>>Chapter 16<<

276 1 0
                                    


3rd Day on Vergel's beach Resort

Nagising ako dahil sa sinag araw at medyo nasisilaw ako . Mumulat ako at tatayo na sana ng si Vergel na mismo ang nag ayos nung kurtina para sa akin . "Thankyou " usal ko at bumalik na ulit sa kama . "Lalabas na muna ako papadeliver ako ng pag kain mo " papadeliver ? Abay bakit kaya ?  "bat para sa akin lang ? Kumain naba sila ?" Nag tatakang tanong ko sa kanya "Oo kumain na sila actually nasa baba sila ngayon lahat " sagot nya . Ano bat kaya ang aga "teka ano bang oras na at parang ang aga naman nila " nag tatakang tanong ko  "its quarter to 11 na " "shit ! Tanghali na pala  sorry hihi " my ghaaaad tinanghali ako kakahiya "sige na baba muna ako ha anatyin mo na lang ako sa dinning " at tumango naman ako sa kanya . Pag kalabas nya ng pinto ilang minuto pa akong nahiga pero nag decide naman ako na bumalik ma dun sa sadyang kwarto ko . I plan to take a shower na muna .

Pag labas ko ng bathroom agad akong nag punta sa closet na pinag lagyan ko ng mga damit ko . Pumili muna ako isang summer dress isang off shoulder na may pinag halong white at black . Nag flip flops na lang ako at nag diretso na ng dinning . Ilang oras din ako tumambay sa dinning pero wala pa si Vergel . Tagal naman gutom na ako . I walked to the veranda . Sarap ng hangin talaga dito . Pinanuod ko lang ang mga ulap at ang dagat na maganda ang kulay . White sa mababa tapos medyo green yung sunod at hanggang sa naging blue at hanggang sa maging dark blue na . Why so ganda talaga .

"KNOC ! KNOCK !"  Anak ng tokneneng naman talaga ! Kakagitla nag eenjoy pa ako e . At pag harap ko at si Vergel pala may dalang food . "Ginulat mo naman ako " medyo mataray na sabi ko "haha sorry naman " sagot nya na medyo natatawa . "Sige na tara na kumain at gutom na ako " pag tataray ko . Kaya ayun inilapag na nya ang pag kain sa table at sinimulan na naming mag matakaw . Sa dami naman kasi nitong pag kain may plano ba syang patabain ako . Well mag tatagumpay sya pag ganto lagi kadami yung pag kain tas ang sa sarap pa . "Brrrrrrp ! Ops sorry " kakahiya napalakas ang dighal ko . "Hahaha ayos lang busog na busog ka talaga no " sagot nya sakin " kaya nga ikaw kasi andami mo laging inihahanda na pag kain" may kunyaring pag mamaktol na sabi ko  "pwede mo naman kasing hindi ubusin " natawang sagot nya at uminom ng tubig  "yung totoo may balak ka atang patabain ako e " sabi ko habang inuubos yung dessert ko "hahaha konti lang " sagot nya at inabutan akong tubig "well mukang mag tatagumpay ka " sabi ko at parehas kaming  tumawa . Tapos na kaming kumain at nag decide kaming bumaba na kasi papalinis nya na lang daw yung pinag kainan namin . I wear my hat at ng nasa baba na kami hinila ko sya at nag pasama sa kanya na mag pipicture . Pumayag naman sya , teka asan ba ang mga kaibigan namin bat parang wala dito . "nasan sila ?" Tanong ko kay Vergel "ewan mag iikot daw sila yun ang paalam nila " sagot nya sa akin . Nag patuloy ako sa pag kuha ng litrato at nahagio ng camera ko si Vergel . Ang gwapo nya talaga so kinuhanan ko rin sya ng palihim at parang model yung kuha nya . Nang mapansin kong titingin na sya iniba ko ang pwesto ng camera ko . "Tara sa may bayan may mga botique at tiangge doon " pag anyaya nya sa akin . Magandang idea "sige tara bibili ako ng pam pasalubong " pag kasagot ko ay hinawakan nya ako sa kamay at nag simula ng mag lakad .

Nakarating na kami sa sinasabi nya at wow andaming botiques at tiangge at bilihan ng souvenirs . "Ganda dito" biglang usal ko dahil namangha ako sa lugar . Kasi Organize yung lugar "simulan mo ng mamili , dito muna ako at may kakausapin lang ako " sabi nya sa akin  "sige dito na lang din kita pupuntahan mamaya pag tapos ko" umalis na ako pag kasabi ko nun .

Sinimulan ko ng mag libot sa mga botique naka kita ako ng mga keychain for souvenir . Naka kita din ako ng damit kaya bumili din ako . Nag libot pa akonat naka kita ako ng relo . Maganda sya at bagay na bagay to kay Vergel kaya binili ko na . Nag libot pa ako at may binili na pag kain hihi . Nang makatapos akong mamili ay bumalik na ako sa Cafe na pinag iwanan ko kay Vergel .

@ the Café ...

Nakita ko si Vergel na may kausap na babae . Nakikipag tawanan pa sya dito aba naman . Sexy at maganda yung babae kaya medyo nainsecure ako. Pumasok na ako sa café . I cleared my throat para mapansin nila ako . "Nandito kana pala " sabi ni Vergel sa akin . "Oo tapos na ako mamili" at pinakita ko yung mga pinamili ko . "Wow andami naman nyan " namanghang sabi nya . "Ehem" tikhim nung babae . " ayy by the way this is Mica " pag papakilala nya doon sa babae . " Hi Mica I'm Miya nice to meet you " pag papakilala at nag fake smile ako . Kala mo naman gandang ganda nya hmmm . "Hello Miya , I'm a old friend of Vergel " sabay tapik kay Vergel . Kailangan talagang tapikin si Vergel kakairita . " actually she's my ex " sabi nya ay kaya pala bahala silang dalawa . "Ah okay una na ako sa inyo , kita na lang tayo sa hotel" sabi ko at lumabas na ako sa Café .

Tingnan mo nga naman di manlang ako hinabol ng pesteng Vergel na yan . Kaya padabog akong nag lakad . Ngayon nandito na ako sa hotel room namin at inayos yung mga pinamili ko . Asan ba kasi yung mga kaibigan namin at ako lang yung nandito kainis naman . Nag lakad ako at sumakay sa elevator . Nag punta akong rooftop at wow may ganito pala dito . May swimming pool at minni stall ng mga pag kain at may mini bar sa dulong bahagi . Kakaunti yung nasa pool kaya naisipan kong mag babad . Hinubad ko ang dress ko at buti naka swimsuit ako hihi ready to no .

Ilang oras din akong nakababad at lumalangoy langoy . Naisipan kong kumain kasi nagutom ako . Umahon na ako at nag punta sa isang stall . Umorder ako ng fries burger at juice .
"Mam this is your order " sabi nung crew nginitian ko lang sya . "Thankyou" sabi ko at umalis na sya kaya sinimulan ko ng kumain . Naalala ko na naman si Vergel at yung Mica na yon . Akala ko ba seryoso sya sa akin bat nakikipag landian pa sya dun kakainis . Naubos ko na yung pag kain ko at sinuot na ulit yung dress ko at babalik na ako sa hotel room namin .

Kakatapos ko lang Mag shower at nagulat ako ng andun na sila kaso mga girls lang . "Bilisan mo dyan aayusan ka namin " sabi ni Monica sa akin . " oo nga dalian mo at nag halungkat na ako sa mga damit mo at ito ang isuot mo" sabi naman ni Taira . Kaya hinayaan ko na sila para saan ba kasi to . Pag katapos nilang ayusan ako sila naman daw kaya nag antay ako sa kanila . "Ano bang meron at kailangan pang mag ganito " tanong ko . "Basta mamaya mo malalaman " sabi ng ate Maya . Kaya ayun tumahimik na lang ako .

Nasa labas na kami ng hotel ngayon at wait sasakay kami sa yate ? Saan ba ang punta namin . "Sabihin nyo nga saan tayo pupunta ? " pangungulit ko "wag ka ng madaming tanong sumakay ka na lang " sabi ng ate Maya kaya sumakay na ako ng yate at sumakay na din sila . Medyo madilim at Alasais na ng hapon sa tingin ko kasi medyo madilim na . Umandar na ang yate at nag eenjoy lang ako magagandang ilaw sa paligid .

Kalahating oras din yung byahe namin at nakarating na kami sa isang isla wow ang ganda dito . "Isuot mo to" sabi ni Taira inabot nya sa akin ang isang flower crown at ganun din sila mga naka suot na pala . Nag simula na akong mag lakad at wow ang ganda may mga nag kalat na petals of roses sa paligid . May mga kandila din at may isang Gazebo sa dulo . Nag patuloy lang ako mag lakad at habang nag lalakad isa isa akong inaabutan ng red rose ng mga boys . Wow ha andaming alam ng gumawa nito . Nag lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa gazebo may isang table at may candle sa gitna at may dalawang upuan kasi may harang na tela yung harap ng gazebo . Bubuksan ko na sana ng biglang nag bukas ito at nakita ko si Vergel ...

_____________________________________

END OF THE CHAPTER
Sa next chapter na yung sunod na pang yayari hihi .
I hope you enjoy

The Mr. Right For Her Is Her Ex Where stories live. Discover now