Prologue

2.6K 23 1
                                    


THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!

"Hephaestus, honey! Where are you going?" Malanding tanong ng babaeng naka one night stand ni Hephaestus.

Imbes na sumagot, tumayo siya at inayos ang sarili para makaalis na siya sa hotel na kanyang kinuha kagabi. Tinignan niya ang babaeng nakatingin lang sakanya at pilit siyang pinipigilang umalis. Kumunot ang noo niya nang hindi niya mahanap ang kanyang sinturon kaya hinanap niya ito sa ibaba ng kama.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Malanding sabi ng babae sakanya kaya tinignan niya ito ng masama.

"Give me back my belt" mahinahon niyang sabi sa babae

"Uh-ah! Enter me again" ngingisi ngisi namang sagot nito sakanya.

"Excuse me but, do I have to remind you that what happened between us last night is only one night stand?" Nagsisimula na siyang mainis

"Alam ko naman na gusto mo ako, Hephaestus ang tagal ko nang hinihintay ang pangyayaring ito" nang-aakit na sabi sakanya ng babae.

"Hindi ko tinatanong. Ibalik mo saakin ang sinturon ko, o isasakal ko 'yan sa'yo?" Pananakot niya sa kausap niyang babae kaya ibinigay na nito ang sinturon niya.

Pagkatapos niyang maisuot ito ay nag sapatos na siya at mabilis na lumabas ng silid. Sumigaw pa ang babae kaya lalong nangunot ang noo niya.

"My name is Keesha! Call me when you want to have sex with me!" Sigaw ng babae kaya mas lalo siyang nag madaling lisanin ang hotel na iyon.

Bakit ba ang daming may gusto saakin?

Pag-uwi niya sakanyang tahanan, naligo siya at kumain dahil gutom na gutom na ito. Tinitignan lang siya ng kanyang mga katulong habang naka topless siyang kumakain. Tumingin naman ito sa gawi nila at tinawag ang pinaka batang katulong nito.

"Amber!" Sigaw niya kaya mabilis na lumapit ang kanyang kasambahay

"Yes sir?" Tugon ng babae

"Kumain ka na ba?" Tanong niya

"O-Opo sir" sagot nito

"Anong inulam mo?" Tanong niya ulit

"Katawan niyo po" wala sa sariling sagot ng kanyang katulong

"Ano?" Gulat niyang tanong

"W-Wala po" nahihiyang sabi ni Amber kaya umiling siya.

"Ipapalipat ko kayo sa mansion nila mommy. Hindi ko na kailangan ng katulong dito" nakasimangot na sabi ni Hephaestus at iniwan ang kanyang katulong na tulala parin hanggang ngayon.

"Fuck head" pamungad ni Hermes nang tawagan niya ito

"Where are the boys?" Tanong niya

"Malay ko" walang kwentang sagot ni Hermes

"Wala kang kwenta" sabi niya at pinatay ang tawag.

Walang gana niyang pinanonood ang palabas ngayon sakanyang tv. Wala na bang bago? Nakakasawa kasi paulit ulit nalang! Bagot na bagot si Hephaestus at naisip na umorder sana ng pagkain nang bigla siyang tawagan ni Demon.

"What?" Tanong niya

"Bar. Tonight. Hurry" sagot ni Demon

"On my way" sabi niya at papatayin na sana ang tawag nang makitang naunahan na siya ng kanyang kaibigan.

Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now