WARNING: 🔞
(This chapter contains explicit sexual content, coarse language, and potentially provocative scenes. Reader discretion is advised.)
Di ako mapakali at palakad-lakad ako sa office ni Hiro hanggang sa pumasok siya.
"Hey, where is he? Nasabi mo na ba?" napailing ako sa kaniya.
"I can't, you know I can't! I-Im scared Hiro. They were business partner at magkikita sila ngayon." natatakot na sabi ko, oras na sabihin niya kay Kelvin ang lahat tapos na ang lahat sa amin.
Naiiyak ako at sobrang kinakabahan, hinimas niya ang likod ko para kumalma ako ngunit hindi ko magawa.
"Chai, magpakatatag ka, why don't you talk to that guy? Sabihin mo, na ayaw mo sa kaniya then magfile ka ng annulment, done!"
It's not that easy just like what he's thinking! Para na akong mababaliw sa sitwasyon ko.
"No Hiro! I don't know why Papa Con did this to me! Di kami pwedeng mag annul dahil 'yon ang nakasulat sa last will testament, mawawala lahat ng ari-arian niya at mapupunta sa mga foundations." napairap siya dahil sa sinabi ko.
"Then leave it! Di mo naman pagmamay-ari 'yon hayaan mo na! Nakakaloka!" napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
"Tumakas lang ako doon sa mansion, at natatakot ako baka—"
"No stop that! Let's make a plan para matapos na ang kahibangang 'yan," then he paused for awhile at tinitigan ako nga mariin.
"Wait, would you tell me kung sino ang mas handsome and hot? Siya o si Kelvin?" inirapan ko siya dahil sa sinabi niya sakin.
"Of course Kelvin!" I answered.
"You're lying baby Cara. Why you can't look at me?"
"Drop it! I don't care if that devil is the most handsome and hot in this world. He's still a devil, And I hate him!" napatango-tango siya at napangisi.
"So you're saying that? He's more handsome than Kelvin?" padabog akong umupo sa couch. Hindi 'yan ang issue dito, Kung alam niya lang kung gaano kademonyo ang lalaking iyon.
"Oo na at wala akong pakialam! Sobrang gago niya alam mo ba 'yon? Pinadalhan niya ako ng box na may lamang baril sa loob dahil kapag hindi ako pumayag na magpakasal sa kaniya papatayin niya raw si Kelvin. So please Hiro stop joking around..."
"Oh my God? He did? Oh, sorry Cara ba't ngayon mo lang sinabi 'yan? Gago pala siya eh! Kung gusto niya ako nalang magpakasal sa kaniya bwisit siya! Come on, let's build a plan, God Cara I felt scared with him too, is he a psychopath?"
Di lang psychopath ang gagong 'yon! Ewan ko kung anong klaseng hayop siya.
"So here's the plan, sabihin mo kay Kelvin na gusto mong ilipat ang wedding place niyo. I know it's already settled but try to ask a favor na kunwari gusto mo sa Negros Island. I have a small property there in Sipalay pwede kayo doon in fact malayo na 'yon dito."
Sabi niya at hindi ko magets ang plano niya, eh paano nga ako makaalis? Baka papatayin niya ako, at natatakot ako dahil baka mainvolve pa si Kelvin rito.
"How Hiro? Ni hindi ako makalabas ng maayos dahil baka bigla nalang siya susulpot, he's really mad at me at natatakot ako dahil baka pati si Kelvin ay pakialaman niya."
"You know what Caramel? Yes, you're a doctor but you have no brain naiinis na ako sa'yo Chai! Listen to me, kailangan mong makaalis sa lugar na ito, and ang car na gagamitin mo ay maaaksidente at mahuhulog ka sa bangin." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 2: Colt Develios (COMPLETED)
RomantikWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Caramel inherits a fortune from the late billionaire Don Conrad, but with a condition: she must marry the domineering Colt Develios and live with him. When Colt accuses her of manipulating the w...