . Kinuha ko muna yung ash tray at saka nag sindi ng sigarilyo ganoon din naman ang ginawa ni Vergel . Nag kwentuhan lang kami at puro kakornihan ang alam nitong poging to . "Remove your slipper doon tayo sa may gilid ng pool uupo " utos ko sa kanya at sumunod naman sya . Parehas naming ibinabad yung paa namin .
"alam mo Miya na nung nag kita tayo ulit eh gusto na kitang ligawan ulit . Pinag sisihan ko na yung ginawa ko noon . Kung nasaktan kita sorry at sorry sa mga kagaguhan ko noon . Pinapangako ko na hinding hindi ko yun uulitin pa . Napatunayan kong kahit madaming babae dyan eh wala talagang makakapantay sa iyo at ng pag mamahal ko sayo " he confess grabe naman kailangan talagang ganito pero aaminin ko kinikilig ako . "Kung hindi ka nambabae edi sana matagal na tayo hmm " sabi ko habang iniibo yung paa ko sa tubig . "Siguro lesson lang yun para sa akin at para malaman kong ikaw pala talaga yung para sa akin "  at niyakap nya ako saraaap . Iniharap nya ako sa mukha nya at ngayon isang hibla ng buhok yung pagitan namin kaya napapikit ako . "Ate ! Kuya Vergel ! Kakain na daw " sigaw ni Kim lintek naman talaga panira naman eh . "So tara na kakain na daw " sabi ni Vergel . Kaya tumayo na din ako at kahit disappointed eh nag patuloy ng mag lakad papasok sa bahay .

Ngayon ay kumakain na kami medyo madami ang naluto ni Mama kaya madami ding nakain tong si Vergel na pogi . Oo pogi kasi kahit ngumunguya sya eh ang gwapo nya padin talaga . After we eat eh nag tumambay muna kami sa may sala . Ilang oras din kaming nakatambay sa sala nakikipag kwentuhan si Vergel kayla Mama kaya ako nakikinig lang sa kanila . Hanggang sa nag paalam na si Vergel at uuwe na daw . "Tita aalis na po ako , kim uuwi na ako " paalam ni Vergel sa kanila "sige utoy mag ingat ka  , Miya hatid mo si Vergel sa may gate" utos ni mama sa akin "babye kuya vergel" paalam ni Kim kay Vergel "sige ma" sagot ko naman at nag lakad na kami ni Vergel . "Uwi na ako ha bukas na lang ulit" sabi nya sa akin at humalik sa noo ko at sa labi ko. "Mag iingat ka mag text ka sakin kapag naka uwi kana " sagot ko sa kanya at humalik sa labi nya hindi naman mabilis at hindi rin matagal saktong tagal lang na halik at saka sya niyakap . "Iloveyou" mahinang sambit nya . Kumalas ako sa yakap "iloveyoumore" sabi ko at sumakay na sya sa kotse nya . Bumusina sya at pinaandar na nya ang kotse nya at umalis na . Kaya pumasok na ako sa bahay at nag diretso sa kwarto . Inayos ko muna yung mga pasalubong ko na ibibigay sa mga barkada ko at yung kayla mama . Humiga muna ako sa kama para mag pahinga bago sana mag shower pero sa sobrang pagod ngayong araw eh nakatulog na ako .. 

______________________________________

End of the chapter
🌸🌸🌸🌸🌸🌸


The Mr. Right For Her Is Her Ex Where stories live. Discover now