Chapter 5

1.1K 28 1
                                    


THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!

Hawak ni Hestia ang kanyang ulo nang magising siya dahil sa mabangong amoy ng pagkain. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagulat nang mapansing wala siya sakanyang silid. Hinintay niya munang mapawi ang hilo na kanyang nararamdaman bago siya tumayo para tignan kung nasaan siya pero hindi na niya ito kailangangan pang gawin.

Papasok si Hephaestus sa kwarto na kinalalagyan ni Hestia habang dala niya ang pagkain na niluto niya para sa dalaga. Hindi pa kasi nag tanghalian si Hestia dahil ang haba haba ng tulog nito. Hindi niya naman kasi alam na ganoon pala katagal ang epekto ng nilagay niyang pampatulog kanina. Pag pasok niya sa silid ay nakita niya ang babaeng masama ang tingin sakanya kaya gulat niyang tinignan ito ang dahan-dahang lumunok. Three... two... one...

"PUTANGINA MO, HEPHAESTUS SAAN MO NA NAMAN AKO DINALA!?" sigaw ni Hestia sakanya kaya inilapag niya ang hawak niyang tray sa isang lamesita para pakalmahin siya.

"Calm down!" Sigaw niya rin sa babae

"Paano ako kakalma, sumisigaw ka rin!?" Tanong naman ni Hestia kaya pareho silang natawa pero agad din namang nawala nang maging seryoso ulit ang mukha ni Hestia "Nasaan ako!?" Sigaw ulit ni Hestia

"Nasa france tayo!" Sigaw ni Hephaestus

"O, tignan mo, ang taas taas mo nanaman!" Saway ni Hestia sakanya

"Nasa France tayo..." kalmado na pag-uulit niya sa sinabi niya kanina

"Ha!? Anong ginagawa ko sa france!?" Tanong ni Hestia

"Bakit ba ikaw sigaw ka ng sigaw? Tapos kapag ako, bawal!?" Tanong niya rin sa babae

"Kasi ako ang kinidnap at hindi ikaw!" Sagot naman ni Hestia "ANONG GINAGAWA KO RITO!?" At mas lalong lumakas ang sigaw ng dalaga

"Mag dedate tayo!" Sagot ni Hephaestus kaya natigilan si Hestia

"Date?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hestia "Kinidnap mo ako tapos date!?" Sigaw niya pa

"Oo, wala akong nakikitang masama ro'n" sagot ni Hephaestus

"Is that how you ask a woman to go on a date with you!?" Tanong ni Hestia

"No, I don't ask woman" sagot ni Hephaestus

"Hanep! Gwapo!" Singhal ni Hestia

"Indeed" sagot naman ni Hephaestus

"Iuwi mo na ako, ayaw kitang makasama" biglang sabi ng dalaga

"What!? No! Kumain kana, pupunta tayo sa mall ko" sabi ni Hephaestus at iniwan na si Hestia sa silid niya.

Hindi makapaniwala na tinitignan ni Hestia ang pagkain na dala ni Hephaestus kanina. Ano na naman bang trip niya!? Lumapit siya sa lamesita at kinuha ang tray na may lamang pagkain tsaka siya tumungo sa kama at kumain. Sarap na sarap siya sa pagkain na dala ni Hephaestus. Gusto niyang itanong kung siya ba ang nag luto nito pero ayaw niyang ituloy dahil baka lumaki lalo ang ulo ni Hephaestus.

"Hoy, panget!" Pag tawag niya kay Hephaestus na kasalukuyang nanonood ng tv sa sala

"Ang ganda ganda mo naman yata?" Masungit na sagot ni Hephaestus sakanya

Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now