Ken POV
"Ken? Ken? Gising!
"Ken? Wake up!Naalimpungatan ako sa boses ni Zedd, agad ko siyang hinila at niyakap ng mahigpit. Akala ko totoo na ang lahat, tiningnan at niyakap ko siya ulit. Iwan ko kung ano ang magagawa ko kapag nangyari yun.
"What's wrong? Parang nanaginip ka ata? Takang tanong niya.
Tumayo ako at niyakap ko siya ulit. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha, kahit maliliit lang ito pero bakit parang napakabigat nila.
"Ken, Hindi kita maintindihan(sabay upo) ano ba ang nangyari? Ginising kita dahil sinisigaw mo ang pangalan ko, tumutulo ang mga luha mo. Meron bang problema? Sinserong sabi niya.
"Nanaginip ako, nakita kita sa panaginip ko, naaksidenti ka at ganon rin ako. Natatakot akong mangyari yun, natatakot akong mawala ka saking tabi Zedd" paliwanag ko sa kaniya.
Nanginginig ako, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ng nararamdaman ko. Natatakot lang siguro ako na mawala ang isang taong mahal na mahal ko.
"It was just a dream and it would never happen. Wag kang matakot Ken. Hindi naman ako mawawala sa tabi mo eh, kahit anong mangyari. I'll stay" napakasarap pakinggan.
Napayakap ulit ako sa kaniya, nang hindi ko namalayan na marami pala ang nakatingin samin, at sa nakakapangilabot ay nakatingin rin si mama samin. Kaya bigla akong kumuwala mula sa pagkayakap.
"Ma, si Zedd pala. Classmate ko"pagpakilala ko.
Sa ngayun hindi ko pa masabi kay mama ang relasyon namin dahil baka magalit siya at makadagdag pako sa problema na dinadala namin ngayun. First time kong makarelasyon nang ganito kaya hindi pako sanay. Ughh!
"Hi tita, magandang hapon po" bati ni Zedd sa kaniya
"Ikaw yung anak ni Bethel, diba nakapunta kana sa bahay? Tanong ni mama. Nagkatinginan kaming dalawa at don ko lang naalala na nakapunta na pala siya sa bahay
Ngumiti lang si Zedd kay mama. Alam niyu naman na parang may halaga yung bawat letra ni Zedd na sasabihin. Haysss.
"Okay anak. Sabi ng doktor okay naman daw yung papa mo. Bukas na bukas pwedi na siyang maka-uwi sa bahay. Pero sa ngayun dito muna ako babantayan ko ang papa mo, so hindi ako makakauwi ngayun"sabi ni mama.
"Okas ma, walang problema basta kung may kailangan kayo tawagan nyu lang po ako",sabi ko.
"Sige maiwan kona kayo dito",paalam ni mama sabay pasok sa kwarto ni papa.
"Zedd, I'm sorry pero hindi pako ready na ipakilala kita kay ma----
"It's okay Ken. May sasabihin sana ako sayo eh. Kung pwedi sana secreto lang natin tong dalawa. Hindi ko rin kayang sabihin kay mama ang tungkol dito. Pwedi naman nating ipaalam sa mga kaibigan mo, pasensya na talaga Ken" sabi niya sa malumanay na boses
"Ano kaba Zedd, syempre kailangan kong alagaan ang relasyon natin, alam kong maiindihan rin nila ito pero sasabihin natin sa tamang panahon" sabi ko sabay ngiti.
"Pasyal muna tayo? 5 o'clock palang naman eh. So meron pa tayong oras na natitira" sabi niya sakin.
"Aysstt. Pasensya na talaga Zedd, dapat ngayun yung first date nating dalawa. Hayss nakakahiya naman sayo", guilty kong sabi.
"Ano kaba, para kang bata. Of course mas kailangan ka ng mga magulang mo" sabi niya.
"So? Let's go? Let's enjoy the remaining time" sabi ko.
Tumangotango lang siya at lumabas kami nang hospital. Nagaalinlangan ako kung aling kotse ang gagamitin namin.
"Sayo na lang ako sasakay Zedd? Iiwan kona lang yung kotse ko dito total nandito naman sila mama eh, pwedi ba? Sabi ko.
