THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
Kasalukuyang namimili si Hestia ngayon sa isang mall, dahil nahihiya na siya kay Athena. Hindi siya pumunta sa mall ni Hephaestus, dahil natatakot siyang baka makita siya nito. Apat na buwan na ang nakalipas, mula nang umuwi siya sa Pilipinas. At sa loob ng apat na buwan, ay hindi pa niya muling nakikita ang lalaki.
"Good Morning, Ma'am! We are Happy to serve!" Masayang sabi ng mga staffs na nakangiting pumalakpak sa harapan niya.
"Parang tanga naman mga 'to" bulong niya sa sarili.
"Hello, Ma'am! Take care, because SM care!" Sabi ng isang babae sakanya, habang nag lalakad-lakad siya sa dairy products station. Bigla niyang naalala si Hephaestus, kaya imbes na matuwa siya ay sinimangutan niya lang ang babae.
Nagulat siya nang may mga grupo ng kalalakihan, at kababaihan ang lumapit sakanya habang pumapalakpak, at nakangiting tinitignan siya. Tumaas ang mga kilay niya, dahil sa labis na pagtataka. Naka drugs ba sila?
"Come on in, look at what we've got" panimula ng mga babaeng kumakanta.
"There's so much more, in just one stop." Sunod naman na pag kanta ng mga lalaki.
"Here at SM, we've got it all!" Sabay-sabay nilang pag-kanta.
Naguguluhan siya sa mga ito, at hindi niya alam kung nananadya ba sila. Ang gusto niya lang naman ay mamili, at hindi ang maalala si Hephaestus, na ex boyfriend niya. Kunot noo niyang pinanood ang mga ito, habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sakanyang dibdib dahil sa gulat, at kaba.
"We've got it all!" Birit ng isang babae "Lots of excitement, fashion and fun." Pag sabay naman ng iba.
"We've got it all!" Muling birit ng babae. "A shopping experience for everyone!" Pag kanta ng iba.
"Here at SM..."
Oh no, please, tumigil na kayo...
"It's all at SM..."
Tangina, ano bang kasalanan ko sainyo?...
"Here at SM, we've got it all for you!" Masayang pag tatapos nila, kaya naman biglang sumabog na parang bulkan si Hestia
"PUTANGINAAAAAAAAAA" sigaw niya, at galit na tumingin sa mga staffs "GUSTO KO LANG NAMAN BUMILI NG GROCERIES, BAKIT NINYO AKO KINANTAHAN!?" Galit na sigaw niya sa mga ito
"Pasensya na p---"
"PINAALALA NIYO LANG ANG EX KO! FAVORITE SONG NIYA 'YAN E!" Sigaw niya "UUWI NA AKO! SALAMAT!" Dagdag niya pa, at padabog na iniwan ang mga tao roon.
Tangina kasi, bakit kailangan pang ako ang kantahan...
"Welcome to Tongue in a Mall!" Parang bata na sabi ni Hephaestus, habang pilit na hinihikayat ang mga tao na muling pumasok sa mall niya.

YOU ARE READING
Redirecting Arrows (Chicos Malos Series #2)
RomanceWARNING: SPG | R-18| CONTAINS MATURE CONTENT "Ang saakin lang naman, ano bang kulang saakin para gaguhin mo pa ako?"