Sensya na wala sa isip ko mag update hehez
------
Zedd POVNasa bahay, specifically nasa kwarto. Nakahiga ako habang iniisip ang darating na competition, iniisip ko rin kung mananalo ba ko o hindi. Well maganda naman ang records ko kanina sa swimming, ganon parin hindi nahuhuli.
Naisipan kong meron pala akong mga documents na gagawin, and need it tomorrow. Humikab ako ng tatlong beses, parang pipikit yung mga mata ko dahil sa pagod.
Tumayo ako at tumungo sa study table, pero hindi ko nakita ang aking laptop, tiningnan ko da drawer wala rin, wala rin sa kama.
Napakalmot ako saking ulo. Nasan na ba yun? Halos naikot kona ang boung kwarto hindi ko parin mahanap. Umupo ako at inisip ko saan ko nilagay.
Naalala ko na dinala ko pala sa school, at nilagay sa locker, kaya pala nagtataka ako kanina habang bumabyahi dahil may naiwan pala ako. Tumingin ako sa oras it's already 8 pm. Hayss. Kailangan ko talagang kunin yun dahil kailangan masubmit kona bukas. Bakit pa kasi nakalimutan ko eh.
Kinuha ko ang sussi at dahan-dahang lumabas, nasa sala sila mama kaya makikita nila ako. Hindi ako nagbihis naka short atvt shirt lang ako.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Ma, magpapaalam sana ako. May kailangan lang akong bilhin sa labas",sabi ko.
"Ano naman ang bibilhin mo? Takang tanong niya.
"Basta ma, babalik ako kaagad"pagsisinungaling ko.
"Magpasama kana sa driver natin, baka ano pa ang mangyari sayo, gabe na anak",sabi niya. Naiintindihan ko si mama.
"Hindi na ma, kaya kona to babalik naman ako eh. Don't worry mag iingat ako",sabi ko.
"Sige, mag-ingat ka wag masyadong mabilis ang pagtakbo okay? Bilin niya.
Hindi ako sumagot, nginitian ko lang siya. Lumabas kaagad ako at sumakay sa kotse. Hinanap ko muna baka naiwan ko lang dito, pero wala. Nakakabadtrip naman oh. Agad kung pinatakbo ang kotse.
After 10 mins, nasa harap nako ng university, bumaba ako at tiningnan ko ang gate, tiningnan ko hindi naka lock kaya nagtaka ako bakit hindi ni lock ang gate.
Hindi kona iniisip yun, tumakbo ako, nasa hallway nako patay lahat ng ilaw, kinuha ko ang phone para sa flashlight, habang lumalakad ako meron akong naririnig na ibat-ibang sounds dagdagan pa nang malamig na hangin, tumindig tuloy ang mga balahibo ko.
Oo nakaramdam nako ng takot, sa laki ng university, wala tao at patay yung mga ilaw. Huminga ako ng malalim. Nang marating kona ang locker agad kong binuksan to at kinuha ang bag ko.
"Wag kang mag isip ng kung ano Zedd, they aren't real, okay? Bulong ko.
Bumaba nako, tiningnan ko muna ang aking bag kung nasa loob ang laptop at mga papers, habang tinitingnan ko yun patuloy ako sa paglalakad.
"Psssssst! Rinig ko.
Lumingon ako, inilawan ko kung saan nanggagaling ang boses pero walang tao. Inayos ko kaagad ang bag ko at dali-dali akong humakbang. Parang sisigaw at tatakbo nako pero pinipigilan ko ang aking sarili.
"Psssssssttt! Nilingon ko ulit, umaatras ako.
"Sino yan? Tanong ko.
Pero walang sumasagot, this is the time para tumakbo ako, siguro totoo nga ang mga multo.
Tumakbo ako habang nakatingin sa likuran.
(Blllllaaaaggg) nang meron akong nabanggang tao, napa-upo ako sa sahig at ganon din siya. Alam kung nagbanggan ang ulo naming dalawa.