Nagising ako nang marinig ko ang pag-iyak ni baby Clay, napatingin ako sa wall clock.. umaga na pala. Kinarga ko siya at pinadede and after that lumabas kaagad ako papuntang kitchen. Ngunit napakunot ang nuo ko nang may nakita akong tao na nakaupo sa sofa ng living room.
Bumalik ako at masama ko siyang tinignan. I stared at him deeply because I know it's him and not Volt!
"Get out! At ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo! Guard, bakit niyo hinayaang makapasok rito?!"
"Hey! Im Volt! He's not here, umalis siya kahapon papuntang Russia" may kaunting kirot akong naramdaman nang sabihin niya 'yon. Wala naman akong pakialam eh, at sana di na siya bumalik pa!
"Anong kailangan mo?!"
"I want to see my niece that's all"
I glared at him and I didn't answer back at basta nalang siya iniwan sa sala. Binigay ko si Clay sa yaya niya dahil kailangan kong maligo.But when I entered my room, sinundan niya ako. My heart pounded as I saw his blue eyes staring at me.
"Umalis kana! Di mo ako maloloko Colt! Ayaw kitang makita, please lang!" Ngunit hinila niya nalang ako bigla at niyakap ng sobrang higpit.
'I cant take this anymore wife... Please, I love you baby, forgive me please."
Sinasabi ko na nga ba! Tinulak ko siya at tinitigan ng masama. Ang kapal ng mukha niyang halikan ako!
"I don't love you Colt! At kahit kailan, di ko magagawang mahalin ang tulad mo! Mahal ko parin si Kelvin, nagkita na kami at itutuloy namin ang kasal namin!"
Nanigas siya sa kinatayuan niya, at bigla nalang nagliyab ang mga mata niya sa galit. Nagtagis ang bagang niya at lumabas na ang tunay na kulay niya. Yes, they were identical twins, pero kilala ko na ngayon kung sino ang isa sa kanila. They were the same devil, but I know, Colt is more than evil than to his twin.
"No! Di ako papayag! No I will kill him if you will marry him Caramel!"
"Do it! At sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!"
Kaagad akong lumabas ng silid ngunit sinundan niya parin ako hanggang sa makarating kami ulit sa kusina."You can't do this to me Cara! Please...huwag naman ganito wife, Caramel," hinawakan niya ako sa braso ngunit tinabig ko siya.
"It's final! Umuwi kana, di ko naman ipagkakait si Clay sayo! Tanggapin mo nalang na si Kelvin ang mahal ko una palang at ikaw itong panira! Umalis kana!"
"Please Caramel, nagmamakaawa ako sa'yo. Gagawin ko ang lahat, huwag kalang bumalik sa kaniya. Please, don't do this, nakikiusap ako"
"Kahit anong pakiusap mo sa'kin, hindi magbabago pa ang isip ko. Sinabi nang ayoko sa'yo Colt! Si Kelvin ang mahal ko!"
Kaagad akong tumalikod at napatitig lamang ako sa baso na nasa ibabaw ng counter. Naiinis parin ako sa tuwing kinakausap niya ako. I hate him so much! Ngunit habang nakatalikod ako, parang pinagpira-piraso naman ang puso ko. Nasasaktan parin ako, kaya alam ko sa sarili ko, na hindi ko pa siya kayang patawarin.
Matagal na akong nakatayo at nakatalikod mula sa kaniya at hinintay ko ang pag-alis niya, ngunit wala akong may narinig na anuman. Napaigtad nalang ako nang marinig ko ang malakas na pagsuntok niya sa mesa na hindi kalayuan sakin.
"Okay, if this is what you want then I will set you free... " narinig ko ang pagtawa niya ngunit napaigtad ako nang marinig ko ang malakas na kalabog, sinuntok niya pala ang table.
"If you will marry him, mas mabuti pang mamatay nalang ako!"
Agad akong napalingon nang makita ko siyang naglakad at binunot yung kutsilyo.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mabilis na pangyayaring hindi ko akalain na masasaksihan ko ngayong araw. Napatakip ako sa bibig ko nang bigla nalang niya sinaksak yung sarili niya gamit yung kutsilyo.

BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 2: Colt Develios (COMPLETED)
RomanceWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Caramel inherits a fortune from the late billionaire Don Conrad, but with a condition: she must marry the domineering Colt Develios and live with him. When Colt accuses her of manipulating the w...