Chapter 3

1.2K 25 1
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!





Hephaestus: Hey baby

Halos maloka siya nang mabasa niya ang message ni Hephaestus matapos niyang I-accept ang hindi sinasadyang friend request ni Hestia. Sineen niya nalang ito at mas piniling hindi ito sagutin dahil baka kumulo na naman ang dugo niya kapag kinausap niya pa ang lalaki. Binuksan nalang niya ang kanyang laptop at binalak na tawagan ang kanyang mga kaibigan pero muling nag chat si Hephaestus.

Hephaestus: Are you busy?

Hephaestus: Hey

Pina-ikot niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim bago mag-type sakanyang keyboard. Naiinis siyang nag type at may halo iyong gigil dahil sa sobrang kapal ng mukha ni Hephaestus para kulitin siya. Wala talaga siyang ganang mag reply sa lalaki dahil paniguradong aawayin siya ng girlfriend nito kapag nalaman niyang kinakausap niya ito pero ang sabi nga ni Athena at Iris, 'who cares?'

Hestia: Ano?

Ngumisi si Hephaestus nang mag reply ang dalaga. Interesado talaga ito sa dalaga dahil iyon ang unang beses na sigawan siya ng isang babae at hindi manlambot dahil sa kagwapuhang taglay niya. Inip na inip siya habang hinihintay kanina ang sagot nito ngunit nabawi ang kanyang pagka-bagot nang mag pop-up ang pangalan niya sa notification panel nito.

Hephaestus: What are you doing?


Tanong niya kaya natangahan siya sakanyang sarili. Seriously, Hephaestus!? What are you doing!? Gusto niyang iremove ang kanyang reply kaso lang ay nakita na ito ng babae kaya wala na siyang nagawa kundi hintayin ang sagot nito.

Hestia: Iniisip ko kung paano kita papatayin, bakit?

Hephaestus: Papatayin? O bibihagin?


Hestia: Ang kapal talaga ng mukha mo!


Hephaestus: Sa gwapo kong 'to, bakit hindi?

Hestia: Sino naman ang nag sabing gwapo ka?

Hephaestus: The whole wide world

Hestia: Makapal nga


Hephaestus: Bakit ka nag send ng friend request saakin?

Natigilan si Hestia nang mabasa ang tanong ni Hephaestus. Hindi niya alam kung anong isasagot niya sa lalaki. Nag pasya siya na hindi nalang niya ito sasagutin kaya pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pinaniwalang hindi naman mahalaga ang tanong ng lalaki sakanya. Umayos siya ng upo sakanyang kama at huminga ng malalim.

"Hestia, calm down" bulong niya sa sarili kaya halos mapatalon na siya sa gulat nang tumunog muli ang kanyang telepono


Hephaestus Carl Phoenix is calling...


Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ito kaya dinecline niya ito pero hindi parin tumitigil ang binata. Isang daang beses siya nitong paulit-ulit na tinatawagan at wala siyang balak na sagutin ito. Tinawagan niya nalang sa halip si Athena na kaagad naman siyang sinagot.

Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now