Chapter 10

878 20 0
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!







"Hoy, Judith" masungit na tawag ni Hephaestus sa sekretarya niyang kausap na naman ang boyfriend niya na driver din ni Hephaestus

"Yes sir?" Ganadong tanong ni Judith


"Ay, yes sir? Ano ka, Catriona?" Masungit niyang tanong


"Si sir naman, ang sungit! Nag-away kayo ni Ma'am Hestia no?" Nang-aasar na sabi ni Judith



"Ano bang pake mo? Feeling close ka ah" supalpal niya sa babae kaya humalakhak lang ito



"Sir, suyuin mo. Alam mo naman na toyoin ang girlfriend ninyo, e." Suhestiyon ng babae kaya umayos siya ng upo at nag salita.



"Alam mo, iba ang toyo ni Hestia." Nakasimangot niyang sabi sa sekretarya niya



"Ay, paanong iba sir? Datu Puti ba?" Tanong ni Judith



"Hindi" sagot niya kaya kumunot ang noo ng babae



"E ano?" Tanong nitong muli


"Datu Putangina mo" sagot niya dahil naiinis na ito dala ng prustasyon na hatid ng pagiging manhid ni Hestia.



"Harsh mo naman, sir!" Nakangusong sabi ng sekretarya niya



"Ano ba dapat kong gawin, para hindi na siya topakin?" Tanong niya sa kausap



"Bilhan mo ng bulaklak sir" suhestiyon ni Judith



"Malalanta rin 'yon. Gusto ko 'yung tipong kapag natanggap niya, habang buhay niyang aalagaan" litanya niya at tumingin sa kawalan



"Ay, bigyan mo ng anak sir. Habang buhay na aalagaan pala, e" sagot ni Judith kaya natawa ito



"No, baka isumpa niya ako at hindi siya matuwa" hindi niya pag-sang-ayon kay Judith


"Haranahin mo, sir" muling sabi ni Judith


"No, I don't think she'll like it. Kung nasa 2nd floor siya ng bahay niya, pwede. Pero 'yung nasa botique siya tapos mang-haharana ako? No way" tugon niya


"Bahala ka sa buhay mo, sir" sabi ni Judith at iniwan siyang mag-isa sa loob ng opisina niya. Nakatulala niya lang na pinanood itong umalis at iniisip kung sino ba ang boss sakanilang dalawa.

Hindi naman sila nag-away ni Hestia, nag tampo lang ito sakanya dahil hindi niya nasagot ang tawag niya mag mula kahapon hanggang kaninang umaga. He's been working a lot for their upcoming grand opening of his mall at Bangkok, Thailand. 'Yon kasi ang gusto ng mommy niya dahil tunog 'mangkok' daw ito.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin para suyuin ang dalaga. Alam niyang maiintindihan siya ni Hestia, pero gusto niyang bumawi dahil sa pagiging abala nito lately. Aware siya na hindi na niya nabibigyan ng oras ang girlfriend niya, kaya naman siya na ang susuyo rito, upang maging okay na sila.

Nakapag desisyon na siya na pupuntahan nalang niya ito, at hindi na niya ito muling iiwan kapag pinalayas siya ng nobya. Madalas kasi, kapag sinabi ni Hestia na umalis siya, makikinig siya at aalis. Akala niya kasi, matutuwa si Hestia kapag sinunod niya ang gusto nito, pero muntik pa silang mag hiwalay dahil dito.




Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now