Chapter 21

210 0 0
                                    


Pag gising ko ay dumiretso agad ako sa bathroom para mag hilamos at mag mumog . Pag labas ko ng bathroom ay nag suklay muna ako at nag puyod . Kinuha ko ang cp ko at 10:30 am na pala . Naalala ko na 10am ang flight ni Vergel baka siguro nakalipad na yung eroplano nya . I saw 3 messages from Vergel at may 2 missed call . Naka silent nga pala phone ko kaya diko narinig umupo ako sa kama at binuksan ang message sa akin ni Vergel .

** Bhie ? Gising kana ba mag breakfast kana po ha iloveyouu .

** Bhie , bat dimo sinasagot tawag ko paalis na ako sa bahay papunta na akong airport ngayon .

**Bhie nandinto na ako sa airport at tinawag na ang flight number ko kaya baka mamaya na kita ma message pag dating ko sa Canada . Iloveyouu 😘

Yan yung message nya sa akin . Nalungkot naman ako bigla , hindi ko manlang sya nakausap bago sya sumakay sa eroplano . Bakit naman kasi naka limutan kong tanggalin sa silent mode yung cp ko . Kaya tinext ko padin sya .

**Hi Bhie Goodmorning , kakagising ko lang sorry talaga kasi ngayon lang kita nareplyan at hindi ko nasagot ang tawag mo naka silent kasi ang phone ko . Mag ingat ka ha at imessage mo agad ako lag dating mo sa Canada Iloveyou 💙

pag ka message ko sa kanya ay ipinatong ko muna sa kama yung phone ko at saka naisipang mag palit ng shorts at sando . Pag kapalit ko ay kinuha ko ulit ang cp ko tinanggal ko muna ang silent mode saka lumabas ng kwarto .
Habang pababa ako sa hagdan nakita ko agad ang dalawa kong kapatid sa sala na nag lalaro ng uno cards . Tumingin naman sa akin si Kim "ate ? sali kaga ? " tanong nya sa akin "mag aalmusal muna ako mamaya ako sasali sa inyo " sagot ko sa kanya at nag tungo na ako sa kusina nag hanap ng pag kain at wala akong nakita kasi baka inubos na nung dalawa . Kumuha na alang ako ng cereal at fresh milk . Yun na lang ang inalmusal ko sabagay dipa din naman ako masyadong gutom kays okay na to . Pag ka ubos ko nung pag kain ko ay dumiretso na ako kayla Kim sa sala . "Oh game sali na ako " tumingin naman sa akin yung dalawa ."sakto mag sisimula palang ulit kami . Dine ka sis sa kabila " si zay itinuro nya yung kabilang side kasi naka upo lang sila sa carpet . "Sige sige " at umupo naman na ako . Nag simula na kaming mag laro at madalas akong manalo sa kanila "andaya naman " atunagal ni kim kasi kung hindi ako yung mananalo ay si zay naman . "Galingan mo kasi ng kaunti" pang aasar ni zayzay hahaha ang kukilit talaga . Ilang oras din kaming nag laro at tinawag na kami ni Mama para mag lunch . Ngunit tiningnan ko muna ang phone ko pero wala padin akong natatanggap na message galing kay vergel baka nasa himpapawid pa yun .
Nang tatayo na ako ay tumingin ako sa dalawa at nauna na pala sila sa dinning area mga masiba din talaga . Ako na ang nag imis ng mga uno cards at inalagay yon sa may center table . Saka ako nag lakad papunta sa dinning area .

"Oh kumain kana Miya at mamayang alas tres ay pupunta na tayo sa mansion ng iyong Ninang Mariel doon say gaganapin ang family gathering" sabi sakin ni mama na inaabutan ako ng plato . Umupo na ako at nag sandok na ng kanin at kumuha ako ng ulam . "Eh ma ? Ano daw motif nila ngayon?"  Tanong ni zay kay mama . Aba oo nga ano nga kaya , naka limutan ko ng imessage si Cindy tungkol don haay . "Black and white lang daw ang pwedeng suotin doon sabi ni Mariel " sagot naman ni Mama kay zay . Talagang mga bampira nga yata sila at bakit naman black and white ano yun burol hay nako talaga . Pag katapos naming kumain ay nag pahinga lang ako ng kaunti gayun din yung dalawa kong kapatid . Ilang minuto din kaming nag stay sa sala at naisipang mag si ligo na . Sabay sabay kaming umakyat sa kanyan kanyang kwarto namin . Hmm ano kaya ang maisuot sa party na yun . Nag tingin muna ako sa closet ko at nahirapan akong mamili ng dress kasi naman pabonggahan yun jusko knowing my relatives pasosyalan ang mga yun si Mama nga lang ata yung pinaka simple sa kanila eh . And finally may nakita na akong dress . Its off shoulder dress na medyo mahaba lagpas ng paa ko at may slit sa kanang bahagi na saktong sakto lang para makita ang mahaba kong hita. So tapos na ako sa dress nag tingin naman ako ng babagay na sapatos at ng makakita nako ay naligo na ako . After maligo sinuot ko yung damit ko at saka humarap sa salamain tinuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower . Nang matuyo na ito ay naisipan kong plantsahin ito at kulutin ang dulo at bumagay naman yun sa akin . Nag lagay ako ng light make up at I wear an elegant earings and syempre yung necklace na galing kay Vergel ang suot ko . I get my cute black pouch nag spray ng pabango at lumabas na ng kwarto .
"Ano ready na ba kayong umalis ?" Tanong ko sa kanila "yup sabay sabay lang tayo no "  sabi ni zay at kakalabas lang ni kim ng kwarto nya sabay sabay kaming bumaba sa hagdan . "Wait asan ang mama ?" Nag tatakang usal ni Kim. Oo nga asan na ba ang magandang nanay namin . Oh there she is "mga anak ayos lang ba ang suot ko ?"  Tanong ni mama sa amin at sabay sabay naman kaming tumango sa kanya at nang makababa na si mama nag diretso na kami sa garahe bale dalawang kotse gagamitin namin yung isa ay kay zay at itong akin . Bale si mama kay zay na kotse at si kim naman ang sa akin . Nang makasakay na kami sa mga kotse namin ay nag tungo na kami sa Mansion ng ninang Mariel . Habang nasa byahe kami ay nag pasounds muna ako para di boring . Sabay kaming nakanta ni Kim at nag tatawanan kami pag may nag kakamaling lyrics hahaha . Ilang oras din ang byahe namin at narating na namin ang Mansion ng Ninang Mariel .

"Wow mas gumanda ang mansion ng mommy ah" namamanghang sabi ni Kim . "Oo nga iba talaga ang ninang" pag sang ayon ko sa kanya . Napansin kong medyo madami nading sasakyan dito sa harap ng mansion ng ninang . Kaya inantay muna namin ni Kim sila Zay na makapag parking . At ng makababa sila ni Mama ay sabay sabay na kaming nag lakad papasok sa mansion . Bumungad samin ang napaka daming ilaw ng paligid at my balloons na balck and gold. Now I know kaya black and white ang damit ma isuot kasi yun ang babagay sa mga desinyo ngayon . Napansin na agad si Mama ng mga kapatid nya at si Mama naman ay lumapit sa mga ito . "Ate dine muna ako kayla Jian " paalam sa akin ni Kim "ako din sis doon muna ako ka Thea at Shane" sabi ni Zay . Tumango na ako sa kanila at dumiretso sa may pool area at doon ko nakita sina Cindy , kuya Arjel , ate alliah at kuya Arkee . Nakita na agad ako ni Cindy "Miya come here dito tayo" sabi ni Cindy at lumapit naman ako sa kanila . Tinguhan ko lang sila "wow ganda ng dress natin ah " pang aasar ni Kuya Arjel "syempre ako paba haha" sagot ko sa kanya at napansin kong kaming tatlong girls ay puro may slit yung dress hahaha "nag usap usap ata kayo at puro may hiwa ang mga suot nyong dress" puna ni Kuya Arkee kaya nag si tawanan na lang kami . Masaya ang Family Gathering na to kamustahan lang at bonding ng mga mag pipinsan at mag kakapatid . Nag yakag si Cindy na mag Tricia's kami "guys ano na nung isang araw pa akong nagyayakag eh" nag papaawang sabi nya "ay tara na mag papaalam na ako " sabi ni kuya arkee "game na haha " sabi ni kuya Arjel so alangan namang ako pa ang tumanggi no kaya ayun natuloy na kaming mag tricia's .

Tricia's ..

Nakarating na kami dito sa Tricia's at nasa VIP kami syempre itong mga to naman eh aayaw ng masyadong magalgala haha . "Mahilig kadin pala mag bar " sabi ni Kuya Arkee kay Cindy . "hahaha hindi naman eh nayakag lang ako dito once . Kaya niyakag ko din kayo" maarteng sagot nya kay Kuya arkee . "Knowing that Cindy is curious about the taste of alcohol " sabat naman ni Kuya Arjel sa dalawa . Actually ako lang ang tahimik sa kanila . Dumating na yung order namin at mga pulutan . Naka 3 bucket lang kami kasi bawal mag pakalasing pare pareho kaming my mga dalang sasakyan . Nag kwentuhan lang kami at naki sayaw at kamustahan ng mga buhay buhay . Natapos na kaming mag inom . Pag kabayad ng bills namin ay nag punta na kami sa parking at nag paalaman na . Sumakay na ako sa kotse ko at bumusina sa kanila nauna na ako sa kanila. Habang nag mamaneho ay naalala kong baka tatawag si Vergel oh kaya naman eh baka nag text na . Hinanap ko ang cp ko pero diko makita . Kaya nag madali akong mag maneho pauwi baka sakaling nakalimutan ko sa kama yung cp ko ... hindi pwedeng mawala ang phone ko !

________________________________________

.. End of the Chapter ..

The Mr. Right For Her Is Her Ex Where stories live. Discover now