THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.
KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
PAGOD pero nakangiti na tinignan ni Hestia ang gown na katatapos lang nilang gawin ngayon. Ito ang isa sakanilang biggest project para sa linggong ito dahil naglalaro ang halaga nito sa dalawang milyon. Tinignan niya ang biggest project nila na isang magarbong wedding gown. Nag tataglay ito ng mamahaling tela na nagiging black kapag nasa liwanag, nagiging gray kapag nag lalakad ang bride, at white sa dilim. Ito ay nagkakahalagang sampung milyon at hindi niya alam kung sino ang bumili dahil inabot sakanya ang isang tseke at kukunin nalang daw kapag tapos na.
Kasama niyang bumuo rito ang lima niyang pinaka magaling na designers. Mabusisi nila itong ginawa at halos hindi na sila mag pahinga dahil gusto nila ay mabusisi ang pagkaka-gawa nito para wala silang masabing sayang sa ibinayad ng kung sino man ang may-ari ng gown na ito. Tinignan niya ang kanyang wrist watch at nagulat nang mapansing lunch time na pala.
"Hey, mamaya na 'yan! Kain na muna tayo!" Masaya niyang sabi sakanyang mga kasamahan
"Ay Ma'am, may lunch po kami kasama ng pamilya ko kaya hindi po ako makaka-join sainyo ngayon" sabi ng isa niyang designer
"Kami rin po, Ma'am" sabi rin ng iba kaya ngumiti siya at tumango.
"Okay, I'll see you all later nalang okay? Mag-iingat kayo!" Paalam niya "Ay wait! Dalja, sabihin mo sa iba na 'wag gagalawin ang mga gown na 'yan, okay? Paki pasok sa opisina ko" dagdag niya bago tuluyang sumakay sa kotse niya.
Naisipan niyang pumunta sa paborito niyang mall at kumarin din sa paborito niyang restaurant na Cuisine spéciale de Monteclaro. Hawak ang kanyang tiyan ay naka nguso siyang nag lakad at tumingin tingin sa paligid. Baka kasi may matipuhan siyang bilhin, babalikan niya 'yon mamaya. Nakangiti siyang sinalubong ng staff doon at iginaya papunta sa table na naka reserve para lang sakanya.
"Thank you" pasasalamat niya at itinuro ang putahe na gusto niyang kainin.
Masaya siyang kumain ng kumain at inubos ang lahat ng pagkaing kanyang inorder ng nakangiti. Mahal na mahal talaga niya ang restaurant na ito! Hindi talaga hinayaan ang tiyan niya na madisappoint dahil totoong malilimutan mo ang pangalan mo sa sarap. Matapos niyang kumain, tinignan niya ang bill tsaka kumuha ng pera mula sa wallet niya.
Dahil hindi naman niya alam kung sino ang may-ari ng restaurant, umalis na siya at hindi na nag-paalam kahit na VIP costumer pa siya roon. Muli siyang nag lakad at tumingin tingin sa paligid. Maaga pa naman kaya kahit na mag shopping siya ay hindi iyon problema para sakanya. Bumili siya ng bago niyang cellphone, sapatos, bag, damit, sumbrero ng aso kahit hindi naman niya kailangan. Basta cute ay bibilhin niya, at walang makakapigil sakanya.
"Ano ba! You're making me so kilig naman e!"
Awtomatikong tumaas ang isa niyang kilay nang marinig ang malanding tawa ng isang babae habang nag lalakad lakad siya. Hindi niya na sila pinansin at umiba na siya ng direksyon dahil naririndi siya sa ganoong paraan ng pananalita ng iba kahit na minsan, ganoon din ang paraan ng pananalita niya. Pumasok siya sa isang pet shop at nag tanong.
"Hi! How much is this one?" Tanong niya sa isang babae habang hawak ang collar na nakita niyang kulay violet at balak niyang ibigay sa mga alaga ni Persephone.

YOU ARE READING
Redirecting Arrows (Chicos Malos Series #2)
Storie d'amoreWARNING: SPG | R-18| CONTAINS MATURE CONTENT "Ang saakin lang naman, ano bang kulang saakin para gaguhin mo pa ako?"