CHAPTER 1

76.7K 1.5K 40
                                    

"Ito ba ang gusto mong mangyari, huh?" Napaatras ako nang bigla nalang niya akong hinawakan sa magkabilang hita. Naramdaman kong pinisil niya ako kaya bigla nalang din akong inatake ng kaba.

"Ano ba!" Inis kong angil sa kaniya, dahil kahit nakapangalan pa sa akin ang last will testament ay wala siyang karapatan na bastusin ako.

"Oh, acting like innocent huh? Stop doing that woman hindi ka na malinis sa paningin ko," kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Marami na siyang sinabing masasakit na salita sa unang araw palang na pagkikita namin. Nagpumiglas kaagad ako nang hinapit niya ako at hinalikan sa mga labi. Nanginig ako ng husto at tinulak siya papalayo sakin.

Napahikbi ako nang bumaba sa leeg ko ang mga labi niya at bigla nalang niya akong pinakawalan. Tinitigan niya ako ng masama at agad na tumayo.

"Stop crying it's just a kiss, as if namang titikman ko ang isang maruming babae na katulad mo,"  napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya, libo-libong kutsilyo ang sumaksak sa dibdib ko nang marinig ko ang mga katagang 'yon.

Nagtama ang mga mata naman at pinisil niya ang baba ko habang nagtatagisan kami ng tingin. Sumusobra na siya sa mga ipinaparatang niya sakin.

"Sumusobra ka na! Bitawan mo ako!" Binitiwan niya rin sa huli ang baba ko at namulsa siya sa harap ko.

"Stop pretending, hindi bagay sa'yo," sabat niya at hindi ko na alam ang gagawin ko upang makumbensi siya na hindi totoo lahat ng ipinaparatang niya sakin.

"Pinlano mo ang lahat ng ito, kaya pasensyahan na kung hindi mo makakaya ang ganti na gagawin ko," malamig na boses na sabi niya. Hindi na ako sumagot pa, maya-maya lang ay dinukot niya ang phone niya at may tinawagan siya.

Narinig ko ang sinabi niya sa kausap niya na pumasok na sila sa room upang ihatid ako sa mansion. At bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang tauhan niya.

"Dalhin niyo siya sa mansion at huwag na huwag ninyong hayaang makatakas 'yan, o kung isa man sa inyo ang magtraidor sa akin alam niyo na ang mangyayari," agad namang tumango ang mga ito sa kaniya at pinatayo nila.

Agad nila akong dinala sa labas at pinapasok sa isang tinted windows na sasakyan. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Natatakot ako sa sinabi niya kanina, gaganti raw siya sakin ngunit mali ang pagkakaintidi niya. Kahit anong pakiusap ko napakinggan niya ako ay nagmamatigas siya.

Ang gusto niya lang paniwalaan ay ang sarili niya, at ang maling pagkakaintidi niya. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit sa akin nakapangalan ang lahat ng mana na nagmula sa ama niya, tapos ako itong pag-iinitan niya?

Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako habang nakayakap sa sarili ko, ito na ang simula sa kaguluhan ng buhay ko at hindi ko alam kung paano ko sosolusyunan lahat ng ito. Ngunit habang umiiyak ako ay may naramdaman akong bagay na pumatong sa balikat ko. Isa itong leather jacket.

"Mukhang nilalamig ka ma'am, gamitin mo na muna 'yan." nag-iwas ako ng tingin dahil nawala ako sa pag-iisip at basta na lamang umiyak at hindi inisip na may kasama pala ako rito.

Napatitig ako sa kamay niya nang inabutan niya ako ng panyo.

"Sige na ho, hindi ko man alam ang pinagdadaanan mo alam kong malalampasan mo rin 'yan."

Buti pa siya naiintindihan ako, ngunit ang amo niya ay napakatigas ng puso. Daing ng isip ko.

"S-Salamat," at inabot ko ang panyo na inalok niya sakin.

Kilala ko lamang ang amo niya sa pangalang Colt Develios ngunit ni minsan hindi ko nakita ang mukha niya kahit sa litrato lamang. Wala akong may nakitang litrato niya na naiwan sa mansion noon kaya hindi ko siya nakilala noong una kong nasilayan ang mukha niya.

DEVIL'S WRATH 2: Colt Develios (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon