Continue ..Sa halip na bubuksan ko na ay naunahan ako ni Vergel . Wala galit padin ako wag marupok . "For you" inabutan nya ako ng isang boquet of roses . "Salamat" nahihiyang sabi ko . Nag lakad na ako papunta sa silya at inalalayan nya naman akong umupo. "Para saan ba ito at talagang pinag handaan ata " sabi ko kay Vergel na may pag tataka . "Para sayo to lahat , sinabihan ko sila na asikasuhin muna to para sa atin " sabay ngiti . Kaya pala wala ang mga kaibigan namin aba magaling talaga . Nag simula na kaming kumain kasi bongga naman tong dinner date na to . "Kanina pala kaya ko kasama si Mica kasi nag pabili ako ng flowers sa kanya na ibibigay ko sayo " pag papaliwanag nya . "Ah ganun pala kala ko nakikipag landian ka sa ex mo" mataray ko sabi sa kanya . "Wait nag seselos kaba ?" Tanong nya habang nag slice nung karne na kinakain namin . "No ! " madiing sagot ko at tumawa sya . May nakakatawa ba sa sagot ko at kailangan nyang tumawa . "Aminin mo na na nag selos ka " he said teasingly . "Oo na nag selos na ! Kasi naman babago mo palang ako ulit nililigawan eh may kalandian kana agad kaya nainis ako " sabi ko kanya at sumimsim ng wine . "Dont worry ikaw lang ang pinaka maganda at pinaka sexy para sa akin at higit sa lahat ikaw lang ang mahal na mahal ko " naka ngiting sambit nya . Oh my god pwedeng kiligin ? Sabi ko sa sarili ko . haaaay ang hirap mag panggap na hindi ko sya gusto ulit pero yung totoo gustong gusto ko talaga sya . "Hey are you okay ? " nag aalala nyang tanong sa akin . "Yup Im okay may inisip lang ako" sagot ko sa kanya . Biglang may tumunog na music at tumayo si Vergel at inilahad ang kamay sakin . Niyaya nya akong sumayaw kaya inabot ko ang kamay nya at ayun na nga nag sayaw kami . A very sweet dance , ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon at biglang may pumutok at fireworks lang pala . Huminto ako at pinanuod ang fireworks "wow !" Tuwang tuwa na "you like it ?" Tanong nya at umakbay sa akin . "Yes this is beautiful so much beautiful " sagot ko sa kanya . "I'm glad na nagustuhan mo ang sorpresa ko sayo , may bibigay pala ako sayo " he said habang may kinukuha sa bulsa nya na box. "Tumalikod ka" utos nya kaya sumunod ako . Naramdaman ko may nilalagay sya sa leeg ko and wow a beautiful necklace . "Thankyouu Thankyouu !" Sabi ko sa kanya at niyakap ko sya ng mag higpit kaya yumakap din sya sa akin . " iloveyou my princess " he said and kissed my forehead .
"Clap ! Clap ! Clap ! Claaap !" Ayun lumabas na ang mga kaibigan namin na tuwang tuwa . "Salamat sa inyong lahat at naging succesfull ang surprise natin" sambit ni Vergel sa kanila . "wala yun ikaw pa , basta para sa inyong dalawa " sabi ni Babs . Ngayon ay sumakay na ulit kami sa yate at mag kahawak kamay kaming dalawa . Wala pang kami nyan ha hahaha . Nakatulog ako sa byahe pabalik sa hotel . "Hey ! Wake up " pang gigising sakin ni Vergel . "Naandito na tayo" kaya inayos ko na ang sarili ko at tumayo na . Inalalayan ako ni Vergel pababa sa yate . Mas lalo syang naging sweet at clingy ah haha bet ko yung ganito . "I'm hungry" sabi ko kay Vergel "anong gusto mong kainin ?" Sabi nya "ice cream sana" nahihiyang sabi ko . "Okay sige lets go inside at oorder ako uubusin mo ha " he said and we go inside the hotel . Naiwan ako dito sa may lamesa habang naorder sya . "Itinake out ko na lang sa veranda kana kumain" sabi nya kaya tumango na lang ako .
Ang sarap lang ng hangin dito sa veranda . "Ubusin mo na yang ice cream mo " sabi ni Vergel habang nag yoyosi . "Paubos na nga oh " at pinakita ko yung lagayan ng ice cream at talagang paubos na kasi mga limang subo na lang to . Yung mga kaibigan naman namin nasa sala at naunuod nakain din sila kasi binilhan din sila ni Vergel . Kaso yung sakin isang buo yung malaki pero okay lang hahaha paubos na nga eh . "Takaw mo talaga ano ?" Sabi nya sa akin . "masarap kasi to eh sayang naman kung diko uubusin" sabi ko sabay subo ng ice cream. Nang naubos ko na ang ice cream eh tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Vergel . "Ano ba kukuha lang akong tubig" sabi ko sa kanya pero hinila nya ako at pina upo ulit . Ano bang problema nito "ako na ang kukuha" sabi nya at nag lakad papasok at nag diretso sa may ref at kumuhang tubig . "Drink that " isang basong tubig inabot nya sa akin at ininom ko naman. "Last day na natin to at bukas uuwi na tayo" sabi ko at nag sindi ng sigarilyo. "Oo nga at masaya ako sa 3 araw na kasama ka" he said while looking at me . "Ako din masayang kasama ka dito at ganito na sitwasyon natin" sabi ko sabay buga ng usok . Ilang oras pa kaming nag tagal sa veranda at naisipan ng pumasok na sa loob .
Dumiretso kami sa sala at naisipan kong manuod muna . Syempre katabi ko tong poging si Vergel . Habang yung iba naming kaibigan na nunuod din . Men in Black ang palabas na pinapanuod namin at amaze na amaze na naman ako kasi ang ganda ng palabas . Lumingon ako sa mga kasama namin at medyo mga antok na sila . "Yun na yon ?" Sabi ni Lester "kaya nga bitin naman eh " sabi naman ni Renz . Pag aantungal nilang dalawa . "Tara na matulog" pag yaya ni Taira . Sumunod naman sila at isa isang nag diretso na sa kwarto .
Tumayo na ako at diretso sa may ref para uminom ng tubig . "Ano tutulog kana ?" Tanong naman ni Vergel sakin . "Oo bukas na lang ha salamat ulit sa kanina " at kiniss ko sya sa labi nya pero smack lang yun . "Goodnight my princess " pag kasabi nya ay humalik sya sa noo ko , "Goodnight din " sabi ko at ngumiti sa kanya . Inihatid nya ako sa kwarto ko at saka sya umalis na .
Haaaay gaano ako kaswerte sa lalaking yun . Konting effort pa at sasagutin ko na sya hahaha . Hanggang sa nakatulog na ako sa pag iisip sa kanya .
______________________________________
End of the chapter
.. Hope you like it ..
YOU ARE READING
The Mr. Right For Her Is Her Ex
Teen Fictionpossesive | tagalog love story | Dramatic | spg |