THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.
KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
"Si Hephaestus mismo ang nagpapapunta sa akin dito." Halos maubusan na ng pasensya si Hestia dahil sa kulit ng mga guard sa subdivision ni Hephaestus. Ayaw kasi nilang maniwala na pinapupunta siya mismo ng lalaki rito.
"Hintayin nalang po natin siyang tumawag, ma'am" sabi ng babaeng guard na halatang ayaw na mag kita silang dalawa ni Hephaestus, dahil gusto niya ito.
"Kapag inaway ako ni Hephaestus, humanda kayong masisante!" Banta niya, kaya pinatuloy na siya ng mga guwardya.
Hindi niya mapakalma ang kanyang sarili habang tinitignan ang malaking bahay na nasa harapan niya ngayon. She can't even imagine na pupunta siya rito, para pag silbihan ang lalaking tinuring na siyang prinsesa noon. Lumabas na siya sakanyang kotse at nag lakad palapit sa doorbell. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago niya ito tuluyang pindutin.
Kaagad naman na lumabas si Hephaestus, na wala yatang balak mag suot ng maayos na pang-ibaba dahil naka boxer shorts lang ito at manipis na puting sando. Tinignan siya nito at ngumisi. Wala yatang balak na maging maayos si Hephaestus sa pakikitungo sakanya, parang ang tingin ni Hephaestus sakanya ay bilang isang kaaway.
"Ang tagal mo" seryosong sabi ni Hephaestus sakanya kaya nanlaki ang mga mata niya
"E kung pag-sabihan mo kaya ang mga guard sa labas ng subdivision ninyo, ano!?" Sigaw niya kaya nag takip ng tainga ang lalaki
"You're so noisy. Pwede ba, hinaan mo naman ang boses mo kapag nakikipag usap ka?" Masungit na sabi ni Hephaestus
"Wala kang pake! Ayusin mo ang mga guard sa labas ng subdivision ninyo, at sila ang pagalitan mo! Masyado ka kasing maarte. May pa-banned banned ka pang nalalaman" inis na sabi niya at nauna nang pumasok sa bahay ni Hephaestus
"Wow, feel at home" hindi makapaniwalang hasik ni Hephaestus habang nakatingin sakanya.
"This place, used to be my home." Sagot naman niya at ngumiti, dahilan para mag iwas ng tingin ang lalaki.
"Pinapunta kita rito, para pag silbihan mo ako. Go, and cook me some food" utos ni Hephaestus kaya kinabahan si Hestia bigla.
"I don't know how to cook" sagot niya kaya ngumisi ang lalaki.
"That's your problem, not mine." Tanging tugon ng lalaki at iniwan siyang namomroblema.
He let out a deep sigh, before calling Hermes. Balak niya kasing bumisita sa isa niyang mall, at isama ang kaibigan. He really wants to rest his mind. Masyadong pagod ang isip niya, sa mga meeting at iba pang mga bagay. Kaya nga hindi niya maiwasan ang hindi magalit kay Hestia, dahil masakit padin ang ginawa ng babae sakanya. At hanggang ngayon, damang dama niya parin ang sakit.
"Hello?" Sabi ni Hermes mula sa kabilang linya
"Fuck head" sagot ni Hephaestus kaya narinig niyang tumawa si Hermes
"Pare, may tanong ako" sabi ni Hermes
"What is it?" Tanong niya
YOU ARE READING
Redirecting Arrows (Chicos Malos Series #2)
RomanceWARNING: SPG | R-18| CONTAINS MATURE CONTENT "Ang saakin lang naman, ano bang kulang saakin para gaguhin mo pa ako?"