Chapter 25

524 12 2
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO, KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!


5 more chapters to go...










Huminga ng malalim si Hestia nang makita niya ang naka talikod na lalaki habang may kausap sa telepono. Kabado siyang lumapit dito, ay inaasahan na niyang pag susungitan lamang siya nito gaya ng dati. Nang makaramdam ang lalaki na mayroong tao sa likuran niya, kaagad itong humarap at as expected, sumimangot ito na parang wala ng bukas.




"Demon..." Halos pabulong na niyang sabi nang makita ang mukha ni Demon.





"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Demon sakanya dahil narito sila ngayon sa Airport nito.



"Gusto ko sanang makausap si Hephaestus---"




"Hephaestus owns hundreds of malls, while I own airports. May nakikita ka bang mall sa Airport ko para dito mo siya hanapin?" Masungit na tanong ni Demon.



Tanggap niya kung paano ang trato ng lalaki sakanya, dahil alam nito na alam niya na ang nangyari sa pagitan nila ni Hephaestus. Hindi niya masisi ang binata dahil alam niyang ayaw lang ni Demon na sinasaktan ang kaniyang mga kaibigan. Kahit siya, ay ayaw din iyong mangyari sa mga kaibigan niya.



"Hindi naman si Hephaestus ang pinunta ko rito, ikaw---"




"Kung ako ang pinunta mo rito, bakit ang sinabi mo kanina ay gusto mong makausap si Hephaestus?" Tanong muli ni Demon.





"Damn! Hindi bulol si Demon kapag galit!" Dinig niyang sigaw ng lalaki na kausap ni Demon sa telepono kanina. Hindi niya pa pala pinatay ang tawag.





"Shut it, Hermes. Wala akong panahon para makipag biruan sa bobong gaya mo." Inis na sabi ni Demon, at pinatay na ang tawag, saka muling tumingin kay Hestia. "Follow me" seryoso nitong sabi ang nag simulang nag lakad palayo, kaya mabilis na sumunod si Hestia.





Nang marating na nila ang opisina ni Demon, ay pinanood niya lang ang lalaki na pabagsak na umupo sakanyang swivel chair. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin, kaya pinili niya nalang na tumahimik at hintayin na si Demon ang mag salita. His presence is so intimidating. Athena pero lalaking version na medyo pinalambot.




"Tatayo ka nalang ba riyan, Hestia?" Gulat naman siyang tumingin kay Demon, na naka ngisi sakanya. "Wala akong gagawin na masama sa'yo. First of all, may taste ako. In short, hindi kita type." Suplado pa nitong sabi kaya napataas din siya ng kilay.




"What did you just say?" Tanong niya kay Demon.





"I have no time repeating my words, Hestia." Sagot naman ni Demon. "Lalo na sa taong walang ibang ginawa kung hindi saktan ang kaibigan ko." Dagdag pa nito.



Parang nanlamig ang buong katawan ni Hestia nang sabihin ni Demon sakanya iyon. Pinipilit niya na kumalma, dahil tama si Demon. Tama ang sinasabi nito sakanya. Wala siyang karapatan na magalit dahil totoong sinasaktan niya si Hephaestus.



"Ano? Kung tatayo ka lang at hindi mag sasalita, umalis ka na." Pag tataboy ni Demon sakanya, kaya mabilis siyang umupo sa harapan nito.




Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now