THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.
KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
8 MORE CHAPTERS TO GO...
"LAYO NG TANAW NATIN HAAAAA!" masayang sigaw ni Hestia kay Athena at Persephone na parehong tulala ngayon.
"Kayo nga, ang layo ng narating" sagot naman ni Persephone, kaya bigla siyang nakaramdam ng hiya. Nakalimutan niyang hindi malabong sabihin ni Hades sakanya na nakituloy sila sa rest house nila sa Pampanga, dahil asawa niya ito.
"Tarantado" nahihiyang imik niya, kaya natawa si Iris at Athena.
"Sama niyo naman kami sa next date niyo!" Biro naman ni Nemesis sakanya, kaya bigla siyang natawa.
"Date nga e, 'diba? Boba ka ba? Date namin 'yon, at hindi date natin." Pambabara niya sa kaibigan.
"Bakit ka galit? Ang damot mo naman" natatawa pang biro ni Iris sakanya.
"Anong madamot? Hoy! Kung wala kayong ka-date, problema niyo na 'yon. Hephaestus and I, needs some privacy!" Depensa niya.
"O, bakit masyado kang defensive?" Tanong naman ni Persephone sakanya.
"Anong defensive? Hindi ako defensive, 'no! Masama bang mag ex--- hoy, Athena! Bakit ba tulala ka, kanina pa?" Bigla niyang pinutol ang kanyang sasabihin nang mapansin niyang tulala lang si Athena, na tila may malalim na iniisip.
"Iniisip ko kasi kung..." Sagot ni Athena, na sa malayo parin naka tanaw.
"Kung?" Sabay-sabay na tanong naman nilang mag kakaibigan.
"Kung..." Sagot ni Athena, kaya lahat sila ay naiintriga.
"Kung?" Muli nilang tanong dito.
"Kung..." Tugon ng kanilang, kaibigan kaya nainis si Hestia.
"Punyeta, kung ka ng kung, ano bang sasabihin mo!?" Sigaw niya rito, kaya natawa ang tatlo nilang kaibigan sakanya.
"Kung alin ang nauna, itlog ba o manok?" Tanong ni Athena, kaya napasabunot siya sakanyang buhok.
"What the heck!?" Natatawang sabi ni Iris.
"Biro lang..." Bawi naman ni Athena. "Gaano ba katagal ang byahe mula rito hanggang sa Pampanga?" Tanong nito sakanila.
Bumilis ang pag-tibok ng puso ni Hestia, nang itanong 'yon ni Athena. Kabado niyang tinignan si Persephone, na ngayon ay nakatingin lang din sakanya. Alam ba niya? May alam ba siya? Sinusumpa niya sa harapan ng lahat ng nakakakita sakanila ngayon, na kakalbuhin niya si Persephone sa oras na malaman niyang sinabihan niya si Athena tungkol sa date nila ni Hephaestus noong isang araw.
"Bakit mo naman natanong?" Pag basag ni Nemesis sa katahimikan, kaya nilingon niya ang mga ito.
"May gusto kasi akong bilhin na lote roon, para may mapupuntahan ako kapag naisipan kong umalis or, kapag bored ako." Sagot naman ni Athena, kaya para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

YOU ARE READING
Redirecting Arrows (Chicos Malos Series #2)
RomanceWARNING: SPG | R-18| CONTAINS MATURE CONTENT "Ang saakin lang naman, ano bang kulang saakin para gaguhin mo pa ako?"