Chapter 21

745 22 3
                                    


THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.





KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.





THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.






ENJOY READING!





"Alam mo, Hestia..." Para siyang naubusan ng hininga nang sadyang putulin ni Athena ang sasabihin niya. Kabado niya itong tinitignan, at hinihintay na ituloy nito kung ano ang kanyang sasabihin.





"A-Ano?" Tanong niya sa kaibigan.





"Ay, nakalimutan ko na" kamot ulong sabi ni Athena, at nag patuloy sa pag mamaneho.





"Ulyanin" asar niya naman kay Athena.





"Ah, naalala ko na..." Biglang sabi ni Athena, kaya bumalik ang matinding kaba na naramdaman niya kanina. "Bakit napapadalas yata ang alis niyo ni Hephaestus?" Tanong bigla ni Athena sakanya.





"A-Ah, siya ang may gusto e. Nanliligaw siya, 'd-diba? So, palagi niya akong niya-yaya na mag d-date." Kabado niya namang sagot.





"Para ka namang tanga sumagot." Tanging kumento ni Athena, kaya napa roll eyes nalang siya.





Muli siyang ihahatid ni Athena ngayon sa tapat ng mall ni Hephaestus. Naki-usap kasing muli ang binata sakanya, na kung pwede lang ay muli siya nitong samahan dahil ipapasyal siya nito. Alam niya sakanyang sarili, na walang kasiguraduhan ang lahat ng ito. Pero, may isang parte sakanya, na gustong gawin ito, para hindi niya masaktan ang damdamin ni Hephaestus.







"Uh- Hestia?" Wala sa sariling tawag ni Athena sakanya, kaya napalingon ito bigla.






"Yes?" Sagot niya. Saka tinignan ng mabuti ang kaibigan.






"Kailan mo balak sagutin si Hephaestus?" Tanong ni Athena sakanya.






"Huh?" Tanong niya pabalik







"Huhkdog" sagot naman ni Athena.






"Punyeta, aayos ka o hindi?" Naiinis niyang tanong sa kaibigan. "Kailangan ko ba siyang sagutin?" Tanong niya pa






"Bakit? Wala ka bang balak?" Pag babalik ni Athena ng tanong sakanya






"Sa tingin mo ba seryoso 'yon?" Natatawa niyang sabi sa kaibigan. "Sa sobrang gwapo ni Hephaestus, hindi ako ang titipuhin no'n." Singhal niya.







"Bobo ka pala, e. Ano sa tingin mo ang ginagawa ninyo? Laro lang?" Hindi maka-paniwalang sabi ni Athena sakanya.






"Mmm, Hephaestus is just a player. Ano sa tingin mo ang pakay niya sa akin?" Seryoso niyang sabi rito "Ang katawan ko lang, 'diba?" Ngisi niyang pag tutuloy sakanyang sinasabi.







"Paano ka naman naka sisigurado, Hestia?" Tanong ni Athena.







"Sigurado ako, dahil ramdam ko, at minsan ko na rin naranasan 'to." May paninindigan niyang sabi, at hindi alam kung saan titingin.








Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now