Chapter 28

272 5 3
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO, KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS, O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!











"Phoenix, kumusta?" Nagulat si Hephaestus nang marinig niya ang boses ni Demon na nasa likuran niya. "What brings you here?" Dagdag pa nito.




"Bibili ako ng coffee para sa amin ni Hestia. I asked her to create a beautiful gown for Nikki." Sagot naman niya, at ngumiti. Tumaas naman ang mga kilay niya nang marinig niya ang nakakalokong tawa ni Demon.





"Talagang pinaniniwalaan mo nalang din na si Nikki ang fiancé mo, ano?" Natatawang sabi ni Demon, kaya kumunot and noo ni Hephaestus.






"Nikki's my fiancé, what are you talking about?" Nag tatakang sabi ni Hephaestus sa kaniyan kaibigan.





"Go ahead and fool yourself, Phoenix. Don't expect me to go on your wedding.. or should I say fake wedding?" Tatawa tawang sagot ni Demon.






"Hindi kita maintindihan, Vasquez number 2." Naiinis na sabi ni Hephaestus.






"Baka nalilimutan mong kilala ko ang doktor mo, at alam ko kung ano ang totoong kalagayan mo." Umiiling na banat ni Demon "Sige na, Phoenix. I have to go dahil pupuntahan ko pa ang honey pie sugarplum ko." Paalam ni Demon, at iniwan siyang naka tulala sa coffee shop ni Persephone.







'Inubo na naman yata utak mo, Demon' sabi ni Hephaestus sa kaniyang isip, at umorder na ng kape para sa kanilang dalawa ni Hestia.









————————————————————————









"Dalja, tignan mo! Maganda ba?" Excited na sabi ni Hestia nang tinignan niya ang disenyo na ginawa niya para sa gown na ipinagagawa ni Hephaestus.





"Panigurado po, magugustuhan ng ex niyo 'yan! Kaso, it's for her fiancé" prankang tugon naman ng kaniyang assistant, kaya napasimangot si Hestia.







"Ayaw ko 'yang tabas ng dila mo ha. Gusto mo ba mawalan ng trabaho?" Mataray na sabi ni Hestia kay Dalja, kaya naman mabilis na umiling ito sa dalaga.





"What are you guys talking about?" Sabat naman ni Hephaestus na kababalik lang sa shop, habang may bitbit na dalawang malaking paper bag.






"Chismoso ka rin e no?" Iritang sabi ni Hestia kay Hephaestus.



Umiling nalang ang binata at inilagay sa lamesita ni Hestia ang mga kape at pastries na binili niya para sa kanilang dalawa. Nahiya naman siya nang maalala na may mga trabahador nga pala ang dalaga, ngunit hindi niya nabilhan ang mga ito.






"I'm done with your fiancé's gown. You may want to consider checking it before I add the final touch." Formal na pagkakasabi ni Hestia sa harapan ni Hephaestus habang iniabot ang papel kung saan naka guhit ang disenyo ng gown ni Nikki.





Tinignan naman iyon ni Hephaestus, at hindi niya maikakaila na magaling ngang talaga si Hestia sa ganitong larangan. Detalyado ang bawat parte ng gown na iginuhit ng dalaga. Namangha si Hephaestus sa galing ni Hestia, kaya naman ngumiti ito at pinuri ang kaniyang gawa.





Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now