THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.
KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO, KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
6 more chapters to go...
It's been three months since the last time Hestia saw Hephaestus. Aminado siyang namimiss niya ito. Ang araw-araw na mga bulaklak niya, pag dalaw nito sakanya, at lalong lalo na ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit niya pa ito nararamdaman. This is what she's been praying for, tama? Bakit siya nasasaktan? Bakit niya hina-hanap ang lalaki.
Takot siya sa palaisipan na baka lokohin lang siya ng lalaki, kaya hindi na niya ito muling hinayaan na lokohin pa siya. Kaagad niyang sinara ang pinto ng kanyang puso dahil ayaw na niyang masaktan pa. Hindi siya mahal ni Hephaestus, ni hindi nga nito masabi sa kaniya. Wala siyang kahit na anong kasiguraduhan kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila, bukod sa label nila noong may relasyon pa sila. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nag-mamahal, o kung pareho ba sila ng nararamdaman.
"Ma'am may delivery po kayo---"
"Kanino galing?" Bigla niyang pag putol sa sasabihin ng sekretarya niyang si Dalja.
"Galing po sa wonder cosmetics, ma'am. Appreciation package raw po." Sagot naman nito sa tanong niya.
"Sige, iwan mo nalang dito." Bakas ang pagka dismaya sakanyang boses, habang itinuturo niya kay Dalja ang table niya.
'why am I even expecting him to come?'
Nang hindi parin niya maramdaman na maayos na siya, ay kaagad siyang tumayo at lumabas mula sakanyang opisina. She made herself busy, to forget everything temporarily. Everything still haunts her, and hurt her at the same time. Nilapitan niya ang isa sa mga gowns na work in progress pa ngayon, at siyang pinag-tuunan niya ng pansin. Hindi biro ang halaga ng bawat beads na mayroon ang gown na ito. Ang mga costumer mismo nila ang nag request, at gumastos para sa mga ito.
"I've been calling your name multiple times and yet, you're still looking at that thing. Ganiyan ka na ba kamanhid, Hestia?" Biglang tumaas ang balahibo sa katawan ni Hestia, nang marinig ang baritonong boses na iyon.
Hindi man siya lumingon, ay alam niya kung kaninong pabango ang na a-amoy niya ngayon. Alam niya kung kaninong boses iyon, at kilala niya kung sino ang lalaking nakatayo sa likuran niya ngayon.
Dahan-dahan siyang lumingon dito, at doon niya nakita ang maskulado at gwapong si Hephaestus Carl Phoenix."B-Bakit ka nand-dito?" Kabadong tanong nito sa lalaki.
"Well, I just came here to say hi." Walang emosyon na sabi ni Hephaestus, at lumabas na mula sa shop ni Hestia.
Tulala lang niyang tinitigan ang pintuan kung saan lumabas ang binata. Hindi niya alam kung anong kaba ang kanyang naramdaman nang mag tama ang mga mata nila kanina. Kitang-kita niya ang pag-babago ng emosyon ni Hephaestus. At nalulungkot siyang isipin na siya ang dahilan kung bakit ito nag bago.
Ilang araw ang lumipas, hinihintay niya ang muling pag punta ni Hephaestus sa shop niya. Ayaw niyang aminin ngunit, alam niya sa sarili niyang hinahanap niya ang presensiya ng lalaki. No chats, no texts, no calls, as in no communication at all. Bagot na bagot siya sa kahihintay na may lalaking mangulit sakanya, at asarin siya ng asarin. Bigla siyang napa-ayos ng upo nang marinig niyang tumunong ang doorknob ng kanyang opisina.
YOU ARE READING
Redirecting Arrows (Chicos Malos Series #2)
RomanceWARNING: SPG | R-18| CONTAINS MATURE CONTENT "Ang saakin lang naman, ano bang kulang saakin para gaguhin mo pa ako?"