Last muma for this week
Zedd POV
Hindi ko lubos maisip kung ano ang mangyayari sakin, at samin ni Ken. I loved him very much, kaya natatakot din ako, natatako akong mawala ako sa tabi niya dahil sa karamdaman ko.
Naka upo ako sa bench habang pinapanood ang ulap, napakagandang tingnan, yung atmosphere ngayun ay napaka kalma, maginaw ang ihip ng hangin na kahit sumisikat ang araw, hindi ko nararamdaman ang init nito. Maya-maya pa ay naging maitim ang ulap, na kahit ang sikat nang araw ay tinatakpan na.
Bakit ganiyan? Kanina magandang tingnan, ngayun nilikom na nang kalungkutan. Huminga ako nang malalim, Pumasok sa isipan ko ang masasayang araw namin ni Ken, yung walang problema, yung mga ngiti lang ang nakikita ko sa mga labi namin. Time went so fast, parang kailan lang kami naging masaya, ngayun ay umiba na, katulad ng pag ihip ng hangin na walang direction.
Naputol na lang ang pag iisip ko nang may isang lalaking tumabi sakin sabay tingin sa ibabaw ng langit. Si Clyde pala.
"Remember the old days I mean, yung tayo pang dalawa, yung masasayang araw natin together. I really missed it" sabi niya na parang naiiyak.
"Hindi ko nga rin alam kung bakit pa tayo humantong sa ganito. Akala mo ba hindi kita namimiss? Clyde kung alam mo lang, hindi ako makakain dahil sa araw na wala ka sa tabi ko, yung araw na kailangan ko ng sandigan, yung mga araw na kailangan kita pero wala ka" sumbat ko, halos bumalik lahat ang masasakit na nangyari sakin non.
"You already knew the truth Zedd, akala mo ba ikaw lang? Hindi mo alam na halos ikamatay kona yung araw na iniwan kita pero dahil mahal kita ginawa ko yun. I really never meant to hurt you" sabi niya sabay tingin sakin.
"Naiintindihan ko, hindi ko lang kasi matanggap non eh, pero nong dumating sa buhay ko si Ken, everything has changed na kahit minsan hindi kami nag kakaintindihan non pero pinakita niya sakin kung gaano niya ko kamahal. Katulad nong ginagawa mo sakin non" sabi ko sabay ngiti habang naalala ko si Ken.
"Napaka tanga ko non kung bakit hindi kita pinaglaban sa mga magulang natin, ako dapat ang sisihin dito, hindi sila dahil nagpadala ako sakin takot" sabi niya.
"There's no one to blame Clyde. Pareho tayong biktima dito" sagot ko.
"Baka hanggang ngayun tayo parin" sabi niya.
"Clyde, meron lang sana akong hihilingin sayo, kung sakaling makalimot ako, sana tulungan moko, sana tulungan mo si Ken. Alam kong nasasaktan ka dito sinasabi ko sayo ngayun Clyde, na sana maintindihan mo rin si Ken dahil mahal ko siya, sana mapagkakatiwalaan kita sa ganitong bagay Clyde" sabi ko, hindi ko talaga mapigilan ang aking mga luha.
"Mahal kita kaya gagawin ko yun, pero wag mo sanang hayaan na mahalin kita kahit may mahal kanang iba", sagot niya.
Napalingon ako sa kaniya, nakikita ako ang sinserong mga mata niya na nakatingin sakin, ang luha niyang tumutulo dahil sakin. Ano ba to? Nalilito nako. Hayssss
"Mahal kita Zedd kahit nandiyan na si Ken sa puso mo, mahal kita mula noon hanggang ngayun" dagdag niya.
"Stop saying those words, masasaktan kalang Clyde" sabi ko.
"Kahit kunti lang Zedd, mahalin mo naman ako" sabi niya.Napayuko ako, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.
Tumayo ako upang aalis na sana nang hilahin niya ko at hinagkan ng halik, ang halik niya non ay ganon parin ngayun.
Bigla ko siyang tinulak, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumatakbo ako ng walang direction. Bigla akong napadpad sa lugar kung saan kami unang nag usap ni Ken. Hingal na hingal ako ngunit tumutulo parin ang luha ko.